What's new

Closed Scam Investment listed

Status
Not open for further replies.
ganun pala yan bakit mablocklisted ka pag winithdraw mo lahat?

may requirement daw sila paps na dapat iwan mo yung principal na donation mo at yung monthly love gift lang kunin mo kada buwan para hindi mablock sa membership nila

siguro parang retention na din or bond para may mapaikot sila sa kanilang negosyo

yan lang napanood ko sa isang member na winithdraw lahat at yun ang sabi
 
donation daw paps na may 30% (love gift) return in one month

pupunta ka sa office nila mag fill up para magdonate at maging member pero retain mo padin kung ano mang relihyon na meron ka

kung donation mo is 5000

in one month time pwede muna kunin yung love gift (yung 30% ineterest) na worth 1500 petotet

in 4months time may 14,280 na

kung iwí†hdráw mo man lahat blocklisted kana

ang ganda ng donation.. may returns.. hehe.. tama nga raw po, yan din po ung naririnig ko at nababasa sa FB..
 
Grabe pala e no :O
 
ang ganda ng donation.. may returns.. hehe.. tama nga raw po, yan din po ung naririnig ko at nababasa sa FB..

yes po at kahit saang dictionaryo po naten tignan ang word na donation is "free gift" o contribution na hindi ka mag eexpect ng returns dahil kung may returns yan or profit automatic investment na yan

pero as per mga members legit since nagbabayad at wala pang reklamo at pera daw nila yun at kusa idinonate kasi nakakatulong daw sa kanila at nag kakotse pa ibang members

plus madami daw negosyo ang kapa pero ni isa hindi nakapangalan sa kapa since conflict of interest dahil religious group sila

kung tutuusin talo pa nila yung Jollibee, Max restaurant, SM, Semirara mining company etc sa stock market in terms of sa kinikita nila at kaya isustain lahat ng members

easy money at dahil narin sa kahirapan talagang isusugal nila pera nila sa ganito
 
pag ayusin lang sana nila secondary permit to sell ng securities at magpaenlist nalang sa PSE at gawing KAPA Holdings baka isa na ako sa bibili ng shares dito :)
Kaso Scam na daw ata e nagsarado ba sila or pinasara po?
 
for closure as per instruction ni PresDuterte, pwede pa naman sila mag apela basta iayos sa SEC yung requirement hanggat wala silang secondary license good as "ponzi scheme" yung dating

Kaya pala, grabe nga talaga siguro ang "Nai-scam" nila at wala silang maipakita na Secondary License
 
Masama kasi ginawa ng kapa kasi ginamit nila ang religion upang mag negosyo, sa aksyon pa lang na iyan kita mo na yong kamalian
Marami ng na invest na negosyo ang KAPA lahat ng yan nag babayad ng tax at lahat nyan mga member nakikinabang imposible kasi paniniwalaan diba pero dami na rin natutuwa na membro di tulad kay kibuloy kung ikaw membro lahat ng source of income mo matik may purcento sya at yung ibang membro kawawa pina palimos pa kahit saan2x..

Kaya galit si kibuloy kasi may ka kupitensya na sya at maraming natutuwa sa KAPA hahahaha..
 
Last edited:
Kaya pala, grabe nga talaga siguro ang "Nai-scam" nila at wala silang maipakita na Secondary License

yun lang naman kasi kulang para hindi sila pag initan ng gobyerno at ideclare nilang corporation para lahat ng members protektado para hindi maitakbo yung pera ng individual parties pag naka corpo na
 
Ang mga banko kaya nila gawin yan ginagawa ng kapa kaya lang di nila ginagawa kasi alam nila ang risk niyan at nagpapailalim sila sa gobyerno
Malaki epekto niyan sa ekonomiya ng bansa kung lahat sasali at puro invest na lang
 
for closure as per instruction ni PresDuterte, pwede pa naman sila mag apela basta iayos sa SEC yung requirement hanggat wala silang secondary license good as "ponzi scheme" yung dating
being a business entity rather than a religious sect...nag tatax evasion na sila..nakapangalan ang business ng KAPA sa pangalan ng asawa ng founder
 
being a business entity rather than a religious sect...nag tatax evasion na sila..nakapangalan ang business ng KAPA sa pangalan ng asawa ng founder

tama kaya pag nagsara walang habol members since hindi naman under ng kapa mga negosyo, pero dina naten masisi mga sumali since...
  • pera naman nila
  • easy money
  • bawi na daw nila donation
  • yung love gift nalang kinukuha at
  • guminhawa buhay nila etc
yayaman ka dyan at the "expense of others" yun kung ok lang sa konsensya nila

at dahil sa dami daw ng negosyo kung tutuusin talo pa nga mga big time companies kung monthly kayang makapaglabas ng 30% sa bawat members, kung ganito na kayaman in the first place hindi na dapat nanghihingi ng donation kundi sila na dapat magbigay ng donation sa mahihirap kung gusto talaga nila makatulong
 
Last edited:
tama kaya pag nagsara walang habol members since hindi naman under ng kapa mga negosyo, pero dina naten masisi mga sumali since...
  • pera naman nila
  • easy money
  • bawi na daw nila donation
  • yung love gift nalang kinukuha at
  • guminhawa buhay nila etc
yayaman ka dyan at the "expense of others" yun kung ok lang sa konsensya nila
Nabulag na po sila sa pera..d ko sila masisi kung isang kayod isang tuka..pakapalan at palawakan na lang ng face..hahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top