mas madaling lokohin ang tao kesa kumbinsihin na naloko siya hehe
simlple lang, may mga pinang aakit sila na assets tulad ng mga kotse na ang daming may ari na di mo alam kung sino ba talaga may ari, dito pa lang sana ay nagtatanong na kayo kung bakit. Negosyante sila, may purpose sila na kumita kaya kahit ano gagawin nila kahit pa makasama sila sa iba o mapasama ang iba basta maisakatuparan lang nila ang purpose nila. Walang pinagkaiba ang mga nagbebenta ng mga pangarap niyo tulad nina bo sanchez, mga trading gurus, motivational speaker etc. Alam niyo kung bakit? Kasi andami sa inyo ang longing na yumaman sa pag aakala na dun talaga kayo sasaya. Pinagsasamantalahan lang nila ang kahinaan niyo pagdating sa pera.