Lahat ng online loan shark(registered man sa sec o hindi) , pag install mo pa lang ng app, at pag bigay permission, lahat ng pwede ma kalkal sa phone, uploaded matik sa cloud nila. taz kapag na delay ka ng isang araw, ganyang text blast at call blast matatanggap mo pati ng lahat ng nasa contacts list mo. Pagmumura, pamahiya, pananakot at paninira. Na kesyo giinawa mo daw silang guarantor ng utang. Pati pag gawa ng fb gc and adding all your friends para siraan ka and posting sa mga buy and sell groups yung selfie with id pic na supposedly used for KYC only. Alam na alam ko yan dahil biktima ako niyan.