What's new

Sapalagay nyo mangyayari kaya to?parang kinakabahan na ako.

PHC-ALLAN

Forum Guru
Joined
Nov 7, 2018
Posts
1,808
Reaction
13,013
Points
1,726
received_685584152331589.jpeg
received_375892706969369.jpeg
received_809662643161808.jpeg
 

Attachments

Mateo 24:4-28 MBB05​

Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak. “Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.” “Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. Sa katunayan, kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang ng Diyos, paiikliin ang panahong iyon. “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. Sapagkat may lilitaw na mga huwad na mesiyas at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw ang marami kahit na ang mga hinirang ng Diyos. Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito upang kayo'y makapaghanda. “Kaya't kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala. Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran. “Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”
 
Nagka meron na po ng zombie ngayong 2020 mali hula ni Nostradamus. Kasi nagkaroon na ng Zombie Minks. Pero taong zombie na napapanood sa movie walang ganun. Para sakin ang definition ng zombie is yung taong may sakit but still buhay pa hindi yung zombie na napaanood sa mga movie. Hahaha walang mangyayari na ganun 🤔
 
I'm not sure about zombie Apocalypse pero about PREDICTIONS? mangyayari at mangyayari talaga yan dahil hindi naman titigil sa pag-ikot ang mundo, hindi naman titigil bigla ang oras at hindi biglang titigil sa pagkilos ang mga tao at mga ibang nakatira dito sa mundo , kaya kahit ako magsabi na may malakas na bagyo, lindol, baha at kong ano-ano pa na darating in the future meron talaga darating dahil as I've said di titigil sa pag-ikot ang mundo at kaya nyo rin magsabi/magpredict ng mga ganyan.
 
Merong mga zombie, yung mga adiktus na nakikita mo sa daan na wala na sa sarili. Yun ang mga zombie para saakin, pero yung napapapanood natin sa mga movies sobrang labo mangyari pero hindi imposible. Gaya nung napanood ko sa isang science channel, tungkol sa rabies. Isipin mo nga naman kung ang rabies pagnakahawa sing bilis ng kidlat ang signs and symptoms nya ganun din kabilis lumabas pati yung paginfect nya. Wala na GG na.
 
Yung pagsikat ni Hitler, pag-assassinate kay JFK, yung pagbomba ng twin towers sa US noong Sept. 11, 2001, atbp. ay nanggaling lang sa mga pinaghalong subjective interpretations ng sari-saring metaphoric lines ng quartains ni Nostradamus. .Kung inusisa ng maigi yung eksaktong quartains niya ay humawig lang ang mga iyon sa mga general conditions ng buhay natin sa mundo, na pwedeng mangyari ng ilang ulit, kahit saan o kahit anong panahon. Pinasikat lang yan ng balita para pag-usapan, hindi para paniwalaan. Kaya umpisahan na nating ibukas ang isipan natin sa makatotohanang paraan ng paniniwala ng balita - yung may matibay na logic.
Ang zombies ay kathang-isip lamang lamang po na alam na ng lahat. Tulad rin yang balita mo ng prediction "N", pwedeng magkaroon ng "mukhang" zombie, pero hindi patay, na nangangagat he he.
 
hindi mo kaylangan si Nostradamus para maintindihan na possible mga ganyan scenario, pero don't fantasize about it too much.. hindi yan katulad nang the walking dead nag re-animate yung mga zombies.. think of what happened in Wuhan during the first few months of the outbreak.
 

Similar threads

Back
Top