Medyo naging provocative na po tayo, ts medyo out of context nga po ang statement na 'kill all non believers' if iaapply through a religious perspective. Isaalang alang ninyo po sana na ibinigay ng Diyos kay Moses ang mga alituntunin, kautusan, at batas na nakasaad sa mga aklat ng lumang tipan upang tuparin ng mga Israelitang lumikas sa Egipto upang makapanirahan sila sa lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos. Lupaing pinaninirahan ng mga unbelievers (Amalekites, Jebusites, etc..). Iniutos sa mga Israelita na huwag makihalo sa mga lahing iyon sapagkat nahatulan na sila sa kanilang kasamaan at di na nalugod ang Diyos. Sa pamamagitan ng mga batas at kautusang ito ipinakita ng Diyos kay Moses sa paglalarawan ang pagpapairal ng katuwiran sa itatatag na bayan ng Diyos (una sa langit) at sa katapusan, pagkatapos ng huling paghuhukom (paglilinis/pamamahinga) dito sa lupa at ang muling paglalang sa bagong langit at lupa. Kung susundin ng mga Israelita ang mga alituntunin, makakarating sila sa lupaing ipinangako sa kanila (ang Palestina), sa humigit kalahating milyong bilang nila mula Egipto tatatlo lamang ang nakatungtong sa lupain after 40 years, mga bagong henerasyon na pawang kabataan na ang naratnan ng pangako ng Diyos, yun ay dahil sa sinubok sila at nila ang Diyos sa ilang dahil sa kanilang pagsalangsang, maging si Moises sa huli ay di gaanong kinalugdan ng Diyos at di pinayagan makarating sa lupaing ipinangako at bagkus ipinatanaw lamang sa kanya ito dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang mga kababayan, na parang nalapastangan pa niya ang kaluwalhatian ng Diyos sa 'pagpapabukal ng tubig mula sa tuyong bato' (metaphorical).
From an atheist perspective, maari bang ipatupad ang law of Moses sa hindi mananampalataya?
Oo at Hindi, sapagkat kung gaanong ang iiral na batas ay applicable lamang sa nasasakupan (citizens) at lupain (teritoryo) ito rin ay may hangganan sapagkat nilalarawan dito ang kaibahan ng batas ng tao sa batas ng Diyos (walang hangganan), at kung tao ang magpapairal ng batas limitado lamang ito sa kanyang itatatag na estado (state-Israel) at constituents (mga Israelita), at pag may lumabag dito kamatayan ang hatol kahit sa ibang lahi na nakikipamayan at hindi mananampalataya sa Diyos ni Jacob (Israel).
Mawawala lamang ang pag-iral ng batas o alituntunin, kung literal na masasakop ang Israel, at dahil nga sa pagsalangsang, bahagyang tinalikuran din ng Diyos ang lahing ito, at nasakop ang mga lupain ng ibang mga dayuhan. Ang bahagyang pagkawala ng mga alituntunin at batas na ibinigay kay Moises dahil sa pagkawasak ng lupain, gaya ng nabanggit ay pagsasalarawan din sa pag-iral ng bagong kaayusan (order) sa pamamagitan ng mga bagong mamamahala at ang hangganan ng lumang tipan ay kay Hesus na messiah/kristo sa griyego (pinahiran ang kahulugan), itinalaga bilang tagapamahala (Hari), Kaya sinasabing naparito siya upang buwagin ang sambahayang hindi na naglilingkod sa Diyos bagkus pakunwari ay sa diablo na( Ang katotohanan bibihira na lamang ang mga tunay na dugong Israelita nang dumating si Hesu-kristo sa lupa, sa kaniyang bayan (ganyan din ang mangyayari sa huling paghuhukom) kaya kailangan niyang buwagin ang (lumang) huwad na kawan(iglesia) sa lupa at pagbahabahagiin ito sapagkat naging ama ng mga ito ang Diablo at napalinlang sila (ganyan din ang paglalarawan sa panahon natin ngayon kayat maraming denominations). Ang totoo iisa lamang ang tunay na iglesya, nasa itaas sila ngayon at hindi nasasakop ng anumang batas ng tao (created without human hands), ngunit itoy ispiritwal na namamahala/nagmamasid sa lupa alang alang sa maliligtas hanggang sa huling paghuhukom pagbaba nila mismo dito sa daigdig sa muling pagtatatag ng bagong pamamahala ng Bagong Herusalem). Kaya huwag na magtalo talo ang ilan sa inyo, noon pa man kasuotan lang ni Kristo (iglesya sa lupa) ang pinaghahati hatian ninyo, hanapin ninyo ang tunay na pananampalataya at masusumpungan ninyo.
Sa gayon, muling natupad ang isinasaad sa Kasulatan, "Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan." Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal...
(figurative of wars of religion)
Ang ipinapanganak sa Espiritu ay tulad nga ng hangin di mo alam kung saan nagmula at kung saan patungo. Kaya keep the faith.
Spoiler: may hangganan din po ang paghahari ni Hesu-kristo, pagkatapos ng isang libong taon, ibibigay niya sa Diyos at Ama ang kapangyarihan at ang pamamahala upang sa gayon matupad na, Siya (ang Ama ang Diyos mula nang pasimula, sa Kasalukuyan at sa darating. Iiwan ng Anak ang Ama at si Hesu-kristo at ang kanyang iglesya(katawan/kawan) ay magsasama (magiging isa) sa kasal ng kordero sa panahon ng pagbibigay ng gantimpala sa mga magtatagumpay.
Mula sa aklat ng Bagong Tipan-"Sinabi ni Hesus, " Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
Idinagdag pa ni Hesus na dapat nating Ibigin ang ating mga kaaway at idalangin ang mga umuusig sa atin upang tayo'y maging tunay na anak ng Diyos.