What's new

Help Sa mga PC EXPERTS Diyan.

Cheska8

Elite
Gusto ko po sanang mag dagdag ng RAM para PC ko po. meron na akong 8GB na naka install sa loob, hindi ko alam anong brand, basta 8GB po siya sabi doon sa description nung kinuha ko ito.. tingin niyo ano pong brand jan ang ilalagay kopo. gusto ko sana 8GB, pero diko alam tlaga anong compatible jan.. baka kc magkamali ako ng bili. natambak lang pc kona to. hehe. ngayon kolang gagamitin uli.

IMG_20220525_111442.jpg
 

Attachments

Last edited:
Kapag chineck mo yung RAM meron yan nakalagay parang "DDR4*4digits", yung 4 digits na yun ayung yung frequency. Pwedeng 1600, 3200 ganyan iba iba depende sa RAM. Dapat same ng frequency yung bibilhin mo.
 

taurexn

Honorary Poster
i m referring sa SPD tab ng cpu-z.... and based sa pic, yun ram mo ay corsair vengeance ddr4-2400 latency 15-15-15-36 based sa code ng photo ng module. pwede ka naman bumili ng kapareho nyan para gumana ang dual channel


huhu, tinanggal ko ung ram, tapos nung binalik ko ayaw na tuloy gumana yung pc ko huhu, nag ON tapos OFF tapos ON FF uli.. huhu

power off yun kailangan nakahiga ang desktop at ireseat mo yun ram module, kailangan ipush mo with both hands pabalik sa original slot, nag on-off yan pag hindi maayos ang pagsalpak ng module, ensure mo rin na walang kang cable na natabig sa motherboard
 
Last edited:

Cheska8

Elite
corsair vengeance ddr4-2400 latency 15-15-15-36 yun nasa pc mo based sa code ng photo ng module. pwede ka naman bumili ng kapareho nyan para gumana ang dual channel
thank you sir, pero sir.. pano to sir.. dikona maopen ung pc ko, automatic on/off kusa nalang tong cpu ko. after ko bunutin ung ram kanina. huhu. dikaya hindi tama yung pag balik ko ng ram huhu
 

taurexn

Honorary Poster
may notch ang ram na hindi papasok kapag baliktad ang module. kailangan iremove tapos i-reseat sa slot, pag hindi pantay ay madetect ng motherboard yan kaya on-off yan
 

taurexn

Honorary Poster
kung may beep speaker sana ay may maririnig kang sequence ng long at short beep dyan or kung meron kang pci diagnostic card ay madali malaman kung bakit naghang sa bios at ayaw pumasok sa windows.... possible na nagalaw mo rin ang video card. hindi sira ang pc, kailangan lang ireseat both ram at vga card or kailangan kiskisin mo ng eraser yun gold contacts ng ram module at sa graphics card bago ireseat sa slot ng motherboard
 

Cheska8

Elite
kung may beep speaker sana ay may maririnig kang sequence ng long at short beep dyan or kung meron kang pci diagnostic card ay madali malaman kung bakit naghang sa bios at ayaw pumasok sa windows.... possible na nagalaw mo rin ang video card. hindi sira ang pc, kailangan lang ireseat both ram at vga card or kailangan kiskisin mo ng eraser yun gold contacts ng ram module at sa graphics card bago ireseat sa slot ng motherboard
thank you sir.. finally na open ko din. hayst na istress na ako kanina
 
Top