What's new

Sa mga nagbabalak maging Graphic Designer

Paps try to study and search about photoshop paps once na magamay mo na yung photoshop di ka na talaga mahihirapan maghanap ng trabaho online man o kahit sa mga lugar na malapit inyo kase mostly marami talagang naghahire na mga marurunong sa photoshop nowaday. Yung araw kung kailan ka agad matututo mga 1 or 2 month paps kung magfofocus ka po talaga sa function and uses of photoshop. Nagbatak po kase ako sa pagaaral ng photoshop halos araw araw puyat ako pero worth it kase kahit papano nahahire ako sa mga freelancer paminsan minsan.
 
ako 30 yrs nang graphic artist, just retired from abs-cbn luckily bago isara ng gobyerno. Inabot ko kauna-unahang commercial version ng photoshop (Ver. 2.5) hanggang sa ngayon na CS series. Matagal-tagal din ako sa raster graphics hanggang sa nag-shift ako sa 3D softwares. Payo ko lang tiyagaan din ang pagiging graphic artist at maswerte nga mga graphic artist ngayon dami nang filters at effect sa mga softwares. Noon kami magload lng ng isang 8 bit image gapang na e, effects pa kaya. Puro daya lang mga diskarte noon. Ang una kong nagamit na graphics workstation noon ay Sony 8 bits Videotizer na pang museum na ngayon. Enjoy nyo lang creativity nyo sunod na lang yung monetary rewards.
 
Grabe paps tagal nyo na palang maging graphic designer kainggit hehe. But eto tyagaan pa den kase alam ko na konti pa lang yung natututunan ko in terms of graphic design HAHAHAHA inshort marame pa akong kakaining bigas. Very well said paps salamat sa payo
 
Adobe Photoshop for bitmap, Adobe Illustrator or CorelDraw for Vector so combination nitong dalawa is a must kung gusto mong maging Graphic Designer :) hindi pwedeng Photoshop lang or puro bitmap na graphics.
 
Back
Top