"Gunita"
Nagsimula ang lahat sa ilalim ng nag-iisang bubong
Na tila mga estranghero; ano ang iyong ngalan? ang unang sambit na tanong.
At magmula noon naging magkakasama na sa bawat pagpupulong
Kung saan mas lalo pang pinagbuklod sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanya-kanyang tulong at dunong.
Sa bawat kasiyahan ningning sa mga mata nila'y iyong makikita
Walang ano man suliranin sa ating isipan ay umaabala
Maging sa simpleng kalokohan ang damayan ay hindi na mawawala pa
Ganun din sa kalungkutan na tila pakiramdam natin lahat tayo'y iisa.
Ngunit kay bilis lumipas ng panahon
Heto na ang araw na tinatawag na pagtatapos o isang biyayang ambon
Bawat isa ay nakatakda nang humarap sa panibagong hamon ng pagkakataon
Ang yugtong maghihiwalay na ang landas upang bawat isa'y yumaon.
Mahal kong mga kaibigan sa aking balintataw ay lagi kong matatanaw
Ang ating naging samahan na mapagkailan ma'y hindi na ito bibitaw
Dahil sa puso't isipan ko'y ito ang tanging mangingibabaw
Saan man dako ng daigdig ako maparoon;sa lawak man ng karagatan o sa lilim ng langit na bughaw
Masasayang mga gunita na lang ang papawi sa uhaw... ng minsang lumipas at nagdaang mga araw...
BIG CREDITS TO MY...
N1ghtmare