"magkalayo man ay di lilimot"
Kaibigan, kaklase
ikaw yung tipo na ibang klase
sa bawat araw na di ko masabi
mahalaga sa akin na ikay makatabi
masaya ako, oo totoo
na nakilala kita, tila ba nagbago
lahat ng pananaw ko tila ba binago
sa pag-aaral ako ay naging pursigido
ikaw, lahat tayo at yung iba pa
ang klase, hindi mabubuo kung wala ako't ikaw at sila
mga librong di mabubuklat
kung maglalaho pati ang ating mga palad
minsan oo nakakasawa na
araw-araw tayong nagkikita
sila, ako maging ikaw
mga ingay na di mo maaaring iligaw
huni ng asaran, inggitan at sigaw
habang ang iba'y tahimik na bangaw
alolong na hatid ay magandang impluwensiya
alolong na di panghayop kundi pangmasa
mga ugong ng damdamin at di maaming pagtingin
kaklase at paghanga lahat nararanasan natin
eskwela tahanan maging sa lahat ng madla
may kaba, pagkasabik sa bawat araw na makikita
pagkatuto, pagluha maging ating pagtawa
halakhak, doon, dito at diyan na tila
humahalik sa aking pisngi at tumanim sa isip
na di na sana huminto pa itong panaginip
kay sarap, pagmasdan tayong lahat ay sama-sama
kahit pa may araw na, tila ba ang loob ay may sama
mag-away man o mag-asaran nagbabati din talaga
yan ang kaklase na kilala ko san man ako na magpunta
kung ang panahon ng paglayo ay dumating na sa ating mundo
ang iwan ka'y di nanaisin sa pagkat nagkalapit na tayo
subalit kung ito man din ang paraan ng mundong ito
ay tanggap ko bastat ang paglimot ay wag nating ibubuslo
kaibigan, tila kapatid na ang turingan
na sana ay di ka makalimot kahit pa paglayo'y tuluyan
mag-iba man ang landas ng bawat isa sa ating lahat at ng iba
pangakong kakamustahin kita sa muli pa nating pagkikita