Grabe naman. Halos pare-parehas kayo mag-isip kapag theist. Puros punishment from God. Katulad ng global protest na sinabi sa akin noon.
Sa August 2020 ay magkakaroon ng brownout daw sa buong mundo, kase magrarally ang buong mundo dahil nga sa globalist sapagkat sila raw kuno nag invent ng coronavirus.
Nang nagbrown out sa amin which is hindi ko pa alam na iyon ang pinaniwalaan nila, e bumalik naman ang ilaw dahil meron deperensya sa pinanggagalingan ng ilaw.
Nang nagkailaw at dumating ng ilan days, saka sinabi sa akin iyon which is wala naman nangyari global protest na keyso buong mundo daw.
Since, hindi nangyari, sabi pa naman, mag antay raw kami dahil mangyayari daw iyon.
Sa loob-loob ko na why o why kailangan antayin para matupad lang ng kagustuhan ng mga tao na meron mangyayari talaga at para matupad lang sa biblia (awkward naman kase kapag walang natupad)
You see, beliefs nila.
Then sa Islam, sabi, nagkaroon ng pandemic sa china which is coronavirus dahil ang mga babae raw hindi nakabalot ng mukha. Grabe ka sexist. Tutal sexism naman talaga ang nasa Islam pagdating sa babae. Ina accept na lang dahil iyon ang itinuro since bata.
Ngayon, ito naman sa TS.
Nakakasawa na ang mga ganyan, kaya umalis na ako sa relihiyon.
Nakakapagod mag isip ng ganyan.
Gawa lang ng tao ang covid19.
Yun lang yun.