What's new

Closed Rooting guide for all *explained in tagalog* medyo mahabang tutorial

Status
Not open for further replies.

Nikkorod

Forum Veteran
Joined
Sep 15, 2015
Posts
1,603
Reaction
3,375
Points
871
share ko lang guys, galing sa lumang blog ko hehe di ko na na uupdate kasi medyo busy

How to root android device (Tagalog Tutorial)





⏩Ano ang root?



✔ Ang root ay ang pinaka last na folder ng android, kung sa windows/computer parang C: drive sya, pero magkaiba sila dahil sa windows, accessible ito or pwedeng mamodify. Sa android wala kang access sa mga folder na to kung hindi rooted ang phone mo, parang ganito yun
538926_UNSET.jpg



ngayon, kung gusto mong magkaroon ng access sa mga folder na yan or magmodify ng system files kakailanganin mong iroot ang phone mo.


Madaming paraan ang pagroroot, pero nakadepende talaga sa device mo kung ano ang magiging successful na rooting procedure. Pwedeng mag iinstall lang ng app at ilang mins. lang root agad at may iba namang kailangan mo pang gumamit ng computer at magflash ng rooting package, may iba namang kailangan mo pang i unlock ang bootloader, may ibang mag faflash/magiinstall kapa ng custom recovery.


⏩Ano ba ang advantage ng rooted phone?

⏩Ano nagagawa pag rooted phone mo?



1.) Pwede mo nang i-uninstall ang mga bloatware, ano ang bloatwares? ito yung apps na pre-installed sa phone mo na nakakapuno ng storage.
%255BUNSET%255.jpg

bloatware jan yung bonus load, cherry fun club, cherry prepaid, etc.

di sya pwedeng ma uninstall kasi naka system sya, pero kung rooted ka pwede yan tanggalin!

pwedeng gumamit ng apps or mano mano lang, pero sa mga bagohan jan recommended na gumamit ka lang ng apps at siguraduhing safe tanggalin yang i-uuninstall mo

2.) Pwede mong iblock ang ads sa lahat ng apps
%255BUNSET%255.jpg

3.)Pwede mong i hibernate ang mga background apps na di naman ginagamit using Greenify. gumagana naman ang greenify kahit hindi rooted pero mas maganda padin pag rooted ka kasi maaccess mo full features nya

ano ang hibernation? parang pinapatulog mo yung background apps na di ginagamit para mas lumaki ang free ram, mas tumagal ang batt. life at maimprove ang performance ng iyong device(lesser lag)
%255BUNSET%255.jpg

4.) Pwede kang mag install ng custom recovery at mag back up/restore ng rom at flash ng zip files like tweaks or iba pa
%255BUNSET%255.jpg


5.) Pwede kang mang modify ng apps, häçk ng games, remove license, ibypass ang inapp purchase at makuha ng libre ,remove ads etc.

gamit ang lucky patcher, gumagana din to kahit di rooted pero limited ang features
%255BUNSET%255.png

6.) Pwede kang magmod at magdesign ng ui mo
%255BUNSET%255.jpg
at marami pang iba







⏩Ano naman ang mga disadvantage ng pagroroot?

⏩di ba masisira ang phone mo?

⏩di ba magkakavirus?

⏩di ba magla-lag?





✔ Astig ang mga nagagawa ng rooted na phone diba? pero meron din itong mga disadvantage





1.)Hindi ka na makakareceive ng OTA(Over the air) updates, dahil void na ang warranty mo

(Tip: kung may OTA update na magnotify at rooted ang phone mo, wag na wag mong i uupdate, nabobootloop phone mo)



2.) May mga security risks din dahil may access kana sa system , pwede ding maka access ang mga apps sa system ng phone mo, baka aksidnteng maka install ka ng virus, phishing apps, etc. na nag iinstall sa system. delikado, pero di naman mangyayari yan, nanjan naman ang SuperSU, Super user or kinguser, yan ang silbi nila, nagboblock ng apps na mag automatic access sa system, kelangan mo munang igrant kaya ingat ingat lang sa pag gagrant.



3.) may mga apps/games na di gumagana sa rooted device, takot ata mahäçk


Yun, naexplain na natin kung ano ang root at ang advantages at disadvantages nito. Punta naman tayo sa tutorial kung pano mag root pero bago yun, tignan mo muna kung ano android version ng phone mo



Android 4.4 (Kitkat) Below and
Android 5.0 (Lollipop) (Not sure or 50/50)


(((**Kung Android 6 Up ang device mo, nasa baba yung tutorial**)))




Kung android kitkat below ang android version mo, mas malaki chance na mabilis lang sya iroot. Madaming apps na pwedeng magroot sa kitkat devices pero recommend ko ang Kingroot dahil mas malaki chance ng success, sikat at safe.





Note : dapat may atleast 50% ang battery ng phone nyo before rooting at kailangan ng internet ang pagroroot ng Kingroot, hindi/chambahan lang gumana ang VPN sa pagroroot so magpaload ka ng pang internet or mas okay kung WiFi gamit mo



Procedures :



1st - Download mo muna kingroot sa kingroot(.)net

2nd - After mo madownload, install mo na sya

3rd - Open mo at iclick ang Try to root

4th - antayin lang matapos, baka magreboot ang phone mo, normal lang yun antayin lang matapos at wag gagamitin ang phone habang nagroroot

5th - pag success na, ireboot mo. at after nyan ayus na, congrats!

6th - Kung failed ang pagrororoot basahin mo yung Android 6.0 up na tutorial



(Kahit Android 5.0 below os mo basahin mo padin yung sa baba, para magkaroon ka ng idea about recovery and roms)


Android 6.0 (Lollipop) to Android 8.0 (Oreo)


Kung android Marshmallow to Oreo naman device mo, basahin mo to.


medyo mahirap na magroot pag ansdroid 6.0 up, puro hindi successful ang nakikita ko pag gagamit lang ng mga rooting app tulad ng kingroot. explain ko kung bakit.

ang steps kasi neto, mag iinstall ka ng custom recovery para palitan ang stock recovery mo.



ano ang custom recovery?

una, ano muna ang recovery?

ang recovery ay parang B.I.O.S sa windows, Pwede ka ditong mag hard reset/factory reset etc.

(Stock recovery ang tawag pag stock lang or default)



ang kada phone ay may kanya kanyang stock recovery na maaaccess gamit ang mga device-specific button combinations habang naka off ang phone. examples ng mga combination na ito ay



(Ihohold hanggang makita ang logo)

(Home button + Volume Up + Power button)

(Volume up + Power button)

(Volume up + Volume down + power button)

kung gusto mo malaman kung pano maaccess ang recovery ng phone mo isearch lang sa google ang keyword na

"How to access Samsung galaxy J1 Recovery"



palitan mo nalang yung samsung galaxy j1 ng name ng phone mo.



nag iba nako ng topic haha, anyway, balik tayo.

ang custom recovery naman ay nagsisilbing replacement ng stock recovery. papalitan nito ang recovery mo.

ito ang dalawang pinaka sikat na custom recovery

TWRP - Team win recovery project

CWM - Clockwork Mod recovery



limited kasi yung features ng stock recovery, sa stock recovery di ka pwedeng makapag back up/restore. at di ka din pwedeng makapag install/flash ng custom rom. sa custom recovery pwede kang mag back up/restore mag flash ng zip files, magflash ng Rooting packages, at mag flash ng custom roms.

ano ang custom rom?

ano ang stock rom?

una, ano muna ang rom?



ROM stands for read only memory,

rom ang tawag sa custom rom at stock rom dahil operating system ito na nakalagay sa read only memory or internal storage kumbaga



Stock rom - Ito at ang stock na firmware or operating system ng device mo mula nung nabili ito at wala pang ibang ginalaw sabihin nating

Android 5.0 yung phone mo





Custom rom - Ito yung custom operating system na ipinapalit sa stock rom ng device mo para mapa improve ang performance/design/batterylife/may extra features din ang iba nito like transparent status bar, nasa gitna ng statusbar yung clock, etc.

pwede din ibang android version ang custom rom na i install mo sa device mo, sabihin nating Android 5.0 phone mo dati, pwede kang magflash/mag install ng custom rom na android 6.0 or 7.0 depende kung ano ang available.





balik tayo sa custom recovery, kailangan mo ng custom recovery para makapagroot dahil ito ang gagamitin para makapagflash ng rooting package like supersu.zip ng chainfire.

Kaya di ko matuturo ng direkta kung pano iroot ng 6.0 - 8.0 devices dahil iba iba ang custom recovery ng bawat device.



Pano nalang magroroot?



May paraan para makapagroot ka, may mga fb groups kasi ang mga phone natin, dun nag titipon tipon ang mga users ng same phone, at may mga porters din (Porters - mga taong nagpoport/gumagawa ng paraan para magkaroon ng custom roms and custom rcoveries ang unit nyo/nila at isheshare sa iba) dun mo mahahanap ang rooting guide sa group ng phone mo, kadalasan nasa pinned posts yan, sundan lang ang pictures

%255BUNSET%255.jpg
%255BUNSET%255.jpg
%255BUNSET%255.jpg
%255BUNSET%255.jpg

kung wala kang mahanap na tutorial sa pinned post ng group ng phone mo sa fb

try mo magpost dun baka may tumulong sayo




Dagdag Infos mula sa ating mga
ka-PHC

pa add sir Pwede din gawing Internal Memory yung sd card mo ;D Keep sharing sir

pre-requisite sir is: sd card reader , pc , partition wizard software(free), save your sd card files or backup kase irereformat,rooted phone, link2sd app and yôutubê tuts for procedure..madame sa dun sir(cant link na bawal nadaw)

Dagdag ko lang TS may tinatawag ng systemless root via magisk. Kinaiba nito sa common style rooting ay walang minomodify sa system files. Kagandahan dito hindi ito basta basta nadedect ng apps na hindi gumagana sa rooted phones. Papasa din sya sa safetynet. Kadalasan mga banking o financial apps hindi pwede install sa rooted phones dahil sa security
 

Attachments

Last edited:
Nag TRY ako mag ROOT ng SAMSUNG J3620F using KINGROOT negative tapos KINGOROOT negative den hirap mag ROOT pag 5.1.1 ang VERSION mahirap siya para sakin/^_^

Mag tatry sana ako using ODIN napanood ko sa YøùTùbé kaso wala akong PC/LAPTOP T_T
 
Wow:)!
Very nice TUTORIAL TS :)!
Thumbs up ako sayo :)!

Thanks sa support boss hehe


Nag TRY ako mag ROOT ng SAMSUNG J3620F using KINGROOT negative tapos KINGOROOT negative den hirap mag ROOT pag 5.1.1 ang VERSION mahirap siya para sakin/^_^

Mag tatry sana ako using ODIN napanood ko sa yôutubê kaso wala akong PC/LAPTOP T_T

kung samsung pwede odin hehe, pero sali ka nalang sa group ng phone mo sa fb para may step by step tut kang makita


pa add sir Pwede din gawing Internal Memory yung sd card mo ;D Keep sharing sir

MM lang ata to sir? hehe kung may app man, palink ako ng blog/tutorial para madiscuss ko hehe
 
Last edited by a moderator:
Cloudfone thrill boost din sakin kaso spreadtrum ung sakin sabi wala pa daw nKakaroot ehh puro pang mtk lng daw yan group
 
Last edited:
Explained well good job & thanks for a very reliable info's :) !
 
Last edited by a moderator:
Thanks sa support boss hehe




kung samsung pwede odin hehe, pero sali ka nalang sa group ng phone mo sa fb para may step by step tut kang makita




MM lang ata to sir? hehe kung may app man, palink ako ng blog/tutorial para madiscuss ko hehe
link2sd na app sir. then need mo pa create partitions sa sd card using pc para gumana yung app. at para maging internal mem yung sd card mo. pwede mo na ma tranfer yung data,cache at obb sa sdcard ;D sa YøùTùbé ko lng nakita mga tut sir. at kakapost lng ni sir Draft bawal daw maglink YøùTùbé haha
 
Salamat dito dagdag kaalaman.
welcome sir hehe, enjoy

Explained well good job & thanks for a very reliable info's :) !
welcome sir hehe, enjoy

Wow ganda nang tut mo ts..
prô nakakakot pag walang back-up na rom.
No prob naman boss basta marunong ka lang mag flash ng Stock rom hehe

Thumbs-up ako sa post mo sir
thanks sa support boss, enjoy

link2sd na app sir. then need mo pa create partitions sa sd card using pc para gumana yung app. at para maging internal mem yung sd card mo. pwede mo na ma tranfer yung data,cache at obb sa sdcard ;D sa yôutubê ko lng nakita mga tut sir. at kakapost lng ni sir Draft bawal daw maglink yôutubê haha
may nabasa din akong ganyan dati pero di ko naman pinagtuonan ng pansin kasi moveable naman yung apps ko to sd dati hehe parang built in feature ng os thanks sa info

pre-requisite sir is: sd card reader , pc , partition wizard software(free), save your sd card files or backup kase irereformat,rooted phone, link2sd app and yôutubê tuts for procedure..madame sa dun sir(cant link na bawal nadaw)
thanks sa info sir, check ko next time pag may time hehe
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top