What's new

Closed Rejected 100% need advice

Status
Not open for further replies.
Isipin mo pamilya mo huwag kang ***** dahil lang sa puppy love na yan bata pa rin naman ung nililigawan mo syempre hindi pa yan ready sa relationship. Mag aral ka muna unahin ang pamilya makakatagpo ng para sa sayo sabi nga sa kanta let it go let it go.
 
Tips ko bro.

1. Be strong ^_^

2. Be a man and pursue her kung mahal mo talaga. Since sabi mo di naman siya sumagot nung nag confess ka sa kanya.
Maraming dahilan bakit di siya sumagot that time pwedeng nagulat sa confession mo since friends kayo diba ? O pwede namang nahiya, pwede din naman ayaw nyang may mabago sa friendship nyo kaya di naka sagot at pwede din namang ayaw nya lang talaga or hindi pa panahon para mag Boyfriend sya.

Bakit di mo ulit subukan lapitan siya kung iniiwasan ka nya at kausapin. (Baka mamaya iniisip mo lang yun iniiwasan ka nya at medyo nag ooverreact ka due to your unanswered confession sa kanya).
Ipakita mo na sincere ka sa kanya. Wag muna isipin yung nakaraan, ang gawin mo ngayon eh dahan dahanin mo wag mong biglain. ^^ Ligawan mo muna kahit matagalan ka pa, dahil kung mahal mo talaga willing kang mag start sa umpisa kahit na may handicap ka pa. ^^

3. Kung di mo magawa si No.2 then change mo mindset mo. Hanap ka ng ibang pagkakaabalahan like your studies, games and sports at diyan mo ubusin oras mo. Para di mo na siya naiisip at di ka na din masaktan. ^.^ Then,

4. Move on. Learn from your past mistakes and stand up stronger ^.^ Make it as an inspiration to become a better you from the past.

Para for the 2nd time na mainlove ka ulet may experience ka na masaktan at di na masyado masakit. Haha di joke lang ✌

May experience ka na kung panu mo ihahandle ang feelings mo at panu ang steps na gagawin mo sa babaeng natitipuhan mo.

Sana makatulong ^_^
 
pakamatay agad agad? naku paps.. kasalanan ang magpakamatay! malalampasan mo yan.. ibaling mo nalang sa iba ang atensyon mo, lalo na sa pag aaral mo.. madami dyang iba, may itinakda para sayo, you just have to wait, dont waste your time sa mga tao na hindi ka kayang pahalagahan.. mas mamotivate ka ngayon, at patunayan na kaya mo kahit wala sya.. time heals.. maniwala ka..
 
idota na lng naten yan haha..........baka kinilig kaya hindi na nagreply
 
Alam mo brader, sa sitwasyon ganyang nakakainis yung iba na sasabihing humanap ka na lang ng iba, may makikita ka pang iba, etc etc. Sarap nila sapakin diba? Kasi parang di nila naiintindihan na gustong gusto mo sya, mahal na mahal mo sya.

Pero ang sasabihin ko lang din sayo. Marami kapa dyang madadaanang iba, marami kapang makikilala. Malayo pa ang byahe ng buhay mo, marami pang sasakay sa jeep mo at marami pang baba at aalis ulit. Hindi ka lang dyan unang beses masasaktan, maraming beses pa. Kaya enjoyin mo lang yan nararamandaman mong sakit. Isipin mo lang araw araw na mahal mo, gamutin mo ang sarili mo gamit ang panahon at oras.

Dahil kung sasabihin mong di mo na kayang mabuhay kasi siya talaga ang gusto mo, Hindi titigil ang mundo pag nawala ka. At hindi titigil ang mundo para sa isang tao. Kung sinasabi mong maige na siya na lang ang rason mo, Ipause mo
muna ang sarili mo at mag isip kung ano pang bagay ang mahalaga sayo at kung anong bagay ba ang pwedeng makatulong sayo para malimutan mo yang ganyang nararamandaman mo. Sa problema sa pag ibig, Ikaw lang din ang tutulong sa sarili mo. hindi ang nanay mo, ang tatay mo o ang mga tropa mo. Payo at salita lang din ang maibibgay ng mga yan sayo. /


Buksan mo ng mas malawak ang isip mo, Nasa level10 ka pa lang ng buhay mo at mas marami kapang adventure dadaanan. Ramdamin mo lang muna yung sakit, kasi kasama tlaga yan. Panahon at sarili mo lang din ang gagamot sayo. Goodluck
 
Ako nga paps nakita ko yung pinaka gusto kong babae na may umaalik sa knyn sa mall,na umasa talaga ako dahil yung araw na yun kala ko maliligawan ko na sya dahil pumayag sya, nakasayaw ko na sya sa isang seniors night which is na inlove tlaga ako, minahal ko sya ko na talaga sya khit di kami. Ang ginawa ko nung time nayun umuwi nalang ako dahil event non sa school namin. (Ginawa ko lang deleted all message and photos as of now naka move on nako, Ito kasi naging mindset ko mag aaral ako ng mabuti and then pag may naipagmalaki nako sa buhay babae na lalapit sayo. As of now I'm colleges na . (sa mga nakakakilala sakin dto na post ng post sa crush since grade 12 )
 
Last edited:
Hi mga ka phc, hihingi lng sana ako ng advice. Nareject kasi ako ng crush ko. Eto po yung overview ng kwento.

Last year, Gr. 11 ako. Dati, mahilig talaga ako maglaro ng computer games like dota, cs go, crossfire or pubg. Esports gamer talaga ako. Di naman sa pagmamayabang, pero honor student ako kahit na palagi akong absent. During 1st sem, honor ako kahit na meron na akong 19 days absent. Mas lumala pa ang mga absences ko after ng 1st sem

Then nung mga december na, na realize ko na in love na ako sa isa kong friend. Pero di pa ako nag confess. Same as usual routine lng like walang feelings. Nagbago talaga ako since that incident, di na ako umaabsent, motivated na sa pagpasok kaya nagtaka ang mga best friends ko kung ano nangyari. Since close friends ko naman sila, sinabihan ko sila na may pagtingin ako kay ***.

Sabi nila sakin, na magconfess daw. Kasi pag ang isang emosyon pinipigilan, magkakamental breakdown daw ang isang tao lalo na pag yung expectation is contradicting sa reality. Then nung March, before i announce yung mga honors, I really prayed na sana makapasok ako sa honors. Kasi pag nakapasok ako, magcoconfess na ako. Bale pinagdasal ko na bigyan ako ng sign ni God. Then inisip ko na baka yung sign is pagiging honor.

As I prayed, nakapasok ako sa honor list kahit na may 72 ako during midterm. Pagkahapon is niyaya ko siya para kumain. Then after namin kumain is nagconfess ako pero di siya sumagot. Pagkamoving up is napansin ko na parang nagseset na siya ng distansya sakin. Di na rin siya nagrereply, nor sumagot sa mga texts ko.

Nung april, isinugod ako sa ospital dahil di ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Sinabihan ako ng doctor na kontrolin lang ang aking emosyon.

Ngayong pasukan ulit, classmates kami ulit. Araw-araw ko siyang nakikita. Araw-araw rin akong nasasaktan. Yung di mo na siya maka-usap or kahit simple greetings lng. Nawalan na ako ng rason para ipagpatuloy pa ang aking buhay.

Yung feeling kung siya ang rason para magbago ako, pero ngayong wla na siya, paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay na to. pumapasok na sa isip ko ang magpakamatay. Baka kasi maaappreciate niya na ako pag wla na ako.
Isa lang ibig sabihin niyan. Aral daw muna kayo.
17 ka palang eh. Marami ka pang bigas na kakainin. Kapag nakapagtapos ka na at nagtatrabaho baka tawanan mo nalang yan.
 
Last edited:
"Cogito ergo sum"

Yan ung sig mo, lodi mo ba si Rene? Rationalist un.
tipong deep thinker ka?
eto ung fuller form - "dubito, ergo cogito, ergo sum"
kung gusto mo iapply yan sa buhay mo ngayon, ireflect mo itong 7 stages of grief, para makalagpas ka mga stages na yan sa lalong madaling panahon na hindi ka nagiisip ng kung etc etc, since malalim ka na naman, kaya mo maintindihan at marecognize ang mga stages na ito
yung sa taas na mga comments ifilter mo na lang ung ubra sa yo

7 Stages of Grief

1 Shock & Denial
2 Pain & Guilt
3 Anger& Bargaining
4 Depression, Reflection, Loneliness
5 the Upward Turn
6 Reconstruction & Working through
7 Acceptance & Hope

sama mo ko sa support group mo, tapunan lang kita ng ibang perspective bago ka gumawa ng kung ano, luh!

Cheers!

"Rationalists believe that the 5 senses only give you opinions, not reasons. "
 
been there :D, akin nga 5 years ako ng court sa kanyan negative parin hahahahh lahat na ginawa ko na.
the problem is isa sa barkada ko is inlove din sa kanya , and sobrang importante sakin ng kaibigan so ang nanyare paraya nalng hahahah diko na tinuloy ang grand confession ko sa kanya.
sobrang saya ko at satisfied ako sa life ko ngayon.

and oo nga pala na narasan ko rin yung hindi makahinga sa sobrang iyak :D hahahahah pag naeiimagine ko yung time na yun napapatawa nalang ako.
 
Emit the word suicide. Ts sana mabasa mo to kung ok lang sayo na magpakamatay tanungin mo muna yung mga maiiwan mo kung ok lang sa kanila . Or baliktarin naten . Sasabihin sayo ng parents/siblings/relatives mo na magpapakamatay sila ok lang din ba sayo ? Kasi kung ok lang sayo na mawala sila edi Go ! Set ka ng goal para sa future mo 😊
 
Advise ko paps is move kana dahil hiindi ka nya gusto. Huwag mong iyakan ang babaeng ayaw sayo kahit mag pakamatay kapa hindi ka kawalan para sa kanya. Mas masasaktan pa ang pamilya mo kaysa sayo, mag papakamatay ka? wala karing pinag kaiba sa sa babaeng gusto mo dahil iniwan ka then iiwan mo then family mo eh di brokenhearted din sila. Mahalin mo muna pamilya at yang sarili mo nariyan pa pamilya mo mga kaibigan mo. Gawin mong insipirasyon sa buhay ang kabiguang yan para may mapatunayan ka hindi lahat ng honor student ay umunlad at hindi lahat ng honor student gustuhin na ng mga babae. Mag-aral ka muna mag sikap pa lalo dahil ikaw ang pag-asa ng pamilya mo. Darating din ang babaeng karapat dapat sayo na gusto ka at mahal ka kung ano ka. Tandaan mo Love yourself first. Sana kahit papaano may naitulong ako. Best of luck!.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top