What's new

Closed Rejected 100% need advice

Status
Not open for further replies.

PHC-SLXKYS

Eternal Poster
Joined
Nov 28, 2017
Posts
1,016
Reaction
306
Points
442
Age
21
Hi mga ka phc, hihingi lng sana ako ng advice. Nareject kasi ako ng crush ko. Eto po yung overview ng kwento.

Last year, Gr. 11 ako. Dati, mahilig talaga ako maglaro ng computer games like dota, cs go, crossfire or pubg. Esports gamer talaga ako. Di naman sa pagmamayabang, pero honor student ako kahit na palagi akong absent. During 1st sem, honor ako kahit na meron na akong 19 days absent. Mas lumala pa ang mga absences ko after ng 1st sem

Then nung mga december na, na realize ko na in love na ako sa isa kong friend. Pero di pa ako nag confess. Same as usual routine lng like walang feelings. Nagbago talaga ako since that incident, di na ako umaabsent, motivated na sa pagpasok kaya nagtaka ang mga best friends ko kung ano nangyari. Since close friends ko naman sila, sinabihan ko sila na may pagtingin ako kay ***.

Sabi nila sakin, na magconfess daw. Kasi pag ang isang emosyon pinipigilan, magkakamental breakdown daw ang isang tao lalo na pag yung expectation is contradicting sa reality. Then nung March, before i announce yung mga honors, I really prayed na sana makapasok ako sa honors. Kasi pag nakapasok ako, magcoconfess na ako. Bale pinagdasal ko na bigyan ako ng sign ni God. Then inisip ko na baka yung sign is pagiging honor.

As I prayed, nakapasok ako sa honor list kahit na may 72 ako during midterm. Pagkahapon is niyaya ko siya para kumain. Then after namin kumain is nagconfess ako pero di siya sumagot. Pagkamoving up is napansin ko na parang nagseset na siya ng distansya sakin. Di na rin siya nagrereply, nor sumagot sa mga texts ko.

Nung april, isinugod ako sa ospital dahil di ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Sinabihan ako ng doctor na kontrolin lang ang aking emosyon.

Ngayong pasukan ulit, classmates kami ulit. Araw-araw ko siyang nakikita. Araw-araw rin akong nasasaktan. Yung di mo na siya maka-usap or kahit simple greetings lng. Nawalan na ako ng rason para ipagpatuloy pa ang aking buhay.

Yung feeling kung siya ang rason para magbago ako, pero ngayong wla na siya, paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay na to. pumapasok na sa isip ko ang magpakamatay. Baka kasi maaappreciate niya na ako pag wla na ako.
 
Baka hindi siya para sa iyo paps. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagpapakamatay. Isipin mo mga maiiwan mo. Paano na lang sila? Bata ka pa. Madami pa marerealize para sa sarili mo.
 
Y
Baka hindi siya para sa iyo paps. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagpapakamatay. Isipin mo mga maiiwan mo. Paano na lang sila? Bata ka pa. Madami pa marerealize para sa sarili mo.

Napakasakit master. Then di ko rin pwede ipalabas fully kung gaano kasakit kasi nahihirapan ako huminga pag masyado ako nagpapadala saking emosyon
 
Y

Napakasakit master. Then di ko rin pwede ipalabas fully kung gaano kasakit kasi nahihirapan ako huminga pag masyado ako nagpapadala saking emosyon
Kapag ganyan kasi sakin tinutuon ko na lang sa mga online games pinangigigilan ko mga kalaban ko since wala naman ako mapagsabihan o kaya umiinom kaming magtotropa tapos dun maguusap
 
Kapag ganyan kasi sakin tinutuon ko na lang sa mga online games pinangigigilan ko mga kalaban ko since wala naman ako mapagsabihan o kaya umiinom kaming magtotropa tapos dun maguusap
Di na ako naglalaro ng online games kasi tumigil na ako dahil sa kanya. Di rin pwede uminom kasi 17 pa ako.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top