Mga sir, patulong po sana sa ginagawa kong qr code decoder para dito sa skul ng misis ko. Pag nagdidistribute po kasi sila ng module nagsusulat pa ang parents sa papel para sa attendance. Gusto ko sana gawin via qr code para mabilis lang ang attendance.
Nakagawa na po kami ng mga qr code sa online gamit mga qr code generator na free
Gusto po sana namin idecode siya tas masisave sa database kung anung date at time siya nagpascan ng qr code niya.
Maraming salamat po sir, gumagana na po siya. Problema ko nlang po ngayon kung panu ko aayusin yung image na kinacapture niya papunta dun sa picturebox. ang nasisave lang po kasi na preview image yung sa may red line na ginuhitan ko po.
Yung dimension ng image malaki. Need mo change to 1:1 ratio na supported ni ZXing. 400x400 or 500x500 siguro di ko sure.
Bale ang gagawin pagkakuha nung image>Resize and Crop to center>decoder
If mali man ako ng pag kakaintindi
in a nutshell fit dapat yung picture na kinuha sa picture box. Since 1x1 ratio yung picture box ang pag resize sa image ay base sa either lowest width or height then crop sa mas mataas na size sa dalawa. Tapos may property naman siguro yun picture box like stretch to fit.
Guess ko lang yan ha sana makatulong. Ibang programming language kasi inaaral ko pero may universal understanding sa ibang language since halos magkakapareho lang naman.