What's new

Closed PSBank Online Money transfer to RCBC account, hindi dumating :(

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Guys help, nagpatransfer ako ng 10k from psbank to rcbc using instapay kahapon 3:19pm.

May pag asa pa ba dumating? Nababahala ako at katagal eh tapos ang laki pa. Tama naman account number. Dun sa ba Account Name may issue ba dun? Di kasi name ko ang nilagay. ACOUNT NAME: "KUA (name ko) " ganyan ang nilagay.

May confirmation naman thru txt at email at nag success yung transfer

Update: As of May 23 ng gabi, dumating na yung pera na tinransfer last May 20. May nabasa din ako na same issue from May 20 using Instapay and sabi nung CSR ay common sya na issue pero di sya usually na ngyayare. Di naman mawawala yung pera basta kapag ngyare sa inyo yung ganto ay i report nyo na lang agad.
 
Last edited:

BOKLAY

Established
Sa name po issue nyan dapat po same name sa account name sir. Wait nyo lang po baka po magbounce back po sa psbank nyo yung 10k

Nangyari kasi sakin yan. PNB to PSbank naman. Ang mali ko naman tama account number and name nalagay ko pero BPI selected bank na click ko imbis na PSbank.
 
Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Sa name po issue nyan dapat po same name sa account name sir. Wait nyo lang po baka po magbounce back po sa psbank nyo yung 10k
Kaya nga e, nilagay ko naman name ko pero di pa rin pala un nilagay. Hehe

Hipag ko kasi nagpasa.

Pero sa tingin mo bro di naman mawawala un at may chance na makuha pa? Tama naman talaga accnt number
 
hindi po yan sir. Wait nyo lang po. akin po 1day (working day) bago bumalik. pero para po mapanatag kayo sir tawag rin po kayo sa PSbank
 
Vash Configs

Always Updated™
Contributor
hindi po yan sir. Wait nyo lang po. akin po 1day (working day) bago bumalik. pero para po mapanatag kayo sir tawag rin po kayo sa PSbank
Saktong dadaan ang sabado at linggo walang banko. Kaya kakakaba e. Hahaha

Sige po thank u. Nag email na kasi ako call ma lang din ang di ko nagagawa
 
Vash Configs

Always Updated™
Contributor
halos lahat may cut off, pero kung sure na instapay dapat reflected na sa running balance mo at may text confirmation din dapat sayo ng rcbc na may natanggap ka or email (kung naka enable)
Ahh from psbank ung natanggap ko bro, parang notification lang na may nagsend sakin. wala pa talaga nadating na txt from rcbc
 
Ahh from psbank ung natanggap ko bro, parang notification lang na may nagsend sakin. wala pa talaga nadating na txt from rcbc
di ba nakaonline yung rcbc mo paps para macheck kung may pumasok,

pero kung yung message sayo sa text

Mr/Mrs **** sent 10kphp to your RCBC or diskartech account ending in *****9120 via PSBank mobile transfer

then mukhang wala naman problema
 
Vash Configs

Always Updated™
Contributor
di ba nakaonline yung rcbc mo paps para macheck kung may pumasok,

pero kung yung message sayo sa text

Mr/Mrs **** sent 10kphp to your RCBC or diskartech account ending in *****9120 via PSBank mobile transfer

then mukhang wala naman problema
Naka online paps.. Meron akong rcbc online account

Meron din pong txt na ganyan sakin from psbank. Pero ung notification txt na dapat may mareresib ako kada may napasok sa rcbc ko e wala pa ako natanggap
 
wait mo nalang paps Monday at may sms at transaction number naman at success yung transfer, check mo nalang sa rcbc kung may push notification settings kagaya sa ibang banks
 
Vash Configs

Always Updated™
Contributor
hindi po yan sir. Wait nyo lang po. akin po 1day (working day) bago bumalik. pero para po mapanatag kayo sir tawag rin po kayo sa PSbank

Baka ipaprocess sya the next day. Baka dahil naabutan ng cut off

wait mo nalang paps Monday at may sms at transaction number naman at success yung transfer, check mo nalang sa rcbc kung may push notification settings kagaya sa ibang banks
Hindi pa rin nadating mga lodi cakes! :(
 
KingOfAll

Established
Tumawag ka at take note mo yong reference number ng successful transaction na hindi na receive ka mo. At mo rin sa kabila kung bakit hindi na received ang ganun amount with the same transaction reference number.
 
inquire mo na paps sa CS

What should I do if I have concerns or questions on my InstaPay or PESONet transaction?

cs.jpg

kung walang issue sa PSbank, siguro baka mabagal process sa RCBC kahit instapay pa, usually 9am to 3pm dapat nagrereflect na yan Monday.

ibang customer via BDO inabutan din sa cutoff (kahit sabi sa PSbank real time kung via instapay)
rcbc.jpg
 
Attachments

Last edited:

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Tumawag ka at take note mo yong reference number ng successful transaction na hindi na receive ka mo. At mo rin sa kabila kung bakit hindi na received ang ganun amount with the same transaction reference number.

inquire mo na paps sa CS

What should I do if I have concerns or questions on my InstaPay or PESONet transaction?

View attachment 1950449

kung walang issue sa PSbank, siguro baka mabagal process sa RCBC kahit instapay pa, usually 9am to 3pm dapat nagrereflect na yan Monday.

ibang customer via BDO inabutan din sa cutoff (kahit sabi sa PSbank real time kung via instapay)
View attachment 1950547

I see, di lang pala ako naka experience nyan nung friday. Nakausap ko na mga lodi cakes yung csr nila and sabi dapat daw yung account owner nung source ang mag raise nung concern. and sabi pa nya ay since nakaltas nga ito sa psbank accnt ay marahil sa instapay na po yung issue.

may internal investigation din naman sila kapag gantong na may na raise na issue and di daw issue yung wrong accnt name na nasabi ko sa post.

di naman daw mawawala yung pera, wait wait na lang talaga ang magagawa. Nag raise na yung hipag ko (nagtransfer sakin) last saturday. Baka nga on going na ito.

update ako dito once na maresolve yung issue.
 
Top