What's new

Tutorial Powerful Reasoning Against the Trinity

[XX='Yortz, c: 503348, m: 1496536'][/XX] Natatawa po talaga ako ng kinuha mo ang bahagi ng sulat ni Pablo sa
1Co 15:27 Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.” (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.)
1Co 15:28 At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.

Sulat po din ito ni Pablo:
Php 2:5 Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus:
Php 2:6 Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos.
Php 2:7 Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao,
Php 2:8 siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.
Php 2:9 Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Php 2:10 Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod At sasamba sa kanya.[k]
Php 2:11 At ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Sa 1 Corinto hindi ba nabanggit ni Pablo na si Hesus ay Diyos? sa sulat naman niya sa taga Philippians malinaw naman ang pagkasabi niya kung ano si Hesus sa pasimula, hindi po siya anghel.

Kaya sinabi din niya sa verse 10-11 "Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod At sasamba sa kanya. At ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama."

IPAPAHAYAG NG LAHAT NA SI HESU-CRISTO ANG PANGINOON HINDI PO ANGHEL LANG. sa palagay ata ninyo hindi kilala o walang alam ang mga alagad patungkol kung sino si Miguel? Alam nila at alam ko po siya'y isa sa mga aliping anghel ng Panginoon.

Wala na po din akong magagawa kong "ayaw" ninyo tanggapin ang katotohan patungkol sa Anak ng Diyos. Hindi po siya "Anghel o Tao lang" dahil sa pasimula palamang hinirang na po siya ng kanyang Diyos na kanyang Ama.
Alam mo na ang Panginoong Hesus lamang ang tunay na nagmula sa Diyos Ama, at tayong lahat ay nilikha na sa "pamamagitan" ng Anak. Ang Anak nga ang ating tunay na pinagmulan kaya tayong lahat ay para sa Anak at ang Anak naman ay para sa Ama. Iyan po ang nais paalam sa iyo ni Pablo.

Sa ating dalawa sino kaya ang ayaw tumanggap ng katotohanan patungkol sa Anak ng Diyos?
Pasinsiya kana kung pilipit ang pagkakaunawa mo sa paliwanag ko. Wala po akong magagawa diyan, hindi naman ako magaling na manunulat. Naaawa lang po ako sa inyo kayong mga nadaya sa katuruang si Hesus ay si Miguel na isang anghel ng Panginoong Diyos.
Nawa buksan pa ng Panginoon ang iyong mga mata't pandinig.
 
Pogi, ano kamo? Ang Diyos ang nagsabi sayo ng alam mo? :) Hmmm... Sige na nga hehe

Again, ang haba na naman ng sinabi mo, hindi mo naman ako sinagot sa 1 Corinto 15:27,28. Layo layo ng paliwanag mo. Ni-quote mo lang yung verse na sinabi ko e tapos "blah blah blah" na ang sagot mo 🤦‍♂️ 😅

Uulitin ko ha? Sa turo ng trinity at oneness, iisa lang ang Ama at si Jesus, pagkatapos ay pantay lang sila. Ang dami niyong pasakalye na kesiyo iba ang role ng Ama kay Jesus pero iisa lang sila, or basta pantay sila

Ang tanong ko nga sayo, again, sa 1 Corinto 15:27,28, sinabi na HINDI DAW KASAMA ANG DIYOS sa authority na binigay kay Jesus, at ISOSOLI ni Jesus ang authority na yun sa future sa nagbigay sa kaniya, which is yung Ama niya or yung Diyos. So paano na nga? Pag sinoli na ni Jesus yung authority niya, ano na mangyayari sa trinity at equality at oneness niyo?

Tapos isasama mo pa yung Filipos 2:5,6 tas naka-highlight pa yung salitang "Kahit siya ay Diyos". Nakakatawa ka hehe. Gumamit ka po ng matinong bible translation kasi. Bias kasi mga ginagamit mong translation e. Tignan mo kahit yung NASB niyo, or KJV and NKJV, or RSV, ang ginamit ay "form of God", at iba pang maraming translation, na kung iisipin ay may sablay din sa translate pero yan ang gamit na salita. Samantalang sa bible mo, na hindi ko malaman kung anong version, ang ginamit ay "Kahit siya ay Diyos"? Magkaiba ang meaning ng"form of God" sa "He is/was God" (Kahit siya ay Diyos). Siguro naman naiintindihan mo pagkakaiba niyan? Kasi kung sasabihin mong pareho lang yan, aba, magtaka ka na talaga ;)

Pero kahit ipilit mo yang translation mo ng bible, basahin mo nga yung verse 6 pogi. Di ka ba nalilito jan talaga without the biases? According kasi sayo, "siya na nga yung Diyos pero hindi siya nagpumulit na maging pantay ng Diyos"... Whuuuutt??? 😂🤦‍♂️

Sige na jan ka na talaga. Enjoy ka nalang sa "knowledge" kamo na pinaalam sayo. Ingat ka lang, kasi sabi ni Jesus maraming magke-claim na gaya ng sinabi mo, pero hindi raw niya sila kilala :p Byeeee :)
 
[XX='Yortz, c: 517622, m: 1496536'][/XX] nagreply ka pa pala, pasinsya na hindi na ako nag open. MAHABA PO ITONG MENSAHE KO DAHIL SA PALAGAY KO ITO NA PO ANG HULI KONG PAGPAPALIWANAG SA IYO KUNG SINO ANG PANGINOON SA PASIMULA. HINDI PO TALAGA AKO ANG MAGPAPAUNAWA NITO SA IYO KUNG ANG ESPIRITU NA IPINANGAKO NG PANGINOON. PERO IKAW UMAASA KA LANG PO SA SARILI MONG COMON SENSE O SARILI MONG KARUNUNGAN AT IYAN AY KAMANGMANGAN SA HARAPAN NG DIYOS.

dito po sa sinabi mo: "Uulitin ko ha? Sa turo ng trinity at oneness, iisa lang ang Ama at si Jesus, pagkatapos ay pantay lang sila. Ang dami niyong pasakalye na kesiyo iba ang role ng Ama kay Jesus pero iisa lang sila, or basta pantay sila" ALAM KO PO ANG KATURUAN NG TRINITY AT NG ONENESS. DI MO PO NAGEGETS ANG SINASABI KO. KAHIT SILA SINASAWAY KO DIN DAHIL ANG ARAL NILA AY LABAN SA ARAL NI KRISTO.

dito din sa sinabi mo: "hindi mo naman ako sinagot sa 1 Corinto 15:27,28" Nagtanong ka pala?
ito ang verse na iyon :
1Co 15:27 Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.” (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) 1Co 15:28 At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan. ANO PO ANG TANONG MO? MALAYO BA ANG SAGOT KO? PASINSYA NA DI KO PO ALAM ANG TANONG MO TUNGKOL SA SULAT NI PABLO SA TAGA CORINTO. KUNG TUNGKOL PO BA SA "HINDI KASAMA ANG AMA SA MGA PINASUKO, NATURAL PO DI MO PO BA NAGETS ANG SEMPLING SINABING ITO NI PABLO " “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.” TANUNGIN MO PO ANG SARILI MO KUNG SINO ANG NAGPASUKO NG LAHAT NG BAGAY SA ANAK? HINDI PO BA ANG AMA? NATURAL HINDI PO KASAMA ANG AMA SA PINASUKO DAHIL ANG AMA PO ANG NAGPASUKO NG LAHAT PARA KILALANIN ANG ANAK. Hindi po iyan nalalayo kung may pang-unawa ka pa sa sinabi ng Ama sa kanyang Anak na ganito: "maupo ka sa aking kanan hanggang mapasuko ko ang mga kaaway mo" Hindi po ba ang Ama ang magpapasuko sa mga kaaway ni Kristo? Di mo lang po nagegets ang mga sinasabi ko. Akala mo kasi siguro isa ako sa mga naniniwala sa katuruan ng Trinity at Oneness. Mali ka po kung ganyang ang iyong pagkakaalam tungkol sa akin.

dito po sa sinabi mo: "Ang tanong ko nga sayo, again, sa 1 Corinto 15:27,28, sinabi na HINDI DAW KASAMA ANG DIYOS sa authority na binigay kay Jesus, at ISOSOLI ni Jesus ang authority na yun sa future sa nagbigay sa kaniya, which is yung Ama niya or yung Diyos. So paano na nga? Pag sinoli na ni Jesus yung authority niya, ano na mangyayari sa trinity at equality at oneness niyo?" ALAM KO PO NA ANG AMA LANG PO NG PANGINOONG HESUS ANG NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS. Ang gusto mong iparating sa tanong mo na hindi Diyos ang Anak pag-isinauli na niya ang authority sa kanyang Ama? Ganon ba?
Sa pasimula palamang tinawag na po siya ng Ama na Anak at itinuring din po siyang Diyos ng Ama, di mo ba tanggap? di ko iyon problema. Ang pinag-uusapan kasi natin kung hindi ako nagkakamali para hindi magulo ang isipan mo. Kung sino o ano nga ba si Hesus sa Pasimula? Diyos, Anghel o Tao, diyan po iyan kukuha ng sagot sa tatlong iyan. Tama po ba? HINDI PO NATIN PINAG-UUSAPAN DITO ANG AMA PARA DI KA PO MAGULUHAN AT SABIHIN MO PILIPIT-NA PILIT ANG MGA SINASABI KO...


Ayon sa sinabi ng Panginoong Hesus sa bahagi ng kanyang Panalangin:
Joh 17:4-5 Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan. ANG TANONG ANO ANG KARANGALANG TAGLAY NG PANGINOONG SA PASIMULA? DIYOS, ANGHEL, O TAO?

Ang masasabi ko po ayon sa aking tinanggap na kaloob mula sa Espiritu ang Anak ay Diyos at karapat dapat siyang kilalaning tulad ng kanyang Ama Dahil siya ang lumikha ng likha ng Diyos ayon na din sa kalooban ng Ama sa pasimula pa lamang.

At ito din naman ang bahagi ng sulat ng mga alagad patungkol kung sino si Hesus sa Pasimula:
Ayon kay Juan: "Joh 1:1 Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Di mo ba kilala kung sino iyang Salita na tinutukoy ni Juan na sinabi niyang Diyos? Basahin mo po ang Joh 1:10-11 Si Hesus po iyan at tinawag siyang Diyos sa pasimula palamang.

Ito din ang bahagi ng sulat ni Pablo:
Php 2:6-7 Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao, ANO DAW SI HESUS? KAHIT SIYA AY DIYOS. Bakit di nalang sinabi ni Pablo na "KAHIT SIYAY ANGHEL" BAKIT DIYOS ANG SINABI NIYA? dahil siya nga ay Diyos! di mo parin ba tanggap ang katotohanan patungkol sa Anak? (AYAW MO NG TRANSLATION NA GAMIT KO. ITO ANG IBANG TRANSLATION: Php 2:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios," ANO DAW ANG ANYO NG PANGINOON? ANGHEL O DIYOS? ... KALUKUHAN MO PO ANG NAGLULUKO SA SARIMO MO DAHIL AYAW MO LANG PO TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA ANAK NG DIYOS KUNG SINO TALAGA SIYA SA PASIMULA. KAYA ANG PAYO MO SA AKIN IPINAPAYO KO PO IYON SA IYO DAHIL SA IYO PO TALAGA IYON NARARAPAT. KAHIT ANONG TRANSLATION PA ANG GAMITIN NATIN IKAW PO ANG MAY PROBLEMA DAHIL AYAW MO TANGGAPIN ANG KATOTOHANANG HINDI LANG AKO ANG NAGSASALITA. DI MO GET?

Ito ang sabi din ng sumulat ng Hebrew: Heb 1:6 At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.” Bakit pinapasamba ang mga anghel sa Anak? dahil hindi nga siya anghel kundi itinuring ng Ama ang kanyang Anak na Diyos. Gaya nga ng sinabi ng sumunod na kasulatan:
ANG SABI NG AMA SA KANYANG ANAK: Heb 1:8 Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, Ikaw ay maghaharing may katarungan. Bakit kaya tinawag siyang Diyos ng Ama?
ito ang sabi ng Ama sa kanyang Anak:

Heb 1:10 Sinabi pa rin niya,
Ikaw, Panginoon, ang lumikha ng sangkalupaan,
At ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan.
Iyan ang dahilan kung bakit karapat dapat parangalan ang Anak gaya ng pagpaparangal sa Ama dahil ang Anak ang lumikha ng sangkalupaan at ang kanyang kamay ang gumawa ng sangkalangitan. Ang Diyos po ang nagsabi niyan hindi lang kami.

Di mo parin ba tanggap ang katotohanan tungkol sa Anak? Hindi ko po iyon problema, problema mo po iyon. Dahil nakikita kung nagyayabang ka sa sarili mong karunungan.

ITO PALA ANG Php 2:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, TAMA KAYA NGA SINABI NI PABLO
Php 2:7-11 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

Hinubad nga ito ng Panginoon ang kanyang kaayuhan na Diyos at nag-anyong alipin at ikaw na alipin na hindi nakakakilala kung sino ang nag-anyong iyon, ayaw mo siyang kilalaning kung sino talaga siya gaya ng pagkilala ng Ama sa kanya. Iyan po ang problema sa iyo. HUWAG MO DIN PO KALIMUTAN DAHIL SA PAGPAPAKUMBABA NG ANAK ANG SABI : Kaya siya naman ay pinakadakila ng Diyos. Kaya po kung noon nasa anyo siya ng Diyos dahil sa kanyang pagpapakumbaba siya ay mas hinirang pa ng Ama dahil sa kanyang pagtatagumpay at pagsunod sa kalooban ng kanyang Ama. Kaya po ang katotohanan tungkol sa kay Kristo kung sino siya sa pasimula ay mananatili po iyon.

NALILITO KA NA PO DAHIL AKALA MO IPINAPANTAY KO TALAGA ANG ANAK SA AMA. ANG AMA ANG HUMIRANG SA ANAK AY NAG NAIS NA KILALANIN NAMIN DIN SIYA GAYA NIYA. Pero hindi po ibig sabihin na ang Anak ang nag-iisang tunay na Diyos, KUNDI ANG AMA PO NG PANGINOON GAYA NGA NG SINABI NIYA BAGO PA SIYA UMAKYAT.
SINABI NG PANGINOON: Joh 20:17 wika ni Jesus. “Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”


kaya hindi mo rin po masisi si Tomas kung bakit niya ito nasabi: "Joh 20:28-29 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”
Joh 20:29 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

ANO ANG SAGOT NG PANGINOON KAY TOMAS NG TAWAGIN SIYANG PANGINOON KO AT DIYOS KO? HIndi po ng Panginoon sinaway si Tomas ng tawagin din siyang Diyos nito. ANO ANG SAGOT NG PANGINOON? "ANG SABI NIYA: " “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”
IKAW KAILANG KA MANINIWALA PAG MAKITA MO NA SIYA GAYA NG KANYANG TANONG?
Ang pagkahirang sa Anak sa pasimula palamang ang di mo po matanggap na ang Panginoon ay Diyos!

DITO PALA SA PAALALA MO: "
Sige na jan ka na talaga. Enjoy ka nalang sa "knowledge" kamo na pinaalam sayo. Ingat ka lang, kasi sabi ni Jesus maraming magke-claim na gaya ng sinabi mo, pero hindi raw niya sila kilala :p Byeeee :)" Alam ko po iyan dahil noon pa po marami ng nagsasabi na sumasakanila ang Espiritu. Ikaw po ang mag-ingat dahil di mo matanggap ang patotoo ng Ama patungkol sa kanyang Anak sa pamamagitan ng Espiritu ng Katotohanan. Baka mangyari po sa iyo na sabihan ka din po ng Panginoon na hindi ka niya kilala dahil ayaw mo nga siyang kilalanin kung sino nga siya. MAHIRAP BA MAGPAKUMBABA SA PAGKILALA SA IYONG MANLILIKHA NA DIYOS? O TAWAGIN SIYANG PANGINOON AT DIYOS KO GAYA NG PAGKATAWAG SA KANYAN NI TOMAS? KUNG MAHIRAP SA IYO SA AKIN PO HINDI DAHIL ALAM KO PO ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA ANAK AT HINDI KO PO IYON PINAGMAMALAKI DAHIL SA SARILI KONG COMONSENSE. KAYA NGA HUWAG MONG IPAGMAYABANG ANG SARILI MONG COMONSENSE.

ANG LAHAT AY BIYAYA LAMANG NG DIYOS MAGING ANG PAGKAKILALA SA KANYANG ANAK ITO AY MALAKING PAGPAPALA NA HINDI KAYA MATUKLASAN NG TAO KUNG HINDI ITO IPAGKAKALOOB SA KANYA. KAYA PAYO KO MAGPAKUMBABA KA SAHARAPAN NG PANGINOON AT KILALANIN MO KONG SINO TALAGA SIYA SA PASIMULA GAYA NG PAGKILALA NG AMA SA KANYANG ANAK.
 
Last edited by a moderator:
Tama ang mga sinabi mo. and besides wala naman patunay na si Hesus ay di Diyos. Lahat tayo ay haharap sa ating Diyos. Kaya nga pinatay si Hesus hindi dahil Siya ay makasalanan kundi sa ating kasalanan. Ang pagsilang nga Nya di naman kagaya sa atin, pinanganak siya without intercourse di gaya ng tao. Kaya di dumadaloy sa Kanya ang kasalanan. Sa Kanya ang buhay . He can give life on His own. Nagkatawang tao lang siya para maganap ang katubusan sa ating mga kasalanan kasi di pwedeng ipako ang Espiritu kasi walang dugo. Pero di yun nangangahulugan na si Hesus ay tao lamang. Nung Old Testment boses lang ng Diyos naririnig nila kaya nga nasabi nang pasimula ay salita . Kasi nung una pa lang kahit sa Bible ,dun pa lang sa paglikha boses lang ng Diyos naririnig. Kahit sa mga propeta boses lang.. at itong nagsasalitang ito become flesh meaning yung Diyos na nagsasalita nagkatawang tao At itong nagsasalita ay Diyos pero ayaw tanggapin kasi nga di makapaniwala na si Hesus iyon. ikaw baga namn na akala Nila ay tatay ay karpentero. Na di maitsurahan na Diyos. kasi nga hinubad Niya ang pagka Diyos Niya. Maganda na kalagayan Nya sa langit pero inabot Niya tayo para maligtas. Dinanas din Niya ang kalagayan natin upang wala tayo maisumbat na tao lamang tayo. Na ang Diyos pumarito para pakita na ang tao kaya rin pala mamuhay ng maayos gaya ni Hesus.. Hinubad Niya ang Kanyang pag ka Diyos para masabi natin di Niya tayo dinaya . Dinanas Niya ang hirap sa Krus.. Na pwede naman di Niya danasin kasi siya ay Diyos. Ibinaba niya ang kanyang sarili na kapantay natin. OO namatay Siya para ipakita na totoo nga na nasa physical form siya at kailangan mangyari talaga yun kasi kabayaran ng kasalanan ay kamatayan at di naman pwede ipambayad dugo natin kasi makasalanan tayo. At tsaka nung una ang pinagtatalunan hindi yung pagiging Diyos ni Hesus,, kundi kung si Hesus ba ay tao talaga.. Mahirap lang intindihin lahat ng bagay kasi nga hindi tayo Diyos. Isang magandang bagay di namn siya nanatili sa grave. Nabuhay na magmuli Siya at bumalik sa Kanyang kalagayan. Kaya mabuti ang Diyos di na ito kailangan pa pag talunan.. Mas maappreciate mo ginawa ng Ama if matagpi tagpi mo ang lahat. at masabi ganito pala ginawa Niya ..Gumawa Siya paraan para maabot tayo. Kaya unawain natin mabuti ang Salita ng Diyos base sa sinasabi nito di sa gusto natin ibigay na kahulugan.. manalangin at di naman tayo pababayaan ni Lord na maintindihan din natin lahat ng bagay. Ang isa pa mahalaga mamuhay tayo ng may kabanalan sa harap ng Diyos. Admit na kailangan natin ang Diyos . Para tayo ay makamuhay na naaayon sa Kanyang kalooban.
 

Similar threads

Back
Top