What's new

Perpekto ang Bibliya pero may mga salungatan? Ang sagot kung bakit ganito ang Bibliya

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Posibleng igiit ng ilang taong mapamuna na upang maging sakdal (o, perpekto) ang Bibliya, dapat ay hindi ito kakikitaan ng mga tila pagkakaiba o di-pagkakasuwato, ayon sa pamantayan nila.

Baka nadarama ng isang indibiduwal na may mga detalye at paliwanag na dapat sana ay nasa Bibliya, upang isiwalat ng mga ito kung bakit sa ilang espesipikong kaso ay sumang-ayon o di-sumang-ayon ang Diyos, o kung bakit niya ginawa ang isang partikular na pagkilos, at posible rin na madama ng indibiduwal na ang ibang mga detalyeng nasa Bibliya ay hindi naman kailangan. Subalit dapat niyang matanto na kung ang Bibliya ay isusunod sa mga pamantayan o panuntunan ng tao, gaya ng sarili niyang pamantayan, hindi na ito maituturing na sakdal ayon sa pangmalas ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.)

Isaias 55:8 “Dahil ang mga kaisipan ko ay hindi ninyo mga kaisipan, At ang pamamaraan ninyo ay hindi ko pamamaraan,” ang sabi ni Jehova.​

Kumusta naman ang tila mga salungatan?

Totoo, may mga pagkakaiba sa Bibliya na mahirap pagtugmain. Subali’t huwag nating ipasiya na ito’y tiyak na pagkakasalungatan. Madalas na ito ay dahil sa kakulangan ng impormasyon. Ang Bibliya ay naglalaan ng kaalaman na sasapat sa ating espirituwal na pangangailangan. Nguni’t kung ilalaan ang bawa’t detalye sa bawa’t pangyayari, ito’y magiging napakakapal, at napakabigat na aklatan, sa halip na isang maliit, magaang na tomo na gaya ng taglay natin ngayon.

Source: KaYou do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
Bakit yung ibang saksi ni jehova mapilit? Pinipilit lagi yung religion nila. One time nung nag bahay bahay sila, sinabi ko na nag sisimba po ako lingo lingo, pinakita ko rin yung Bible namin na sinabi ko nagbabasa ako pero ini insist parin nila yung dala nilang babasahin.

Pero sige, ito tinanggap ko, tuwing sabado nakikinig ako sa mga binabanggit nila tungkol dun sa babasahin nila. Then ayun ina-anyayahan na nila ako na dumalo sa congregation nila, pero tumanggi ako kasi busy ako.

Ang nakaka gulat, pati sa social media, mine-message na nila ako. Pina pa attend dun sa pagtitipon nila via Zoom.

Di naman ako against sa goal nila, pero minsan parang na pe-pressure na ako sa mga ginagawa nila, sa panghihimasok at pang e-engganyo nila na umanib sa kanila.
 
Ang totoo po nya'n, hindi po namin intensiyon na 'pilitin' ang sinuman na umanib sa relihiyon ng mga Saksi.

Puwede mo naman po sabihin sa magalang na paraan na ayaw mo pong dumalo o makinig sa mensaheng sinasabi ng mga Saksi.

Sa sunod na pagdalaw nila, puwede mo pong sabihin na 'huwag na silang dumalaw' para hindi mo po madamang pine-pressure ka, kasi, sa totoo lang, hindi namin pine-pressure ang iba na gawin kung ano ang ginagawa namin. Nasa pagpapasiya na po ng mga indibiduwal iyon, gaya mo po.

Pasensya na lang po kung yan po ang nadarama ninyo sa mga Saksi.
 
Hindi po kami nang eenganyo ng tao na umanib sa religion namin.. mahal lang namin ang aming kapwa kaya gusto namin i share din sa kanila ang natututuhan namin sa bible.. pero kung ang isang tao ay hindi interesado, iginagalang namin yun.. baka nagkataon lang nagpakita ka interes kaya ka shinersharean ng mensahe sa bibliya..
 
Nagulat lang ako, pati sa Messenger ay mine-message na ako ng walang paalam. Hindi ko naman binigay account ko, first name lang ang binigay ko sa kanila 'nung tinanong nila pangalan ako.

Wala naman akong problema dun sa bible study nila tuwing sabado kapag nag babahay bahay sila. That's good. Pero pati yung panghihimasok sa social media, 'yung pag memessage nila ng walang paalam that's an aggressive move.

I'm that type of person kasi na can't complain and can't say NO to anyone kaya na pe-pressure ako.

Kaya lang ako nakakapag complain ng ganito ngayon kasi anonymous ako.

Ok lang sakin yung tuwing sabado. Nakikinig ako dun.

Ang complain ko ay pati sa Social Media nag memessage na sila.
 
Last edited by a moderator:

Naiintindihan namin ang concern mo.. pero baka pwede mo din naman sabihin para alam nila na ayaw mo na minimessage ka sa social media.
 
pati yung panghihimasok sa social media, 'yung pag memessage nila ng walang paalam that's an aggressive move.

I'm that type of person kasi na can't complain and can't say NO to anyone kaya na pe-pressure ako.
Siguro kalapit-bahay ka lang nila kaya madali kang nahanap sa Social media.

Pero, makakabuti din kung sasabihin mo po sa kanila yon. Hindi naman po sila magagalit sayo.

Mahirap din kasi kung ganyan din po yung nararamdaman mo sa kanila. Imbes na matuwa ka kasi gusto ka nilang turuan ng Bible, eh hindi ka rin matutuwa kasi nafi-feel mong nanghihimasok na sila sa private life mo po.

Puwede mo po yan sabihin sa kanila.
 
Nagulat lang ako, pati sa Messenger ay mine-message na ako ng walang paalam. Hindi ko naman binigay account ko, first name lang ang binigay ko sa kanila 'nung tinanong nila pangalan ako.

Wala naman akong problema dun sa bible study nila tuwing sabado kapag nag babahay bahay sila. That's good. Pero pati yung panghihimasok sa social media, 'yung pag memessage nila ng walang paalam that's an aggressive move.

I'm that type of person kasi na can't complain and can't say NO to anyone kaya na pe-pressure ako.

Kaya lang ako nakakapag complain ng ganito ngayon kasi anonymous ako.

Ok lang sakin yung tuwing sabado. Nakikinig ako dun.

Ang complain ko ay pati sa Social Media nag memessage na sila.
Gawin mong private ang Profile mo para ang makakapag message lang sa'yo ay 'yung mga friend mo lang sa FB.
 
Ayoko ksi gawing private ang profile ko. Sa messenger kasi yung communication namin ng mga kawork ko pero hindi ko friend sa fb yung iba.
 
Nagulat lang ako, pati sa Messenger ay mine-message na ako ng walang paalam. Hindi ko naman binigay account ko, first name lang ang binigay ko sa kanila 'nung tinanong nila pangalan ako.

Wala naman akong problema dun sa bible study nila tuwing sabado kapag nag babahay bahay sila. That's good. Pero pati yung panghihimasok sa social media, 'yung pag memessage nila ng walang paalam that's an aggressive move.

I'm that type of person kasi na can't complain and can't say NO to anyone kaya na pe-pressure ako.

Kaya lang ako nakakapag complain ng ganito ngayon kasi anonymous ako.

Ok lang sakin yung tuwing sabado. Nakikinig ako dun.

Ang complain ko ay pati sa Social Media nag memessage na sila.
Maging totoo ka sa sarili mo. Walang masama sa pagsasabi ng "hindi" paminsan-minsan.
 
Hello TS. Malamang nakita mo na ako sa ibang threads at may idea ka na isa akong atheist.
Gayunpaman, mas marami ang tugma natin sa pagkakaintindi sa bibliya kaysa sa kontra, kung tutuusin baka mas magkalapit paniniwala natin ukol sa validity nitong Bibliya kumpara sa mga kalahati lng ang paniniwala.
Eto lng ang tanong sa isip ko pagkatapos ko basahin ung post na ito.
Tamang desisyon nga ba ang ipagpalit ang pagiging malinaw ng Bibliya kapalit ng praktikalidad na madali itong bitbitin?
 
Gaya ng sabi sa post

Ang Bibliya ay naglalaan ng kaalaman na SASAPAT sa ating espirituwal na pangangailangan.

Ang punto, sapat na para sa mga lingkod ng Diyos ang buong Bibliyang taglay natin ngayon para masapatan yung spiritual needs nila. Bagaman hindi lahat ng detalye ay 'malinaw' na isinasaad ng Bibliya ngayon, pero 'sapat' na ang ilang mga impormasyong naroon upang 'malinaw' naming maunawaan kung sino ang tunay na Diyos, kung anong mga katangian mayroon siya, kung paano siya nakikitungo sa mga tao, kung anong layunin niya para sa lupa, at kung anong gagawin niya sa hinaharap. Yan ang ilang bagay na 'malinaw' naming nauunawaan tungkol sa Diyos at sa kaniyang salita ngayon bagaman hindi lahat.

Pangalawa, gaano nga ba karaming detalye ang kailangang isiwalat ng Diyos sa Bibliya para masabing 'malinaw' ito? At ano ang magiging basehan pagdating sa pagiging 'malinaw' ng mga salita niya? At ang pagiging 'malinaw' ba ng salita ng Diyos ay nakadepende sa 'paningin' (o, pang-unawa) nating mga tao o nakadepende sa isa na nagsisiwalat nito?

Puwede mong balikan yung binanggit sa post:

dapat niyang matanto na kung ang Bibliya ay isusunod sa mga pamantayan o panuntunan ng tao, gaya ng sarili niyang pamantayan, hindi na ito maituturing na sakdal ayon sa pangmalas ng Diyos.

May kinalaman sa 'dami' ng mga detalye na kailangang isiwalat ng Diyos sa atin. Isipin ito, hindi naman lahat ng itinuturo sa kolehiyo ay itinuturo sa elementarya, tama ba?

Halimbawa, yung trigonometry, statistics, basic accounting at public accounting, hindi naman yan agad itinuturo sa mga bata sa elementary, tama ba? Ano lang yung itinuturo sa kanila?

Kung yung mga itinuturo sa college or doctorates degree ay itinuturo sa mga bata, talaga nga kayang 'malinaw' na mauunawaan ng mga bata ang 'lahat' ng detalyeng ituturo sa kanila?

Pansinin kung ano ang isinisiwalat ng sinabi ni Jesus may kinalaman sa pananaw ni Jehova (na kaniyang Ama) kung pag-uusapan yung mga detalye na dapat sana ay sinabi na niya that time:

Juan 16:12
“Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, pero hindi pa ninyo iyon mauunawaan.”

Nandoon yung willingness ni Jesus na sabihin yung iba pang mga detalye, pero he considered the capacity to understand nung mga disciple niya. Sa maibiging paraan, pinigilan ni Jesus ang sarili niya na sabihin ang 'lahat' ng detalye dahil alam niyang 'hindi pa iyon mauunawaan' ng mga alagad niya noon. Kaya yung information lang na kailangan nila that time ang isiniwalat sa kanila ni Jesus.
Ganiyan din ang Bibliya.

Kaya hindi ipinagpalit ng Bibliya ang pagiging 'malinaw' nito sa pagiging madaling bitbitin. Bagkus, ang punto lang sa post eh 'sa maibiging paraan' ay isiniwalat ng Diyos yung ilang mga detalye na kaya lang nating maunawaan ngayon, na tutulong naman sa atin na makilala siya, malaman ang layunin niya, at sa gayon ay mapakilos tayong ibigin siya, pagkatiwalaan, at matularan ang kaniyang maibiging paraan ng pakikitungo.

Puwede mo rin pong basahin yung article na 'to na pinost ko dati dito.

Trivia - Kung Bakit Hindi Natin Naiintindihan ang Diyos Kung Minsan
 
Hindi ko sadyang palabasin na para bang kulang ang turo nito. Naiintindihan ko na sapat ang nilalaman nitong impormasyon.
para sakin, mas malinaw sana ang turo nito kung mas nakararami ang makakaintindi.

Tutal nmn nabanggit mong halimbawa ang trigonometry. Hnd ba upang natutunan ito iba ang aklat na pinag-aaralan ng isang elementarya at isang kolehiyo. Sa madaling sabi, maraming ibat-ibang aklat na base sa kakayanan ng mambabasa nito. Wala akong nkikitang masama kung mas maraming aklat ang kailangan upang maging epektibo ito. kahit mangmang man, mauunawaan ang trigonometry sa sistematikong paraan.

Nasagot mo nmn ito:

dapat niyang matanto na kung ang Bibliya ay isusunod sa mga pamantayan o panuntunan ng tao, gaya ng sarili niyang pamantayan, hindi na ito maituturing na sakdal ayon sa pangmalas ng Diyos.
dahil ibang pamantayan nga ang itinuturo nito. Na hindi rin ppwede i "organize" sa pangkaraniwang praan ng mga pag aaral.

Sapat na sakin yan sagot n yan. Salamat.
 
Ang BIBLIYA po ay Iba iba ang Version depende sa Nag Sulat may mga maling salin ng Bibliya ang Nakasaad Na Iniiba nila ang talata At meron namang tama sapagkat yun ang Tama ang Pinaka Tama sakin na Bibliya ay Ang Lamsa Version sapagkat Doctor ang nag salin
 
hindi kaya dinoctor din yan paps hehehe jk
 
Back
Top