What's new

Help PC won't start sometimes (BSOD Driver Power State Failure)

Elcavz

Eternal Poster
Established
Mga boss hihingi lang sana ko ng ideya kung anong toyo netong pc ko.

May 2019 ko pa sya binili whole build na gagamitin nalang

And then last yr 2020 nagsisimula na sya magloko, paggigising ko ng umaga ayaw nya na magstart. Yung monitor lang nabukas pero sa system unit, wala talaga miski yung fan ng PSU waepek den.

And then nung nagka free time ako tinesting ko sya itroubleshoot, Baklas kabit ng cmos battery. Pati ram pinagpalit palit ko. Tsaka sa avr binuksan ko, kita ko may putol diniket ko lang ulet. Yung monitor okay sya pero ayaw talaga magka power ng system unit. Tinesting ko na rin irekta sa extension ayaw pa rin. Nagtry din ako isaksak yung amplifier sa avr, nagbukas naman pati monitor gumana rin

Hanggang sa nawalan na ko ng timw dahil work work muna ko, na stock na sya ng almost 4months. And lately, nung thursday lang (feb4,2021) natripan ko lang isaksak sya at nagulat ako biglang nagstart na, kaya eto ngayon kinakabahan akong patayin ulet at bka pagkagiseng ko nanaman ng umaga ayaw nya nanaman magstart, wala naman problema nung pagbukas ko, wala naman nawala except sa bios nag reset sya automatically, pero nothing happens, sa ngayon yung VT lang in'on ko, dati kase ginalaw ko pa yung OC. 2days ko lang sya nagamit, at kaninang umaga pagkagiseng ko ayaw nya nanaman magstart

Di ko pa sya nadadala sa pinagbilhan ko, at kahit alam kong di na sya pasok sa warranty, nagbabalak pa rin sana ko kaso medyo may kalayuan dito sa place ko kaya wala pa time. Dito muna ko nagtanong sana makapagbigay kayo ng ideya. Salamat mga boss paki intindi nalang kung medyo magulo

Specs:
Windows10 PRO
8gb RAM DDR4
Gigabyte A320M-S2H mobo
Ryzen3 2200g

UPDATE!
Nag BSOD sya..! pano ifix to mga master?
Driver-Power-State-Failure.jpg
 

Attachments

Last edited:
try mo po sir na alisin sa case, baka po may grounded na standoff or may wires na naka dikit sa motherboard. check mo din mabuti ung board baka may foreign object na naka dikit, check mo din ung socket baka may thermal paste na naka kalat,

suggest ko lagay mo sa test bed muna, para ma check mo din ung backplate, minsan kasi sa humidity ng environment may kunting tubig na didikit sa metal or plastic. baka po nung d mo ginalaw na wala ung tubig kaya gumana tapus nung ginagamit mo na bumalik ulit.

last ko na encounter eh ung may subrang thermal paste na nakadikit sa board, nung nilinis ko ng ******* ung board gumana na at d na namamatay.

basta po kasi may ground sir d po mag popower ung board, usually iikot pa yan ung fan ng cpu or PSU ma papansin mo yan pag pinindot mo ung power gagalaw ng kunti ung fans kasi nga mag tatry parin yang mag POST.
 
kapag nag on na sya boss at nagagamit ko na, di naman sya namamatay, may times lang talaga na ayaw bumukas at may times na nagana sya. pero try ko rin tips mo boss maraming salamat
 
Bakit PSU agad? Di ba pwedeng gamitin mo muna yung BSOD checker ng hirens kasi pwedeng operating system una muna software, kung talagang ganun pa rin saka ka pumunta ng hardware. BSOD checker then yung result isearch sa internet para malaman bakit anong cause nung kernel panic. Pangalawa yung hardware pwedeng may short icheck maigi yung pegs pagitan ng case at motherboard then ilabas muna sa unit ang motherboard hùbád then saka itesting, ganyan ang tamang pag isolate huwag agad agad magsususpetsa sa psu hanggat walang matibay na evidence na yun ang sira.
 
Hindi naman BSOD tawag ng mga technician ng microsoft sa BLUESCREEN kernel panic ang tawag nila dyan. Yung nagsabi na kernel panic si dave plummer isang nagwowork sa microsoft dati may YøùTùbé channel din yan.
 
Nagcheck na rin ako. Wala naman short na nagaganap, may tendency lang siguro na medyo maalikabok yung cpu part kaya nilinis ko lang maige at tada ayaw pa rin
 
Pansin ko lang sa unit ko boss. Kapag umikot na yung fan ng cpu, tuluy tuloy na sya mag on. Pero kapag di umikot, wala talaga kahit anong gawin ko
 
driver power state failure meaning sir may component sa board na walang power, usually ung CPU or BIOS, I think grounded ung system mo, as much as possible alisin mo ung mga naka kabit sa board mo, gagana parin ung board kahit walang RAM, CPU at HDD, kahit ung 24pin lng lagay mo mag on yan, para ma pinpoint mo sir ung sira, pag gumana ung board at PSU try mo lagyan ng CPU na walang fan, pag gumana ulit lagay mo ung fan, then memory at HDD, kng di gumana sa PSU at board lng try mo jumper ung PSU, pag gumana ung board ang sira.
 

Similar threads

Back
Top