Ito po'y pang-edukasyong diskusyon lamang kaya paumanhin po kung sakaling tumaliwas ang aking sasabihin sa inyong panananaw.
Masakit din pong isipin na marinig ang salitang "makulong" ang isang bata. Wala pong matutuwa dyan lalo rin sa kanilang nabiktima, dahil walang tao na gustong mangyari ito, di po ba? Magulang din po ako. Ang punto po ng batas na yan ay bigyan ng pansin ang laganap na pagtaas ng krimen ng mga menor de edad na nagsisimula pa sa edad na 6 yrs old ayon sa crime reports - kaya binaba yung edad ng pananagutan sa krimen mula 15 yrs pababa. Ngayon yata ay naitaas na from 9 to 12yrs old - kahapon ay 9. Ayos naman at itinaas ng kaunti - salamat sa pakikialam ng UNICEF. Ang salitang "kulong" patungkol sa mga batang sakop sa House Bill 505 ayon sa RA 9344 ay iba ang pagtrato sa batas ng krimen ng matatanda (over 18 yrs. old). Hiwalay na "Youth detention homes" ang kanilang babagsakan bukod pa sa mga dagdag na hakbang para sila'y maituwid sa paraan ng rehabilitation. Ang batas pong yan ay para sa kabataan sa lahat ng antas ng lipunan kaya di po yan "anti-poor".Sa kasalukuyan ay malinaw, makatao at patas ang nakasaad dyan sa RA 9344. Marami pa sigurong pwedeng iidagdag o babaguhin na regulasyon/patakaran para maging mas epektibo sa anumang panig o estado ang batas na ito.
Di naman po sa lahat ng oras ay mailap ang hustisya sa mahihirap at pabor lagi sa may kaya. Nauunawaan ko po kayo; marahil yan ay dala ng inyong nararamdaman sa experiyensya nyo sa buhay. Ang estado po ng tao sa lipunan ay bahagi ng kanyang kakayahan, karansan at kabuhayan kaya mayroong mahirap, mayaman, nasa gitna, atbp. Ang kakayahan ng taong baguhin ang kanyang kapalaran ang siyang magdidikta sa kanyang estado. Sa prinsipyo ng katarungan at hustisya pantay po yan sa mata ng batas. Nagkakaroon lang ng pagkakaiba kapag gagamitan ng yaman, pera o ari-arian ang anumang relasyon sa pagpatupad ng batas - sa
kakayahang magbayad. Mahalintulad din po yan sa
limitasyon ng isang tao sa pagbili sa palengke or mall, pagbayad ng buwis, atbp.
Pero sang-ayon po ako sa inyong hinaing patungkol sa sistema ng piyansa. Kahit sa US at ibang mga bansa ay problema rin ito. Yung mga "Can't afford" ang biktima rito. Yung piyansa kasi ay pribilehiyo ng isang akusado (sa ilang kaso) hanggang hinihintay ang paglilitis - pansamantalang paglaya. Kaya yung walang kakayahan ay nasa kulungan habang nag-iintay ng court hearing. Ang masakit ay ito rin ang dahilan ng mala-sardinas na bilangguan dahil sa dami ng biktima ng mga nabinbin na kaso ng ating judicial system. Yung iba ay mas marami pang taon ang tinagal sa bilangguan kaysa sa resulta ng hatol. Paano pa yung tumagal na walang kasalanan? Ang isa rin po ay mga mananamantalang "bail bond groups" na nagpapautang para sa piyansa na gumagamit ng "bounty hunters" kung sakaling lumabag sa kasunduan....Legal kasi sa Pilipinas yan bukod sa US. Dahil sa kakulangan na ito at matagal na pag-iintay, madalas nangyayari ang "out of court settlement" ng akusado at biktima. Kaya kailangan natin ng libu-libong korte, ipatupad yung makabagong pamamaraan tulad ng "judicial affidavits" (sinumpaang mga pahayag na naglalaman ng patotoo ng testigo sa "question-and-answer" form) at "Ecourts" (i-computerize ang proseso ng korte) para maibsan ang problemang ito, atbp.
Salamat po.
@
BLoodyLungz tulong (he he)