Sino ba naman ang di magugulat dyan sa sensitibong Bill 505? Pero wala pong pinipiling panahon sa pagbabago ng batas - para sa matanda man o bata. Nataon/napapanahon lamang po itong ginawa. Ang pagbaba ng edad sa "criminal liability" o "pananagutan sa krimen" ay naaayon sa pangkasalukuyang sitwasyon nito dito sa Pilipinas, na alam naman nating lahat. Maaring pangit o nakakagulat sa ating nakagawiang paniniwala na ito'y hindi akma ayon sa nakasaad na edad, nararapat lang na ibaba ang kategorya para maibsan ang sakit na ito sa lipunan.
Ang kaukulang parusa ay ayon naman sa antas ng pagkakasala mula sa RA9344 at Revised Penal Codes. Kaya kung pumatay o mang-rape ay natural lang ikulong ang mga yan. Yung "pananagutan" ang punto ng bill. Kaya sa maagang edad (9 yrs. old) ay naisasaayos na yung naliligaw na kabataan. Maaari din naman po itong baguhin kung kinakailangan.Ang problema nga lang dito ay kung kaya ng kasalukuyang mga ahensya at penitentiaries na harapin ito.
Sa ibang dako, mahirap talagang unawain na may mga ibang indibidwal na nakakalusot sa batas dahil sa kung anong dahilan, na sa tingin natin ay nararapat na bigyan ng kaukulang parusa. Mahirap sagutin po yan.
Pero sa isang matinong mag-isip, iisa lang ang bukang-bibig - marumi talaga ang pulitika sa Pilipinas. Kaya nga siguro ilan sa mga taong sangkot dito ang kalimitang sila pang lumalabag at nakakaiwas sa kanilang mga kasalanan. Nagpapatunay lang na di perpekto ang pagpapatupad ng batas kung sakali. Sa isang Juan dela Cruz na tulad ko, di ko hahayaang makisali pa sa kanila. I'm sure, may araw din ang mga yan. Pero sa pangkalahatan, ay naniniwala pa rin ako na mapagtitiyagaan na pagtiwalaan natin ang ating saligang-batas (he he). Dapat lang!