What's new

Patulong po paano ito handle

Status
Not open for further replies.

mangroveprot

Forum Veteran
Joined
Oct 30, 2021
Posts
1,156
Solutions
16
Reaction
3,909
Points
827
Hi, wala lang akong mapagsabihan tungkol dito, lalo na sa mga kaibigan ko, parang nahihiya akong ipagsabi pero ganito. May naging girlfriend akong kaklase, at nagtagal kami ng mga isang buwan lang, parang naka-trial lang haha. Ang pinakamasakit pa rito, ito ang unang beses kong magkaruon ng girlfriend, at kaklase ko pa. Nag-break kami dahil hindi pa nawawala ang feelings niya para sa kanyang ex, at sinabi niya na nagkabalikan na sila.

Pakitulungan naman po ako kung paano maka-move on sa kanya. Araw-araw ko pa naman siyang nakikita, naririnig bosses niya. Ang sakit pa lalot nat bosses nya lang naririnig ko parang naalala ko pa yung isang buwan na pgsasama namen, gusto ko pa siya, pero wala na akong magagawa. Unang beses ko pa naman siyang naging girlfriend. Nakakasira ito sa aking buhay sa eskwela dahil nawawalan ako ng focus, at ngayon ay parang ayaw ko nang pumasok sa paaralan dahil ayaw kong makita siya. Iniiwasan ko siyang makita, at pinipilit kong maging abala sa sarili ko sa pamamagitan ng paglalaro ng online games para kalimutan siya.

Alam ko na mali ang aking ginagawa, kaya narito ako upang humingi ng payo kung paano ko ito maiha-handle. Salamat.
 
hanap ka ng ibang pwede mong pagkalibangan lods..

focus ka sa yong sarili or sa mga interest mo.. and little by little, makaka move on ka din..kasi kung mag sstick ka sa bagay na nangyari na or natapos na..e talagang di ka makaka move on nian... learn from the past, accept the present, and move forward to the future..☺️😊.. think positive lang
 
Last edited:

Napansin ko din na parang ang toxic ko na sa ibang tao lalot na sa mga kaibigan ko. Ang bilis ko ng magalit.
 
Grabe nman Yung 1 month lng, nagka feelings ba talaga sya Sayo o napilitan lng na sagutin ka, kwento mo nman Yung story nyo para mas gets namin.
 
Sya yung nangligaw sakin, sabi nya na gusto nya nang seryoso na lalaki. Nung una di ko pa seneseryoso yung relationship kasi sa tingin ko baka palipas lang to. And day by day nahulog yung loob ko sakanya at yung pag treat nya sakin eh pasok sa gusto ko kaya sobrang gusto ko sya. Hanggang nung na sobrahan ko na ayun..... Nakakadismaya😅

paps may tanong lang, anong gamit mong wifi adapter?
Wrong forums ba to?
 
Sya yung nangligaw sakin, sabi nya na gusto nya nang seryoso na lalaki. Nung una di ko pa seneseryoso yung relationship kasi sa tingin ko baka palipas lang to. And day by day nahulog yung loob ko sakanya at yung pag treat nya sakin eh pasok sa gusto ko kaya sobrang gusto ko sya. Hanggang nung na sobrahan ko na ayun..... Nakakadismaya😅

Wrong forums ba to?
Hahahah grabe nman, may mga babae nga talagang players, Akala ko lalaki lng, pero mukhang pinagtripan ka nga lng talaga. Kaya nga Minsan pag may nagcoconfess dapat hindi agad pinaniniwalaan eh.
 
im sorry to hear that papsi at di ka rin nag iisa na victim sa mga ganyan, next time wag ka masyado mag padali sa ganyang klase relationship na di dumaan sa traditional way of courting. i know subrang hirap magmove on but try ka humanap ng bago hobby at iba pa na pwede sya makalimotan, wag lang yung alak wala yan magandang idagdag. i would prefer humanap ka ng ka chat na babae malay mo sya pala ang para sa iyo.
 
Haha experience nalang talaga to. Kaso tong pag process at pag adjust nakak wala focus

im sorry to hear that papsi at di ka rin nag iisa na victim sa mga ganyan, next time wag ka masyado mag padali sa ganyang klase relationship na di dumaan sa traditional way of courting. i know subrang hirap magmove on but try ka humanap ng bago hobby at iba pa na pwede sya makalimotan, wag lang yung alak wala yan magandang idagdag. i would prefer humanap ka ng ka chat na babae malay mo sya pala ang para sa iyo.
Ayuko muna sa mga eabab paps, focus muna ako sa goal ko. Kaso itong pangyayari nato sobrang distractive lalot na kaklasi ko pa sya

ayy sorry namamali ata ako, di ba ikaw yung marunong sa häçking sa kali linux?
Hindi paps
 
Last edited:
Mabilis mong nakuha, mabilis ring mawawala. Tsaka paps, stop wasting your time na pinapahirapan mo lang lalo sarili mo. It starts from you, its from the way how you see things kasi. Hindi ka nahihirapan, nahihirapan ka kasi iniisip mong nasasaktan ka. Marami dyan pwedeng maging libangan, basta maalis attention mo sakanya as possible as you can. Tsaka sisirain mo future mo nang dahil lang sa 1 month rs? Sa ganyang katagal na relationship dapat parang wala lang yan e.
 
Salamat sa sapak ng katotohanan paps, parang ang OA ko kasi ganito ata to basta pers time. Salamat sa sasapak. Na katotohanan paps🙌
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top