What's new

Help Parang lugi na kami sa company namin?

elbawonknu

Forum Guru
Elite
kasi ganito ang rate
per day 470pesos
29 sa meal allowance per day
73 sa ot

tapos naka compress sched daw kami

so bali ang isang araw 7am-6pm 470 pesos tapos 6pm-7pm 73pesos

tapos nakakabawi lang kami sa sabado at lingo kasi OT pay...

at mahirap kasi halos araw araw may pasok kahit sabado,lingo...naranasan nga namin na 20days straight ang pasok namin walang rd buti yung next day nakapag request kami na mag rd tsaka mahigpit sila na dapat pag may pasok pumasok dapat

ang isang 14days na straight sa amin ma pasok umaabot lang na 10k🥲

btw sa laguna po ako nag work
 
Last edited:
Naiintindihan ko na nararamdaman mo ang hirap na binibigay ng inyong kumpanya sa inyong mga empleyado. Ang rate na binigay sa inyo ay mababa, lalo na kung titingnan ang haba ng inyong trabaho at ang mga oras ng overtime na ginagawa ninyo.

Ang rate na 470 pesos per day ay hindi sapat para sa mga gawain na inyong ginagawa at ang oras na inyong ibinibigay. Ang meal allowance na 29 pesos at overtime pay na 73 pesos ay hindi sapat para sa inyong pagsisikap. Nakakaabala rin na hindi kayo binibigyan ng rest day at nagkakaroon ng halos 20 araw na sunud-sunod na trabaho.

Mahalaga na binibigyan kayo ng sapat na pahinga at oras para sa inyong mga personal na aktibidad. Ang mga consecutive na araw ng trabaho ay maaaring makaapekto sa inyong kalusugan at pangkabuhayan.

Maaring magsalita kayo sa inyong mga kasamahan o sa HR department tungkol sa inyong mga concern. Maaaring makipag-usap sa management para maipahayag ang inyong hinaing. Maari rin kayong maghanap ng ibang oportunidad sa ibang kumpanya na nag-aalok ng mas magandang benepisyo at mas mataas na suweldo.

Ang inyong trabaho ay mahalaga at nararapat na kayo ay mabayaran ng tama at bigyan ng tamang pahinga. Hindi dapat kayo malugi sa inyong pagtatrabaho.
 
Reklamo nyo yan sa Dole lods. thats not fair. dapat magkaisa kayo ng mga katrabaho mo. sabihin nyo ung hinanaing nyo. di tama yang ganyan. sobrang corrupt na ng company nyo,, may anumalya ata dyan, nangyayre.
 
ang liit nian paps, anong work mo jan? 5days ko lng yang 10k wfh pa
lumalabas 10 hours /day ang work nyo...(1 hour break)

punta kayo sa DOLE office
May contract ba?
Reklamo nyo yan sa Dole lods. thats not fair. dapat magkaisa kayo ng mga katrabaho mo. sabihin nyo ung hinanaing nyo. di tama yang ganyan. sobrang corrupt na ng company nyo,, may anumalya ata dyan, nangyayre.
basta po parang may pinirmahan kami dun po...ang problema is dahil di po namin nabasa yun😅...

kung pwede rin sana mag reklamo eh sa dole ehh...kasi akalain mo parang nag papakain lang pag may event,outing,minsan nag bigay ng pera pang pa lubag loob pero feel ko talo kami...kasi binibigay lang nila yang pang palubag loob kasi para di namin mahalata na lugi kamo

btw sa laguna po ako nag work
 
Kung taga laguna ka advice ko lang punta kayo ng mga kawork mo sa munisipyo, Reach out kayo sa PAO kung anong resolution nila or magpatulong ka magreklamo sa DOLE. kung wala pa din pa tulfo mo na hehe.
 
actually you can reject OTs kasi requrested hours lang iyan and subject to your approval, they can't mark you as absent diyan, so wag ka lang pumasok at imbento lang ng sickness, at advice ko sa iyo simulan mo na maghanap ng malilipatan, lipat lang nang lipat until maka-hanap ka ng employer that would represent your ideals and aspirations
 
Lahat naman ng Company may Anomalya remember SM yaman ng may ari pero may anomalya sa mga trabahante.
Pero yang company nyo boss luging malala na talaga kayo.
Baka mas malaki pa kita ng nangangalakal kapag ganyan katagal na working hours.
Lipat ka na sa iba.
 
A
basta po parang may pinirmahan kami dun po...ang problema is dahil di po namin nabasa yun😅...

kung pwede rin sana mag reklamo eh sa dole ehh...kasi akalain mo parang nag papakain lang pag may event,outing,minsan nag bigay ng pera pang pa lubag loob pero feel ko talo kami...kasi binibigay lang nila yang pang palubag loob kasi para di namin mahalata na lugi kamo

btw sa laguna po ako nag work
nong klaseng work yan lods
 
Actually it is none of you business kung nalulugi sila. Hindi mo kailangan magprovide ng explanation para sa mali nilang pag trato sa inyo.

Pinakamaganda nyan ay mag tingin tingin ka na ng lilipatan kung hindi mo gusto ang bigayan sakanila.
 

Similar threads

Back
Top