Hindi mga companies yung gumagawa ng firewall, kundi yung user mismo ng windows OS..
Kunwari pag mag-iinstall ka for example, Spotify.. may lalabas na prompt ng Windows Firewall kung i-aallow mo ba yung internet access ng Spotify, siyempre icliclick mo yung "Allow access" dahil kailangan siya ng internet connection para mapagana.. pero pag ibang apps na kahina-hinala, ikaw mismo yung magbla-block sa Firewall para hindi maka-access sa internet yung app na yun.. (hindi lahat ng apps may lalabas na Firewall prompt dahil automatic nang ginagawa ng karamihan sa mga installer para allowed siya sa internet access, pero pwede pa rin siya i-manually blocked)
So, it's up to user kung gusto niya allowed or blocked sa internet access yung mga apps thru Firewall.. (sa pagkakaalam ko lang)