Ang basehan ng pagiging isang mabuting ama dito sa lupa ay yung sinasabi sa kasulatan sa Biblia.
Dapat kawangis ng Dios ang mga ama o ang mga tao sa lupa.
Na gaya Nya(Dios Ama), na may pag-ibig, kahinahunan, katarungan, kapamahalaan, karunungan, kaayusan, at may awa.
Ang pagiging isang ama ay hindi lamang sa konseptong pisikal lalo na at kung may anak na ampon o pinamamahalaang isang bayan or sambayanan.
Mga Taga-Efeso 6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Awit 103:13
Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
Kawikaan 3:12
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Kawikaan 4:1-4
Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
1 Tesalonica 2:11
Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
Kawikaan 23:13
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
Kawikaan 22:6
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Marunong mamahala ng sambahayan.
1 Timoteo 3
1. Mapagkakatiwalaan ang salitang ito: “Ang nagnanais maging tagapangasiwa[
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.] ay naghahangad ng marangal na gawain.” 2 Kaya nga, dapat walang maipipintas sa isang tagapangasiwa, asawa ng iisang babae, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, may magandang loob sa panauhin, at may kakayahang magturo. 3 Hindi siya dapat naglalasing, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat ay mahusay siyang mamahala sa kanyang sariling sambahayan, tinitiyak niyang sinusunod at iginagalang siya ng kanyang mga anak.