What's new

Para sa inyo ano ang basehan ng isang mabuting ama?

Status
Not open for further replies.

_Vincenzo

Eternal Poster
Joined
Nov 30, 2018
Posts
1,025
Reaction
430
Points
360
Gusto kong malaman thoughts nyo mga ka PHC, kung anong basehan ng isang mabuting ama?

Para sa akin ang isang mabuting ama ay yung magandang ihemplo at nagiging inspirasyon sa kanyang pamilya, isa sa pinakasandigan at taga bigay ng saya sa kanyang pamilya?
 
Simple lang naman eh. Mabuti s'ya kung hindi s'ya masama. Hehe. Kung hindi naman s'ya gumagawa ng mga bagay na nakakasama sa pamilya n'yo eh indeed, mabuti s'yang ama. May mga tatay na hindi ganoon ka close sa mga anak n'ya pero as long as wala s'yang ginagawang bagay na ikasisira o ikapapahamak ng mag-anak n'ya eh mabuting ama parin s'ya.
 
yung gagabayan ka hanggang sa pag laki mo, susuportahan ka para sa ikakabuti ng future mo, at maaasahan sa lahat ng problema kahit kailan.
kung gusto mo talagang maging mabuting ama, isipin nyo na kayo ang may gusto magka anak, walang anak na naghahanap ng magulang. kaya dapat lang na maging responsable, kasi hindi yan aksidente lang na nagka anak kayo, sinadya nyo talaga yan.

kapag mabuti ang mga anak
wala naman sigurong anak na pinanganak na masama lods😅 dependi narin yan sa environment at syempre sa magulang.
 
Last edited:
wala naman sigurong anak na pinanganak na masama lods😅 dependi narin yan sa environment at syempre sa magulang.
Oo nga, kaya ko nasabi kasi magulang ang gumagabay sa anak, kaya nga may kasabihan na like father like son or like mother like daughter hehe
 
Ang basehan ng pagiging isang mabuting ama dito sa lupa ay yung sinasabi sa kasulatan sa Biblia.

Dapat kawangis ng Dios ang mga ama o ang mga tao sa lupa.

Na gaya Nya(Dios Ama), na may pag-ibig, kahinahunan, katarungan, kapamahalaan, karunungan, kaayusan, at may awa.

Ang pagiging isang ama ay hindi lamang sa konseptong pisikal lalo na at kung may anak na ampon o pinamamahalaang isang bayan or sambayanan.



Mga Taga-Efeso 6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Awit 103:13
Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

Kawikaan 3:12
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

Kawikaan 4:1-4
Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:

1 Tesalonica 2:11
Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,

Kawikaan 23:13
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.


Kawikaan 22:6
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.


Marunong mamahala ng sambahayan.


1 Timoteo 3

1. Mapagkakatiwalaan ang salitang ito: “Ang nagnanais maging tagapangasiwa[You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.] ay naghahangad ng marangal na gawain.” 2 Kaya nga, dapat walang maipipintas sa isang tagapangasiwa, asawa ng iisang babae, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, may magandang loob sa panauhin, at may kakayahang magturo. 3 Hindi siya dapat naglalasing, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat ay mahusay siyang mamahala sa kanyang sariling sambahayan, tinitiyak niyang sinusunod at iginagalang siya ng kanyang mga anak.
 
Responsible for everything, Emotional, Spiritual and Financial(as long na napoprovide yung basic needs). Youre lucky to have that.
 
Maraming salamat sa mga opinyon ninyo mga ka PHC. Sana meron kayong nakuhang aral sa thread nato. Mahalin natin ang ating mga ama dahil sila ang unang naging dahilan kung bakit nandito tayo sa mundo. Close ko na yung thread maraming salamat sa inyo! <3
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top