No guys. Taga Palawan Puerto Princesa ako. Sabi sa balita source GMA Palawan:
Isang Taiwanese National na batang lalaki na unang nagpakonsulta sa isang pribadong hospital sa lungsod kasama ang ama nito dahil sa nararamdamang hirap sa paghinga ang inilipat na rin sa isolation room ng Ospital ng Palawan upang ma-obserbahan.
Sa panayam ng Super Radyo kay Dr. Audie Cipriano, sinabi nitong hindi galing ng Wuhan China ang mag-amang Taiwanese ngunit ayon sa kuwento ng mga turista ay may nakasabay umano silang mga Chinese National na galing sa Wuhan China.
Wala namang nararamdamang sintomas ang ama nito ngunit kapwa sila nasa isolation room at nakasuot ng mga protective gear upang masiguro ang seguridad ng hospital.
Wala namang dapat ika-alarma ang mga tao dahil patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga turista at hindi pa rin nag popositibo ang mga ito dahil sasailalim pa sila sa mga test.
Sa kaugnay namang balita, hindi naman nagpakita ng anumang sintomas ang mag-asawang Brazilian matapos ang ilang araw na close monitoring sa kanila. Ayon sa impormasyon, nawala na rin ang sore throat na iniinda ng lalaking Brazilian habang hindi naman nakitaan ng kahit anumang sintomas ang babae ngunit sa ngayon ay nasa loob pa rin ang mga ito ng isolation room kasama ang anak nilang sampung taong gulang at patuloy pa ring inoobserbahan kasama ang isa pang batang Taiwanese na inilipat rin kahapon sa nasabing pasilidad.
Nauna nang dineklarang coronavirus free ang dalawang turista mula sa bayan ng Coron na ibinalitang sumailalim rin sa close monitoring. Sa ngayon, nanatili pa ring coronavirus free ang lalawigan ng Palawan hanggat wala pang kinukumpirmang positibo sa nasabing virus.
Mga kapuso, wala pa po tayong dapat ipangamba, hindi pa napatutunayang
Positibo ang mga turista sa coronavirus kung kaya't nasa close monitoring pa ang mga ito upang obserbahan.
Sa ngayon maituturing pa ring coronavirus free ang palawan at wala pang nakukumpirma sa mga inoobserbahan.
Wag pong maalarma!
Pero as of now. Nagkakaubosan na ng N95 buhat ng balita kanina. Ayaw namin mag kompyansa kaya kunti lang lumalabas ngayon sa mga bahay.
Update Jan 28, 2019
God bless

Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: