What's new

Closed Pakidefend nga po sakin kung bakit madaming pro Marcos

Status
Not open for further replies.
Please I want to know, hindi ba obvoius sa facts at history kung gano sya kasama? Para kasing ginagawa syang bayani dahil sa mga proyektong natapos nya, parang kinalimutan yung kawalanghiyaan na ginawa nya. And please wag ipasa sa aquino ang topic, kesyo wala silang kwenta, kasi laging pag wala nang masagot tungkol kay Marcos pinapasa sa aquino yung mali, hindi ako pro aquino(dahil wala din naman silang nagawang maganda). Please enlighten me, naguluhan lang ako nung nakita ko na sobrang daming pro Mracos, and please answer me honestly, yung sagot na galing sa inyo at yung hindi dinikta ng sinuman.
 
Anti-intellectualism ang dahilan na karaniwan sa mga third-world countries. Ung mga hindi naniniwala sa history na masama at magnanakaw si Marcos, un din ang mga hindi naniniwala sa evolution (science), at mahilig maniwala sa fake news sa social media kesa media.

Magkakaugnay yan.

Anti-intellectualism = anti-science + anti-history + anti-media
si science nagsalita na naman marcos tapos science ?? diba hekasi
 
Ang HEKASI ay social science.
history kasi kasi tanong nya hindi mo rin masisis ung tao kung hindi sila basta basta naniniwala sa news.., tulad ng botohan duterte vs mar roxas sinasabi sa news sa abs-cbn laging no.1 sa surveysi mar roxas kahit wala naman nag tatangka bumoto dahil nung tumakbo sya dati daw syang mahirap naging kargador naging enforcer ..., biglang humirap ng tumakbong president amp pero pag na check mo history mayaman simula pag ka bata haha
 
history kasi kasi tanong nya hindi mo rin masisis ung tao kung hindi sila basta basta naniniwala sa news.., tulad ng botohan duterte vs mar roxas sinasabi sa news sa abs-cbn laging no.1 sa surveysi mar roxas kahit wala naman nag tatangka bumoto dahil nung tumakbo sya dati daw syang mahirap naging kargador naging enforcer ..., biglang humirap ng tumakbong president amp pero pag na check mo history mayaman simula pag ka bata haha
Polls un ng Pulse Asia at SWS. Hindi media ang gumawa ng polls na un. Ibinalita lang ng media. Tsaka nangunguna na si Duterte sa polls nung patapos na ang campaign period sabi sa news.
 
Polls un ng Pulse Asia at SWS. Hindi media ang gumawa ng polls na un. Ibinalita lang ng media. Tsaka nangunguna na si Duterte sa polls nung patapos na ang campaign period sabi sa news.
never mind wala kang maloloko dito haha
 
simple lang... sa dami ng propaganda na nakikita nila sa multimedia. nag umpisa lang naman yan nitong huling eleksyon. naglabasan mga paninira sa mga aquino habang panay naman papuri sa mga marcos. nauso ang mga fake news na wala naman noong mga nakaraang administrasyon. pilit din nilang nirerevise ang history at pinapalabas na bayani si dating pangulong marcos. sabi nila kontrolado daw ng oligarkiya ang media noong panahon ni marcos samantalang pag nagsalita si marcos lahat ng istasyon sa telebisyon mukha nya ang makikita mo.
 
Kung biased ang news bakit 86% ang satisfaction ratings ni Duterte ayon sa news? Inirereport lang ng media kung ano ang totoo at nangyayari.
kaya nila nireport un kasi malalaman naman ng tao un kahit hindi nila ireport dahil madaming source sa internet ..., ang point dito is habang tumatakbo ang eleksyon binobroadcast nila na number 1 yung bata nila pero sa totoo wala naman sa top 10 bakit?? para ung mga bumoboto mauto ?? marketing strategy ? haha
 
Hindi naman talaga nila kayang i defend si Marcos in an actual argument. They'll just attack you personally and call you a "dilawan". Sinasabi lang nila palagi, "sabi nila mayaman Pilipinas dati eh".
It's funny because halos lahat ng kilala kong matatalino eh anti Marcos.
 
parang sa showbiz lang yan may gusto ka na artista...sa history naman may idol ka na hero....at sa comics may idol ka na superhero....sa politics may idol ka na politician.

it is based on personal preference. kahit alam mo may masamang nadulot ang martial law nya pero kung ikaw yun klaseng tao na tumitingin sa mga magandang nagawa ni marcos...eh si marcos ang magiging idol mo sa politics.
 
APH.jpg

ayan ts para malinaw sayo.
 

Attachments

Ay totoo
tanungin mo lolo at lola mo kung buhay pa sila kung bakit maraming pro marcos sila ang nabubuhay nung panahon ni marcos wag ka maniwala sa history na nababasa mo sa mga aklat naiba na ang istorya nyan yung mga ninuno ko sabi nila mas okey ang pananon ni marcos ewan ko lang sa inyo.
Ay totoo maganda talaga pamumuno ni marcos noon at maganda ang mga programa nya. Pero hanggang sa nagdeclare sya ng martial law doon lang.
 
Saan ka ba nakatira? Sa magandang bahay ba? Anong trabaho mo at ng mga magulang mo? Sa gobyerno ba o kaya naman may sariling negosyo kayo? Lagi bang puno ang bulsa mo at di ka nagiisip para bukas o sa mga susunod na araw? Kung may magandang buhay ka at di ka nakaranas ng pagod may mailapag lang sa hapagkainan sa araw araw, hindi mo maiintindihan kung bakit may mga taong pabor kay duterte at marcos. Hindi ko sinasabe na galit ako sa mga aquino, masasabe ko lang na lahat kase ng tao dito sa pilipinas na nakakaranas ng paghihirap matagal ng gusto ng pagbabago. Kung naguguluhan ka kung bakit maraming pro marcos subukan mo magpakahirap para maliwanagan ka ng husto. Pansin ko kase karamihan ng mga galit kay duterte mga mapepera at mga may katungkulan sa gobyerno noon. Pagmasdan mo muna yung mga nangyayari sa paligid mo, kase kung puro ka lang palake ng itlog at panay reklamo mo sino ba talaga ang magaling na presidente habang nagpapalamig sa aircon eh wala ng lunas jan. Lason na yan. Hahaha
 
So kapag mayaman delawan at anti marcos na agad..... right, very smart.
awtomatik na kasi sa mga panatiko yan paps... bawal ka magkaroon nang sariling opinyon. pag sinabi ni presidente tama agad. dapat sundin. pag me puna ka sa pres. o sa administrasyon ngayon dilawan ka agad at aakusahan kang anti marcos. hahaha! 😂😂😂
 
ganito kasi thought process nila... sa pagkakaobserba ko dito...

duterte -> pro marcos...
dds -> 'kung ano gusto ni presidente... gusto ko rin...'
resulta -- WE LOVE MARCOS!

at marami ang dds dito... kaya yun... :ROFLMAO:

bonus: di rin daw kasi sila naniniwala sa history... pati sa mga libro kasi fabricated daw ng mga dilawan... kaya sa fb posts sila mas naniniwala... :ROFLMAO:
HAHAHHAHA :D
 
ganto lang yan TS,

Nagka People Power dahil pinangakuan ng mga Aquino ng maganda at maunlad na Pilipinas kapag Demokrasya ang papairalin sa Pilipinas...

Madaming nagtiwala madaming sumuporta. Pero anong nangyari?

Dumating ang mahabang panahon hangang nakita ng bawat isa ang pinangakong kaunlaran ng bansa ay hindi nangyayari bagkus ay bumagsak pa at sila sila lamang ang yumayaman! Asan ang pinangakong magandang buhay ng Demokrasyang sinuportahan nila?

Lumala ang kurapsyon, lumala ang probleman sa droga. para bang normal nalang sa mga tao ang makinig ng pananalitang mabango pakingan pero walang kabuluhan!!

Okay sana nung natapus pagiging Diktador nya eh mas nakilala at Umunlad ang Pilipinas!! Pero hindi diba?? naghirap na ng Tuluyan!! Sinu bang hindi mapapaisip nyan?? kung umunlad talaga ang Pilipinas nung umupo si Cory panigurado kahit ako gagawin kong santo yan! ipagsisigawang kong totoong HERO yan!! At isa ako sa magtatangol sa mga babatikos sa kanya! Pero hindi naman eh!!

Oo merong mga masamang nangyari nuon panahon ni marcos na talaga namang hindi dapat pero kung ikukumpara lang naman ang mga nagawa nya para sa bansa sa mga kasalukuyang namuno eh diba at walang wala sa nagawa nya? Hindi na kailangan isa isahin pa!

Napasobra na ang Demokrasya.. Disiplina ng mga pilipino nawala na! puro nalang sisi sa gobyerno wala namang ginagawa para makatulong! kuda ng kuda
 
Last edited:
Mas maunlad ang Pilipinas ngaun kesa nung panahon ni Marcos. Sina Marcos at croni6nya lang ang mayaman noon. Buong bansa mahirap. At hindi "kaunlaran" ang ipinangako sa EDSA Revolution kundi "demokrasya" o katapusan ng paghahariharian ng mga Marcos, ang karapatang mamili ng bagong mga lider ng bansa.
 
"Napasobra na ang Demokrasya.. Disiplina ng mga pilipino nawala na! puro nalang sisi sa gobyerno wala namang ginagawa para makatulong! kuda ng kuda"

Gobyerno ang dahilan kung bakit mahirap at magulo ang Pilipinas. Sila ang dapat sisihin. Napasobra na nga ang demokrasya kaya kahit mga may kaso at nakulong na sa kaso ng katiwalian nakakatakbo pa rin sa halalan at nagiging senador, pati mga mag-aama, magkakapatid, buong pamilya naghahari sa gobyerno. Dun sumobra ang demokrasya. Dapat bawal ung ganun.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top