What's new

Pahingi po tips pag bibili ng 2nd hand na scooter

Makina, magdala ka ng kasama mo na mekaniko para ma-check mo yung makina kung nababa na ba, ang bilhin mo yung hindi pa nagagalaw o nabubuksan ang makina
Pyesa, STOCK IS GOOD kung bibili ka ng 2nd hand na sasakyan, mas maganda kung all stock or genuine parts pa.
Wiring.
Tire, eguls ka kung upod na yung gulong na bibilhin mo, gastos agad. Maganda kung makapal pa or MALALIM pa ang uka.

last, check mo yung bandang loob ng fairings sa bandang ilalim, malapit sa makina, check mo din mga nuts or basta kung may bahid ng kalawang. karamihan sa mga binibenta na motor o sasakyan. mga nalubog sa baha. mahirap na, baka may sakit na yung makuha mo.

goodluck ts
 
mas mabuti magdala ka ng mekaniko lods.. kahit bayaran mo siya para mag check.. para din naman hindi ka lugi and legit yung binibenta na second hand
 

Similar threads

Back
Top