good day po sainyo,
hindi ako sure if saang section ko ipopost to pero dahil sa tingin ko sakop naman ng hardware e dito ko na lang po ipopost, palipat na lang po ng section if mali napagpostan ko.
bale hihingi po sana ako ng suggestions if anong wifi router po okay para gamitin sa office, yung hindi naman sobrang mamahalin pero quality yung specs.
-may icoconnect po na switch kasi may magcoconnect na mga 3-5 desktop PCs
-yung makakahandle din ng minimum 8 wifi connected devices (kasi syempre may magcoconnect ng phones and laptops)
-yung hindi complicated masyado pag isesetup if possible
yung current setup po kasi namin ngayon e hindi niya kaya, congested yung network and unstable yung wifi, kumbaga hindi talaga pang office yung ginamit na router. hindi kaya yung madaming load.
kaya humihingi po ako ng suggestions sainyo. sana may magbigay po.
maganda MikroTek na router and switch sir, may bandwidth management yun nga lang may kahirapan sa pag setup nito pero sulit naman, pwede naman mga tplink make sure lang na may bandwidth management para hindi makain ng isang device and whole bandwidth ng internet niyo
maganda MikroTek na router and switch sir, may bandwidth management yun nga lang may kahirapan sa pag setup nito pero sulit naman, pwede naman mga tplink make sure lang na may bandwidth management para hindi makain ng isang device and whole bandwidth ng internet niyo
sa pagkakaalala ko mikrotik gamit na modem namin, bale dun nakaconnect yung radio signal galing sa isp tapos dun ko na kinabit yung tplink wifi router na binili ni boss.
sa sabado aayusin namin yung server cabinet, para malinis tignan yung server cabinet. gubat na kasi wirings dun e. tsaka iwas trouble na din. tsaka may ikakabit pa na tplink switch dun sa router para dun sa mga naka-pc.