Wala pa akong nararating sa buhay, nagboboard kami ng ate at kuya ko. bali 3 kami sa isang room, since ako walang work para akong katulong dito, laba, taga luto ,hugas ng pinagkainan nila, linis ng room, ipaglalatagan pa sila ng higaan nila, sawang sawa na ko guys, oo palamunin ako pero masakit lang kasi pag sweldo nila para akong pulubi na bibigyan lang ng 200 minsan 100. college grad ako pero look at me now, look im homeless. halos isang taon na ko walang trabaho apply ako ng apply pero wala pa rin. Nakakapagod parang gusto ko na lang sumuko, minsan naiiyak na lang ako habang nag aaply kung saan saan