What's new

Pagod na ko guys

Peaviance

Eternal Poster
Established
Joined
May 21, 2017
Posts
1,273
Reaction
416
Points
408
Wala pa akong nararating sa buhay, nagboboard kami ng ate at kuya ko. bali 3 kami sa isang room, since ako walang work para akong katulong dito, laba, taga luto ,hugas ng pinagkainan nila, linis ng room, ipaglalatagan pa sila ng higaan nila, sawang sawa na ko guys, oo palamunin ako pero masakit lang kasi pag sweldo nila para akong pulubi na bibigyan lang ng 200 minsan 100. college grad ako pero look at me now, look im homeless. halos isang taon na ko walang trabaho apply ako ng apply pero wala pa rin. Nakakapagod parang gusto ko na lang sumuko, minsan naiiyak na lang ako habang nag aaply kung saan saan
 
Wag kang susuko. Apply lang ng apply.
Importante buhay ka at may masisilungan at may kinakain.

Buti ka nga graduate na. Yung iba hindi tlga makapag aral. Swerte ka p rin.
Thank you, sa dami ko ng inaaplayan lods wala talaga, minsan tumatatak na lang sa isip ko what if ill try to join military. since ganito nagiging kapalaran ko.
 
Wag susuko lods. Great blessings comes from great challenges. There's always a rainbow after the rain. There's always light at the end of the tunnel. Continue lang apply ng apply lods, tiis tiis lang. Kung pwedeng dumiskarte para sideline gawin mo. Being a member sa community na to means isa kang madiskarteng tao. Kaya wag kang susuko.
 
try mo kuys mag call center madaming naghahanap ngayun ng applicant. try mo din kausapin family o close friends mo para maiba mood, iba kasi pag may nasasabihan ng problem e. mahirap talaga ngayun pandemic e hina negosyo pati kapatid ko graduate din ng collage hirap makahanap ng work. ganun ka hirap ngayun, sabi pa nya kahit bagger papatusin na nya. nakakalungkot madinig yun as a kuya wala ka magawa , kahit gusto ko ipasok sa work ko hindi pwedi dahil magkapatid kami e walading vacant. kaya laban lang dasal dasal ka din makakatulong yun. God bless kuys kaya yan ngayun lang naman yan e. mahalaga wala ka sakit at buhay ka.
 
How funny cause we have same situation, nakikiboard lang ako sa bahay ng ate ko at bayaw ko ngayon. Palamunin lang din,, walang trabaho kasi nagaaral pa ko, one time triny ko kag apply sa call center kasi suggest din ni ate para naman kahit papano matulungan ko sarili ko, kaso di naman ako pumapasa. Ngayon at nag start na ulit ng pasukan, nahijiya na ko. Kahit na katulong lang din ako dito, naghuhugas, saing, ligpit, walis yun lamang ang ginagawa ko..nalulungkot na ko sa buhay ko, dagdagan pa ng mga nakaka stress na online class. Di ko pa matulungan sarili ko ngayon.

Cheer up satin bro! Kayang kaya natin to malagpasan, soon may plano din si lord sa buhay natin. Tiwala lang
 
try mo kuys mag call center madaming naghahanap ngayun ng applicant. try mo din kausapin family o close friends mo para maiba mood, iba kasi pag may nasasabihan ng problem e. mahirap talaga ngayun pandemic e hina negosyo pati kapatid ko graduate din ng collage hirap makahanap ng work. ganun ka hirap ngayun, sabi pa nya kahit bagger papatusin na nya. nakakalungkot madinig yun as a kuya wala ka magawa , kahit gusto ko ipasok sa work ko hindi pwedi dahil magkapatid kami e walading vacant. kaya laban lang dasal dasal ka din makakatulong yun. God bless kuys kaya yan ngayun lang naman yan e. mahalaga wala ka sakit at buhay ka.
oo lods salamat kahit nga bagger ok lang sabi nga pride doesn't pay bills
 
I feel you, feeling ko nga napaka useless ko

Hirap din ako makatulog kapag madaling araw ung gusto na pumikit ng mata mo pero ayaw ng utak mo dahil ang dami mong iniisip.
 
try mo kuys mag call center madaming naghahanap ngayun ng applicant. try mo din kausapin family o close friends mo para maiba mood, iba kasi pag may nasasabihan ng problem e. mahirap talaga ngayun pandemic e hina negosyo pati kapatid ko graduate din ng collage hirap makahanap ng work. ganun ka hirap ngayun, sabi pa nya kahit bagger papatusin na nya. nakakalungkot madinig yun as a kuya wala ka magawa , kahit gusto ko ipasok sa work ko hindi pwedi dahil magkapatid kami e walading vacant. kaya laban lang dasal dasal ka din makakatulong yun. God bless kuys kaya yan ngayun lang naman yan e. mahalaga wala ka sakit at buhay ka.
salamat paps. for now ok na ako. and tama ka nga. ilalabas ang kinikimkim ng loob mo. lately kc napapansin na ng kuya ko mga kilos ko prang nag iba. kaya kinausap nya ako ng masinsinan. tapos kwenento ko lahat. mga failures sa buhay, ayun niyakap ko sya. tapos hinawi nya lang buhok ko ung prang anime lang na batang magkapatid hehe. sinabihan nya rin akong magsimba .dinasal ko na magkawork na ako. totoo nga nagkawork na ako. sobrang saya ko. kaya sa may problema,depression, anxiety. i open up lang natin sa mga kapatid natin. kc sila lang makaktulong sa atin.
 

Similar threads

Back
Top