What's new

Pagiging Tapat sa SumpaanPaano Ito Patitibayin?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
Ang isang mahalagang paraan ay ang ikapit ang mga payo sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Sa paggawa nito, ‘makikinabang ka’ pati na rin ang iyong kabiyak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isaalang-alang ang dalawang praktikal na hakbang na magagawa mo.

1. Unahin ang iyong asawa. ‘Tiyakin ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga,’ ang sulat ni apostol Pablo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa paningin ng Diyos, napakahalaga ng paraan ng pakikitungo ng mag-asawa sa isa’t isa. Ang isang lalaki na nagpaparangal sa kaniyang asawa ay pararangalan din ng Diyos. At ang isang babae na may paggalang sa kaniyang asawa ay “malaki ang halaga sa paningin ng Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gaano kahalaga sa iyo ang inyong pagsasama? Kadalasan, miyentras na mas mahalaga sa iyo ang isang gawain, mas marami kang panahong ginugugol dito. Tanungin ang iyong sarili: ‘Nitong nakaraang buwan, gaano kalaking panahon ang ginugol ko kasama ang aking asawa? Anong espesipikong mga bagay ang ginawa ko para tiyakin sa aking asawa na matalik na magkaibigan pa rin kami?’ Kung kaunting panahon lamang ang naiuukol mo sa iyong kabiyak o kung wala kang panahon para sa kaniya, mahihirapan siyang maniwala na tapat ka sa inyong ugnayan.

Iniisip ba ng iyong kabiyak na tapat ka sa sumpaan ninyong mag-asawa? Paano mo malalaman?

SUBUKIN ITO: Ilista sa isang pirasong papel ang sumusunod na limang kategorya: pera, trabaho, pag-aasawa, libangan, at mga kaibigan. Lagyan mo ng bilang ang inilista mo na sa tingin mo ay pangunahin sa iyong asawa. Ipagawa rin ito sa iyong asawa; ipalista sa kaniya ang sa tingin niya’y pangunahin sa iyo. Pagkatapos, makipagpalit ng papel sa iyong kabiyak. Kung nadarama ng iyong kabiyak na kulang ang panahon at atensiyon na ibinibigay mo sa kaniya, pag-usapan ninyo ang mga pagbabagong kailangan ninyong gawin para patibayin ang inyong sumpaan sa isa’t isa. Tanungin din ang iyong sarili, ‘Ano ang kailangan kong gawin para maging higit na interesado ako sa mga bagay na mahalaga sa aking asawa?’

2. Iwasan ang anumang uri ng pagtataksil. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag ang isa ay nakipagtalik sa hindi niya asawa, malaking dagok ito sa kanilang pagsasama, na ayon sa Bibliya ay saligan ng pagdidiborsiyo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit ipinakikita ng kababanggit na mga salita ni Jesus na maaaring magkaroon ang isa ng maling pagnanasa sa kaniyang puso bago pa man siya gumawa ng aktuwal na pangangalunya. Kapag hindi inalis agad sa isip ang ganitong maling pagnanasa, isa na itong uri ng pagtataksil.

Para manatiling tapat sa sumpaan ninyong mag-asawa, taimtim na mangako na hindi ka titingin sa ****ograpya. Anuman ang maaaring sabihin ng marami, nakalalason sa pag-aasawa ang ****ograpya. Pansinin kung ano ang damdamin ng isang asawang babae tungkol sa panonood ng kaniyang asawa ng ****ograpya: “Sinabi ng asawa ko na ang panonood ng ****ograpya ay nakadaragdag ng init sa aming pagmamahalan. Pero ipinadarama lang nito sa akin na wala akong kuwenta, na hindi ako sapat sa kaniya. Kapag nanonood siya nito, umiiyak na lang ako hanggang sa makatulog ako.” Masasabi mo bang ang ginagawa ng lalaking iyon ay nakatutulong para patibayin ang kanilang pagsasama o sinisira niya iyon? Sa tingin mo kaya’y nagiging mas madali para sa asawang babae na manatiling tapat sa kanilang sumpaan? Itinuturing kaya ng lalaking ito ang kaniyang asawa bilang pinakamatalik niyang kaibigan?

Ipinahayag ng tapat na lalaking si Job ang kaniyang katapatan sa kaniyang asawa at sa kaniyang Diyos sa pamamagitan ng ‘pakikipagtipan sa kaniyang mga mata.’ Determinado siyang hindi ‘magbigay-pansin sa isang dalaga.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Paano mo matutularan si Job?

Bukod pa sa pag-iwas sa ****ograpya, kailangan mo ring ingatan ang iyong puso mula sa pagkakaroon ng di-wastong pagkagiliw sa isang di-kasekso. Totoo, iniisip ng marami na hindi nakapipinsala sa pag-aasawa ang pakikipagligaw-biro sa mga di-kasekso. Pero nagbabala sa atin ang Salita ng Diyos: “Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at mapanganib. Sino ang makakakilala nito?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nalinlang ka na ba ng iyong puso? Tanungin ang iyong sarili: ‘Sino ang higit kong pinagtutuunan ng pansin—ang asawa ko o ang ibang di-kasekso? Kanino ko unang ikinukuwento ang magagandang bagay—sa asawa ko, o sa iba? Kung hiniling ng asawa ko na limitahan ko ang pakikisama sa isang di-kasekso, ano ang magiging reaksiyon ko? Magagalit ba ako, o maluwag sa loob kong gagawin ang hinihiling niya?’

SUBUKIN ITO: Kung nagkakagusto ka sa isa na hindi mo asawa, limitahan ang iyong pakikipag-usap sa kaniya. Makipag-usap sa kaniya kung kailangan lamang at hindi tungkol sa personal na mga bagay. Huwag mong isipin na mas mahusay ang taong iyon kaysa sa iyong asawa. Sa halip, ituon mo ang iyong pansin sa magagandang katangian ng iyong asawa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alalahanin kung bakit nahulog ang loob mo sa iyong asawa. Tanungin ang iyong sarili, ‘Talaga bang nagbago na ang mga katangian ng asawa ko, o hindi ko lang nakikita ang mga ito?’
 

Similar threads

Back
Top