What's new

Closed Pag usapan natin ang anxiety disorder or panic attacks :)

Status
Not open for further replies.
Salamat sa info, meron din ako nito dati pero na overcome ko thru prayer
Ito talaga pinaka epektib na gamot sa mga sakit sa kaisipan na tulad ng anxiety
Panalangin

Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Huwag tayong mangabalisa sa anumang bagay
Manalangin tayo kapag dumarating ang mga ikinababalisa nyo
 
Meron Din ako yan..nanlalamig yung buong katawan at nahihilo..di ko alam panic attack pla ...hirap tuloy lumabas..lalo na kapag may gulo o nag-aaway..kabado talaga ako.thanks po sa info.
 
Hahahaay thread plang ganito dito mabuti maman t.s nalabanan mo yang sayo.
At don sa mga ginawang katatawanan ung payo heto lang masasabi ko sa inyo. Goodluck at swerte nyo hindi kayo nagkaroon. Nyan
 
hi guys ngaung oras na to inaatake ako ng anxiety ko ngaun anu nag titirgger sa anxiety ko is pag napapagod ako bigla na lng bibilis tibok ng puso tas lalamig na ung kamay at paa at parang may tumutusok na , nag simula lng to nung nag collapse ako sa pinagtatrabahuhan ko dahil sa puyat at pagod sa rc cola kasi ako nag wowork, kamador ang posisyon kaya nakakapagod yun night shift ako kaya pagod at puyat ako the mga 2 months na nung nagcollapse ako at sinugod sa ospital kaya ngaun mapagod lng ako kani-kanina lng nag lampaso ako ayun napagod ako nag simula na ako magpanic attack hinde naman ak ganito dati nakakaasar lang madali na ako mapagod at sabay panic attack, para akong inaatake sa puso kasi malakas heartbeat at namamanhid na kamay at paa ko, pero ayun nga dapat libangin mo sarili mo ang ginawa nanuod lng ako sa YøùTùbé ayun nawala ng kusa pero pahirap parin sakin to kasi mapagod lng ak ng kunti ayun susumpungin na ako :(
 
Yong akala mo ikaw lang ang nakakarnas ng ganito. May iba pala malaking tulong talaga mag share ng nararanasan mo, kasi pag nakahiga ka lang at nakasimangot mukha mo talagang tumitindi ang panic mo. First time ko maka experience ng panic attacks noong 24 hours wala akong tulog grabe di ko alam gagawin ko kahit anong pikit ko sa mata ko. Yong parang wala kang masabihan kong anong nararamdaman baka ma judge ka lang na akala nila nahihibang ka lang. Noon first time ko at nag search ako sa google ganon pala tawag non anxiety or panic attack . Kapag stressed ka at lalo na wala kang tulog ang dami mong naiisip na hindi maganda na parang totoo nangyayari pero nasa isip mo lang pala lahat.

Libangin mo lang pala sarili mo para mawala yong mga bad na iniisip mo. Mag pray lang at manalig sa diyos. Amen
 
Anxiety and mental illness are real. Sana there comes a time na we recognize this and end the stigma. :)

There's a method I read years ago and it helped me whenever I had anxiety attacks. Look around you and find five things you can (1) smell (2) touch (3) see (4) taste (5) hear. It keeps you grounded and calms your mind knowing na you're here and you still have your senses.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top