What's new

Pag-ibig VS. Poot alin ang nangingibabaw sa iyong buhay?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,098
Reaction
5,533
Mahalaga ang iyong sagot. Sangkot dito ang iyong kinabukasan sa hinaharap at kagalakan ngayon.

Alamin muna natin ang pagkakaiba ng dalawang ito 1f642.png1f447.png

Ano ang Pag-ibig
- ito ay pagmamahal na base sa paghanga, kabaitan, o pagkakatulad ng mga hilig.
-ito ay malapít na pagkagiliw sa isa’t isa.
- hindi ito sakim,palaisip ito sa kapakanan ng iba, ito ay matapat, at mabait na nababahala sa kabutihan ng iba.

POOT
--Ang taong napopoot ay abalang-abala sa kaniyang sariling gusto lamang
--matinding galit at nagtatagal

Makakaya bang madaig ng Pag-ibig ang Poot? Oo!

Alam mo ba sa ngayon:
Kahit nabubuhay sa isang daigdig na naturuang mapoot, milyun-milyong tao ang natututong umibig. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng isang bagong personalidad. Hindi lamang sila nagsasalita tungkol sa pag-ibig; puspusang sinisikap nilang isagawa ito.
Gusto mo bang makilala ang mga ganitong uri ng tao?
Kahit di sila perpekto ay nagsisikap na magpakita ng taimtim na pag ibig sa iba,anuman ang lahi,wika, at antas ng pamumuhay.

Alam mo ba na sa hinaharap:

Malapit nang mawala ang poot.
Aalisin na ito ng permanente ng Diyos tulad nang pangako sa Awit 37: 38
"Pero ang lahat ng masuwayin ay pupuksain; Walang kinabukasan ang masasamang tao"

Isip-isipin ang isang mundong walang poot
Walang bullies
Walang discrimination
Walang malupit
Walang karahasan
Sino ang mag aalis ng poot?Tiyak na isa Siyang Maibigin at Mapagmahal na Persona.
 

Attachments

Top