no offense sa mga bakla
pero sa mga boys paano niyo replyan pag nag hi sa messenger dalawang beses na nag hi last year at ngayon di ko sineseen at replyan e
Sagutin mo lang ng normal paps, wala namang problema kung bakla sila and if may iba silang motive is flat out reject lang if di mo gusto.. Wag mahiya paps or magisip ng di mabuti..
you just say Hi. sometimes even if they have a thing for you gusto nya lang makipag kaibigan. i love gay people, i respect them so much and they are so loyal like they will kill for you pag meron siraulo sayo
Wala namang mali na magreply sa bakla ah??? No offense meant po, pero 2021 na. Let's not judge someone based on their sexuality Pag ganito mindset ng kadalasan, magiging pervasive lng mga gender stereotypes.
be professional parin, porket bakla di mo nirereplyan. kung di naman bastos sayo yung tao tratuhin mo ng maayos. maging makatao kalang. dont discriminate.
Mag hi ka din. Basta strictly no touching. May mga naging tropa ako na bakla dahil din sa mga pogi kong mga kaibigan HAHA. Basta may respeto ka sa kanila at sila din sayo.
Pero ung pahiram lapis umiwas ka na. HAHAHA. Kung hindi ka naman apektado doon sa joke niya, mag hi ka. Kung offended ka dahil lapis daw ung ano mo, haha.
Pare mahal mo raw ako
Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi galit ay wala ako
Pare pag-usapan natin to
Pare ako raw ang yong gusto
Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare pag-usapan natin to
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
Pare nandito lang ako
Nangangako sa yo ganoon pa rin ikaw, ako
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare kaibigan pa rin ako
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
Hindi maiilang lagi mong tandaan
Kaibigan mo ako kailanpaman
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
Pare kaibigan lang kita