What's new

Closed Paano nga ba makalimot?

Status
Not open for further replies.
Joined
Apr 24, 2017
Posts
38
Reaction
69
Points
109
Paano nga ba makalimot?
Paano nga makalimot?
Mga tanong ng mga taong sawi
Mga tanong ng mga taong nasaktan dahil umibig.
Pero pano nga ba makalimot?
Paano nga ba?
Mahal, turuan mo akong makalimot.
Gaya ng pag limot mo saakin.
Pag limot sa pinag samahan natin.
Natatawa ako dahil nalimutan mo agad ako ng maikling panahon
Natatawa ako dahil may kapalit agad ako sa puso mo
Pero mahal pano nga ba?
Pano mo nakalimutan agad ako?
Pano mo nakalimutan ang tayo?
Dahil ba sa bago mo?
Nagtataka ako dahil ang bilis,
ang bilis kong nawala sa utak mo at
ang bilis kong naglaho sa puso mo.
Sana katulad mo rin ako, kaso hindi.
Andito parin ako sa magulo nating paligid
Nakakulong parin ako sa isang kahon,
Madilim na kahon na puno nang ating alaala.
Na nag luluksa parin ako sa pag kawala mo.
Ginagamot ang sugat na dulot mo
Sugat ng mga masasakit na sinabi mo
Ngayon tutulog na ako, hinihiling ko na
Makalimutan ang tayo. Ang ikaw at ako.
Ang ikaw na nag pasaya saakin
Ang ako na nag pangiti sayo
Ang ikaw na nag mahal saakin at
Ang ako na nagmahal sayo ng totoo.
Sana makalimutan ko na yun, dahil durog na ako. Durog na durog na ako at pagising ko, sana wala kana sa isip at puso ko.
Kung mag kakasalubong man tayo,
Sa isang tindahan o kung san pa man.
Ngiti nalang ang mabibigay ko sayo.
Ngiti ng isang ako na nakalimot na sayo.


-ooonemilliooon
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top