Depende sa kung anong industry yung pinapasukan mo yung offer sayo at sa relevant experience mo.
Ako ang tinitingnan ko is 1. Location - Eto yung pinakamali ko nung newbie ako, kahit sang site go lang ayun lagi akong burned out sa byahe e pede namang mas malapit.
2. Sahod - siguro di mo masyadong iintindihin to kasi if wala ka masyadong experience mahirap mag negotiate. Kaya make sure nalang yung offer nila is swak sa tinitignan mong range.
3. Benefits - Napakalaking bagay ang kumpleto sa benefits lalo na govt . benefit sss, pag ibig, philhealth. At medical related benefit hmo and insurance.
Wag ka mahihiyang mag tanong during interview. Mas mabuti na yung alam mo lahat ng benefits sa umpisa pa lang para di sayang yung oras.