What's new

Help Paano ma-trace ang location ng isang FB Profile SCAMMER

Arlertz

Eternal Poster
Hi. May posibilidad po bang ma-trace ang location ng isang FB profile na scammer? Yung pinsan ng pinsan ko po ay na-scam gamit ang isang profile sa Facebook na ang pangalan ay Juvy. Sa paghahanap ko sa Facebok, nakita ko ang tunay na owner ng pangalan na ginagamit nung scammer at nakausap ko siya. Sinabi sakin nung tunay na Juvy na ini-report na daw niya yung old account niya sa mga pulis kasi nga ginagamit sa pangloloko sa mga tao. Tapos nag report narin siya sa Facebook pero wala pang reply si Facebook.

Hanggang ngayon ay patuloy parin na nagpo-post sa mga group yung old account na Juvy para makapang scam sa ibang tao, at marami siyang naloloko.

Ang modus niya ay kakausapin niya yung mga nagpi-pm, tapos kapag nagtatanong yung tao kung legit ba siya, ang sasabihin nung scammer ay hindi niya sisirain yung pangalan niya, at na admin siya sa isang group na may 9000 members and growing. Tapos magpapa "legit check" siya kuno sa fb group na yun, tapos may mga magko comment po na sasabihin "legit yan si ma'am" or "ma'am pabili po ako uli ng modem", so yung tao na kausap niya e madadala kaya bibilin yung item. Pero ang totoo, siya rin lahat ng ADMIN at mga profile na magba-vouch dun sa pa-legit check niya. Sasabihin din niya na "payment first kasi may mga buyer na hindi naman kinukuha yung item ilang beses na nangyari" parang ganyan para mapapayag ka niya sa payment first.

Ni-share ko po sa inyo para alam niyo din yung style ng ibang scammer ngayon.

Tanong ko lang, posible ba ma-trace yung location ng mga scammer gamit ang profile nila sa Facebook? Kung oo, paano kaya?
 
Hello po, pwede ko po bang makita yung fb acc nung scammer? May friend po kasi ako na Juvy din ang name at mga pictures din nya ang ginagamit para mangscam. Actually nagprivate na po sya ng mga pictures nya at nag unfriend ng mga taong hindi nya talagang kilala personally pero may mga gumagamit pa din so naisip nya baka friend nya lang din yung scammer.
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Kaya lang naka deactivate ngayon yan. Nakausap ko yung totoong Juvy kasi nagbigay ako ng mga pwede niyang gawin nung nakaraan. Grabe talaga. Nakapang scam na naman yung mokong ng worth 9,000 pesos sa isang tao. Parehong modus. Ang lakas kasi makapanghatak po ng profile account nung Juvy kasi nandon mga pics ng family niya e. Tapos sasabihin admin daw siya ng 9000 members na group, eh ngayon napakadali ng bumili ng fb group na may thousands of members e. Tapos siya rin lahat ng admin dun at mga nagba vouch.

Naka deactivate ngayon yung profile link na yan kasi yung huling transaction niya na 9k, yung buyer ay bumibili sa kaniya ng sim card daw na smart unli internet sim. Tapos usapan ni buyer at scammer na mag down muna si buyer tapos ipapadala ni scammer yung sim via LBC. So ipinadala na nung scammer yung sim sa LBC. Ibinigay yung tracking number. Tapos sinabi ni scammer na ibigay na daw yung balanse tutal naipadala na niya sa LBC yung sim. So ito namang si buyer nagbayad na ng full. Pagdating ng sim sa buyer, ang laman lang ay yung tig 45 pesos na sim! Grabe. Tapos nahanap nung buyer yung tunay na Juvy at sinabi yung nangyari.

Ang ginamit na pangalan ng scammer sa LBC ay You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

jomarie alemano.jpg



Eto naman yung group na ginagamit nung scammer na Juvy na sinasabi niyang admin siya dun.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. facebook .com / groups /1475668496054745/members/admins
(remove space)

Dati admin din yung account ng scammer na juvy jan pero wala ngayon kasi nga siguro nag deactivate ng account nagpapalamig siguro.



9k.JPG


9knew.jpg



Nag punta uli yung tunay na Juvy dun sa mga pulis, NBI para i-report yung last scam na ginawa na 9k at sinabi niyang ang nagpadala ng sim sa LBC ay yung Jomarie Alemano, pero ang sabi sa kaniya ay pangtamad na sagot.



nbi.JPG



Naisip ko kasi, pwede sana kahit pano magkaroon ng hint yung mga pulis sa identity nung scammer e. Nagpunta si scammer sa LBC kaya for sure may mga cctv yun. Yung tracking number na binigay nung scammer ay makikita dun kung SAAN ang branch ng LBC na pinanggalingan kaya magkakaroon ng hint yung mga pulis kung taga saan yung scammer. Tapos yung TIME ng pag process ng item makikita din sa tracking number diba, so ibig sabihin pwede sanang gawing basehan yun ng LBC or pulis para tignan sa cctv yung hitsura ng taong nagpapadala.

Kaya lang parang tamad mga pulis dun at ayaw kumilos.


Bakit ko to pino-post? Nakakaawa po kasi yung mga nabibiktima at bagong MABIBIKTIMA pa ng scammer na yan. Kaya sana magkaroon din po kayo ng awareness jan. Hindi man ako yung na-scam nung nakaraan, pinsan ng pinsan ko na working student na mahirap at inipon yung pera tapos ma-i-scam lang niyang tao na yan, nakakalungkot lang po at nakakaawa. Kaya mag-ingat po kayo sa ganyang modus.


Tanong ko lang po uli: Sa LBC ba, makakapagpadala ka ba dun kung MALING pangalan ang gagamitin mo? Diba meron sa LBC yung gagawan ka po ng account ganon? Tama po ba? Kasi kung oo, baka yung tunay na scammer ang pangalan ay Jomarie Alemano?
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top