What's new

Paano Ko Maiiwasan ang Gawang-Paglalaro sa Imoralidad?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
“Dati’y parang ayos lang sa akin na maghalikan at maghipuan, anupat iyon ay isang paraan lamang ng pagpapahayag ng aking masidhing damdamin at pag-ibig. Akala ko’y maihihinto ko ito bago ko magawa ang anumang talagang malubhang bagay gaya ng pakikiapid. Subalit ako’y talagang nagkamali.” Iyan ang sulat ng isang kabataang babae na nagngangalang Valerie na nakagawa ng seksuwal na imoralidad.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

BATID ng mga kabataang Kristiyano na hinahatulan ng Bibliya ang pakikipagtalik bago ang kasal. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, maaaring hindi natatanto ng ilan na hinahatulan din ng Bibliya ang gawang-paglalaro sa seksuwal na imoralidad—ang pagroromansa na maliwanag na nakalaan para sa mag-asawa lamang.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig bang sabihin nito na mali ang magpahayag ng pagmamahal? Hindi naman.

Sinasabi ng Bibliya ang salaysay ng magkasintahang babaing Shulamita at ng isang pastol na lalaki. Ang kanilang pagliligawan ay busilak sa kalinisang-asal at moral. Subalit, maliwanag na nagpalitan sila ng ilang mga kapahayagan ng pag-iibigan bago sila ikasal. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa ngayon, ang ilang nagliligawang mga lalaki at babae ay baka nag-aakala na ang paghahawakan ng kamay at pagyayakapan ay angkop na mga kapahayagan ng pagmamahal kapag ang kasal ay waring napakalapit na.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Napakadali maging para sa lalaki’t babae na may mararangal na hangarin na madala at magsimulang gumawa ng paglalaro sa seksuwal na imoralidad. Paano nila maiiwasang gumawa nito?

“Patuloy na Magbantay”

Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., ang salmista ay nagtanong: “Paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?” Ang sagot? “Sa pamamagitan ng pananatiling mapagbantay ayon sa iyong salita.” Ang isang paraan upang makapanatiling nagbabantay ay maging mapili sa iyong mga kaibigan. “Palagi akong ginigipit ng aking mga kaibigan na makipagtalik,” sabi ng isang Amerikanong batang lalaki na nagngangalang Nakia. Ang Bibliya ay nagbababala: “Siyang nakikitungo sa mga mangmang ay mapaririwara.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman isang magasin para sa mga kabataan ang nagbigay ng mabuting payo nang sabihin nito: “Sikaping makahanap ng bagong mga kaibigan na katulad mo ang mga pinahahalagahan.”

Ang isa pang paraan upang makapanatiling nagbabantay ay umiwas sa nakakokompromisong mga kalagayan. Isip-isipin ang nangyari nang anyayahan ng mangingibig na pastol ang babaing Shulamita sa isang romantikong pamamasyal. Ang kaniyang mga hangarin ay malinis naman; ibig lamang niyang masiyahan sa kagandahan ng tagsibol na kapiling ang Shulamita. Magkagayon man, ang nakatatandang mga kapatid na lalaki ng babaing Shulamita ay ‘nagalit sa kaniya.’ Hindi dahil sa hindi sila nagtitiwala sa kanilang dalawa. Subalit batid nila ang mga tuksong maaaring lumitaw kung pahihintulutan ang dalawa na mag-isa sa romantikong kalagayang iyon. Ang solusyon? Sinira ng nakatatandang mga kapatid na lalaki ang romantikong plano ng dalawa at binigyan ang kanilang kapatid na babae ng mabigat na gawain na kaniyang pagkakaabalahan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Patuloy na panggagalingan ng panganib sa ngayon kung kayong dalawa lamang ang magkasama sa romantikong mga kalagayan. Ganito ang gunita ng isang tin-edyer na babae na tatawagin nating Mary: “Kapag kami’y nagde-date, karaniwang kami’y may chaperon.” Subalit, sa isang pagkakataon, nasumpungan nila ang kanilang sarili na nag-iisa sa apartment. “Kami’y talagang nadala. Kahangalan talaga sa bahagi namin na pahintulutang mangyari iyon. Kami’y may saloobing ‘Hindi ito mangyayari sa amin.’ Buweno, ngayon ay batid ko na kailangan mong magkaroon ng chaperon sa lahat ng panahon, anuman ang mangyari. Gumawa ng ibang kaayusan kung wala kang makitang maisasama mo. Hindi kami naging maingat.”

Huwag mong hayaang makalingat ka! Kung ikaw ay may nililigawan, maingat na iplano ang inyong mga date. Kung posible, mag-date na kasama ng grupo, o pilit na magsama ng chaperon. Iwasan ang nakakokompromisong mga kalagayan, gaya ng pag-iisa sa nakaparkeng kotse o sa isang apartment. Ang magkasamang pagdalaw sa mga museo, restawran, skating rink, at iba pa ay kalimitang mas ligtas. Gayundin naman, dapat mo ring isaisip ang mga salita sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang alak at bagong alak ay nag-aalis ng kaalaman.” Yamang ang alkohol ay maaaring makabawas ng pagpipigil, isang katalinuhan na maging napakaingat may kinalaman sa paggamit nito kahit na ikaw ay nasa edad na para uminom.

Pagtatakda ng mga Hangganan

Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagbibigay ng isa pang mahalagang payo nang sabihin nito: “Karunungan ang nasa mga nagsasanggunian.” Huwag mong hintayin hanggang sa mapukaw nang husto ang iyong damdamin sa romantikong mga kalagayan at saka magtatag ng mga tuntunin. Kapantasan para sa nagliligawang lalaki’t babae na magtakda ng mga hangganan nang patiuna, may katapatang pinag-uusapan kung anong mga kapahayagan ng pagmamahal ang nararapat. Gayunman, ang dalawa ay dapat na sumunod sa simulain ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa inyo sa kaniyang kapuwa.”

Halimbawa, ipagpalagay na nadarama ng isang dalaga na ang kaniyang kaugnayan sa isang binata ay umabot na sa puntong ang isang halik bago umalis sa gabi ay wasto naman. Gayunman, maaaring madama ng kabataang lalaki na kung iisipin ang kayarian ng kaniya mismong emosyon, ang isang halik ay talagang magiging isang malaking tukso. Dahil sa takot na matanggihan o marahil ang pagkadama ng obligasyong paluguran ang babae, ang lalaki ay baka kumilos nang taliwas sa alam niyang tama. Bagaman ito’y nakahihiya para sa kaniya, kailangang sabihin niya ang totoo at ipahayag ang kaniyang totoong damdamin hinggil sa bagay na ito. Yamang ang pag-ibig Kristiyano ay “hindi naghahanap ng sariling mga kapakanan nito,” dapat na igalang nilang dalawa ang damdamin ng bawat isa—at budhi—sa bagay na ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipagpalagay na, ang pag-uusap sa gayong maselang na bagay ay maaaring mahirap at nakahihiya, lalo na sa unang panahon ng pagliligawan. Subalit malaki ang magagawa nito upang maiwasan ang malulubhang suliranin na maaaring lumitaw bandang huli. Kapansin-pansin, ang iyong kakayahan na makipag-usap at makipag-unawaan sa mga bagay na ito ay maaari ring magsilbing pahiwatig kung gaano ang kakayahang taglay ng isang relasyon para sa matatag na pag-aasawa.

‘Papayag Ka Kung Talagang Mahal Mo Ako’

Bagaman, kung minsan sa kabila ng pinakamabuting hangarin, ang kalagayan ay nagsisimulang maging maapoy. Ngayon na ang panahon na ikaw ay magsalita! May kabaitan ngunit may katatagang magpreno, wika nga. Umalis kung kinakailangan. (Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Ano naman kung ang taong idine-date mo ay tumatangging gumalang sa makatuwirang mga hangganan at patuloy na ginigipit kang gumawa ng labis? Nakalulungkot sabihin, ang ilang kabataan ay nadaya ng madaling mahalatang mga salitang nagpapahiwatig ng talagang hangarin gaya ng, ‘Papayag ka kung mahal mo ako’ o, ‘Ginagawa naman ito ng lahat’ o kaya’y, ‘Malapit na naman tayong ikasal, kaya anong problema?’ Gaya noong panahon ng Bibliya, may mga tao na nang-aakit ‘sa pamamagitan ng katabilan ng kanilang mga labi.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Huwag kang padadala sa nananakot na pananalita!

Una sa lahat, ang isang nagmamahal sa iyo ay hindi ka kailanman gigipiting gumawa ng isang bagay na lumalabag sa iyong Kristiyanong budhi o na sanhi na ikaw ay makadama ng pagkaasiwa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ikalawa, hindi talaga totoong ‘ginagawa ito ng lahat. At kung ginagawa man ng lahat, hindi iyan nangangahulugan na kailangan mo ring gawin ito. Tandaan ang simulain sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama.”

Para sa mga ikakasal, wala saan man sa Kasulatan na nagpapahintulot sa malapit nang ikasal na lalaki’t babae na gumawing gaya sa mag-asawa. Isa pa, pansinin ang nakalulungkot na estadistika na iniulat ng aklat na The Compleat Courtship, ni Nancy Van Pelt: “Mahigit sa 33 porsiyento ng mga babaing nakipagtalik na nang una silang nakipagtalik ay nag-akalang kanilang mapakakasalan ang lalaki—subalit kakaunti sa kanila ang nagkatuluyan. Gayunman, tanging 7 porsiyento ng mga lalaking mahilig sa sekso na sinurbey ang nag-isip na kanilang pakakasalan ang babae. Ang isa sa dalawang bagay na nangyayari—alin sa dinadaya ng babae ang kaniyang sarili o ang lalaki ay hindi nagsasabi nang totoo. Mamili ka sa dalawa.” Isang pantas na kawikaan ang nagsasabi: “Ang musmos ay naniniwala sa bawat salita, ngunit ang matalino ay nagpapakaingat sa kaniyang paglakad.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kapag Ikaw ay Nadala

Ganito ang pag-amin ng isang kabataang Aleman na nagngangalang Thomas: “May girlfriend ako, at kami’y lumalampas na sa nararapat. Subalit kami’y laging waring nakahihinto sa tamang panahon. Nagbigay ito ng saloobin sa akin na kaya kong pigilan ang aking sarili.” Ang ilusyong ito ay humantong sa kaniyang paggawa ng seksuwal na imoralidad. Gunitain ang babala ng Bibliya: “Dahil dito siya na nag-iisip na siya ay nakatayo ay mag-ingat na hindi siya mabuwal.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paano kung ang lalaki’t babae ay nahulog sa paggawa ng kahalayan? Isang kabataang lalaki na nagngangalang John ang nagsasabi: “Nang kami ng aking mapangangasawa ay unang nagligawan, ang aming paggawi ay malinis at pinanatili sa mataas na pamantayan. Subalit minsan ay nagsimula kaming maghalikan at maghipuan—halos humantong na sa pakikiapid. Noon ko ipinasiya na ipakipag-usap ito sa isa sa matatanda sa aming kongregasyon.” Oo, kapag pinahintulutan ng lalaki’t babae na magpakalabis nang gayon, pareho silang nangangailangan ng tulong! Huwag mong dayain ang iyong sarili na isiping malulutas mong mag-isa ang problema. “Ako’y nanalangin, ‘Tulungan mo pong huwag naming magawa muli iyon,’ ” ang pag-amin ng isang kabataan. “Kung minsan ito’y nagtatagumpay, subalit ilang beses na ito’y nabibigo.” Sa gayon ang Bibliya ay nagbibigay ng mabuting payo nang ito’y nagsasabi: “Tawagin niya ang mga nakatatandang lalaki ng kongregasyon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Kristiyanong mga tagapangasiwang ito ay makapagbibigay ng anumang payo, pangaral, o pagtutuwid na kailangan upang ang kaugnayan ng bawat isa—at, lalong mahalaga, sa Diyos—ay mapasa tamang landas.

Kaya naman, higit na makabubuti na magkaroon ng tamang mga pag-iingat, magtatag ng mga hangganan nang patiuna, at maging determinado na manatiling malinis sa paningin ng Diyos. Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang kapahamakan.
 
what if i do immoral acts, am i going to spend an eternal afterlife being tortured by a loving creator?
 
I wonder pag outside the bible wat else makes premarital s3x immoral??

If its non consensual i guess thats one thing… hmm wat else??
 
if you did not believe in it, then does it matter?
kaya nga pipili-in ko na lang na di maniwala kasi parang mas real pa ang parusa ng mankind, prisoners of mankind are theist-dominated, mas napaparusahan pa sila sa batas ng tao kaysa batas ng diyos nila hehe
 
Last edited:

hahaha oh diba, kumbaga kung alin lang mas prefer mo 😆
 
so ang tunay na nagre-regulate ng immorality is ang batas ng tao instead of batas ng mga gods (which is optional lang pala sila)
it's a yes kung para sa'yo lang naman.. tutal, if someone insisted to you that the Bibles morality was right and the mankind's morality eh hindi tama ayon sa Bible, sasabihin mo lang din naman, "just leave it that way", so, kung para sayo, yan ang tamang paniwalaan kasi that kind of thinking is acceptable naman for many, well, just leave it that way na lang din para di sya magconflict sa principles mo po 😉
 
kasi boss you theists have double guidance (batas ng tao at devine law) pero bakit di makita ang claim ninyo sa reality, nangunguna pa din ang mga theists sa pag violate ng laws
 
kasi boss you theists have double guidance (batas ng tao at devine law) pero bakit di makita ang claim ninyo sa reality, nangunguna pa din ang mga theists sa pag violate ng laws
Where's the data that says most theists ang nagvi-violate ng laws?

Sa tingin mo ba, hindi ka din nagvi-violate ng law (or, you didn't discriminating the theists) sa pagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ang nangunguna sa pagviolate ng laws? (Article 3, Section 5, Philippine Constitution, check mo na lang din kung talaga ngang nasusunod mo yan)

bakit di makita ang claim ninyo sa reality
And what do you mean na hindi makita ang claim ng mga naniniwala sa Diyos sa reality?
 
Last edited:
Sa tingin mo ba, hindi ka din nagvi-violate ng law (or, you didn't discriminating the theists) sa pagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ang nangunguna sa pagviolate ng laws? (Article 3, Section 5, Philippine Constitution, check mo na lang din kung talaga ngang nasusunod mo yan)
expected naman talaga kaming mga non-theist sa kulungan bagsak namin kasi wala kaming pagkukunan ng morality (we become immorals by not knowing morality) but for theists like you it is very unlikely because you were taught about morality all along

And what do you mean na hindi makita ang claim ng mga naniniwala sa Diyos sa reality?
yun nga in reality kung silipin natin ang kulungan, karamihan sa mga taong napupunta sa kulungan ay theist which suggests that #1 kayo sa paglabag sa batas, and if further refined mas kayo ang naging immoral hehe
 
Last edited:
expected naman talaga kaming mga non-theist sa kulungan bagsak namin kasi wala kaming pagkukunan ng morality (we become immorals by not knowing morality)
So morality, for you, is just dependent in believing in God pala.. At hindi mo pala talaga alam kung ano ang tama at mali kasi wala kayong morality sabi mo, diba? Walang tama at walang mali sa inyo..

Screenshot_20220804_160324.jpg

At kung ibabatay sa pakahulugan, wala kang prinsipyo sa buhay kung totoo man yang sinasabi mong
wala kaming pagkukunan ng morality (we become immorals by not knowing morality)

It means, you didn't know the difference between what is the right and wrong (or, good and bad behavior)

Mali bang makulong ang isang theist dahil sa may nagawa siyang labag sa batas ng tao kung wala ka namang morality na pagbabasehan mo ng kung ano ang tama at mali?

Anong basehan mo para sabihing tama o mali sila? Hinusgahan mo yung mga taong nakulong batay sa isang bagay na wala ka - morality 🤭

Or, hinatulan mo sila batay sa paniniwala nila, kasi, ikaw eh play safe, kasi wala ka namang morality at wala kang alam sa tama at mali.. Hmmm aminado bang walang alam? Hahaha

Just leave it that way na lang.. Wala ka namang data kasing ipinakita na most of theist, sila ang nakukulong..
 
Attachments

So morality, for you, is just dependent in believing in God pala.. At hindi mo pala talaga alam kung ano ang tama at mali kasi wala kayong morality sabi mo, diba? Walang tama at walang mali sa inyo..

View attachment 2065320

At kung ibabatay sa pakahulugan, wala kang prinsipyo sa buhay kung totoo man yang sinasabi mong

It means, you didn't know the difference between what is the right and wrong (or, good and bad behavior)

Mali bang makulong ang isang theist dahil sa may nagawa siyang labag sa batas ng tao kung wala ka namang morality na pagbabasehan mo ng kung ano ang tama at mali?
yeah wala talagang tama o mali kasi di ko alam but i have an option to tamper (fill in the blanks) kaya ako magsi-set kung anu ang tama hehe

Anong basehan mo para sabihing tama o mali sila? Hinusgahan mo yung mga taong nakulong batay sa isang bagay na wala ka - morality 🤭

Or, hinatulan mo sila batay sa paniniwala nila, kasi, ikaw eh play safe, kasi wala ka namang morality at wala kang alam sa tama at mali.. Hmmm aminado bang walang alam? Hahaha
di ako ang humatol boss, ang korte naghatol sa kanila na makulong, tagapag relay lang ako ng bad news hehe

Just leave it that way na lang.. Wala ka namang data kasing ipinakita na most of theist, sila ang nakukulong..
Untitled.jpg
 
Attachments

Where's the data that says most theists ang nagvi-violate ng laws?

Sa tingin mo ba, hindi ka din nagvi-violate ng law (or, you didn't discriminating the theists) sa pagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ang nangunguna sa pagviolate ng laws? (Article 3, Section 5, Philippine Constitution, check mo na lang din kung talaga ngang nasusunod mo yan)

And what do you mean na hindi makita ang claim ng mga naniniwala sa Diyos sa reality?
Can u specify how he violated Art3 Sec5??

I just wanna know ung explanation mo before i ask ung kasunod na tanong ko…
 
ako magsi-set kung anu ang tama hehe
Toinks.. So sa school may ganyan ka sigurong katuwiran na ikaw ang magseset ng tama, at hindi ang teacher mo, kasi, morality mo naman yun, hindi sa kanila.. Whew.. Nice reasoning ah..
di ako ang humatol boss, ang korte naghatol sa kanila na makulong, tagapag relay lang ako ng bad news hehe
Hahaha nice one

So, naniniwala ka na dahil they claimed/called themselves as theists eh matik na dapat alam na nila yung tama at mali (or, they had this morality and practiced it) at na hindi sila dapat makagawa ng kasalanan, na ayon sa batas ng tao, nararapat sa pagkakulong?

Bakit, sa tingin mo ba, perpekto ang sistema ng paghatol ng mga tao/gobyerno para sabihin/husgahan mo silang imoral kahit naniniwala sila sa Diyos?

At gaano ka kasigurado na itong mga theist na to eh talaga ngang naniniwala sa Diyos at namumuhay ayon sa morality na itinuro sa kanila? Gaano sila kadami ayon sa data mo? Dapat alam mo din kung sino kasi dun yung totoong namumuhay ayon sa morality na itinakda sa religion nila.. Hindi lang batay sa religion nila kasi it's just a "name of a religion" na kinabibilangan nila..

Isa pa, yan ay data lang at we can't be sure, and we didn't really know kung yung mga nakulong na yan eh yan talaga ang religion nila or paniniwala, at kung talagang sumusunod sila sa mga itinuro sa kanila..

At lahat ba (or this theists people) na ikinukulong at hinuhuli nila ay talagang gumawa ng krimen? Gaano ka kasigurado na 'tama' nga ang hatol sa kanila kung hindi naman magkapareho ng morality yung sayo at sa korte na humatol sa kanila?
 
Toinks.. So sa school may ganyan ka sigurong katuwiran na ikaw ang magseset ng tama, at hindi ang teacher mo, kasi, morality mo naman yun, hindi sa kanila.. Whew.. Nice reasoning ah..
lol i'm not non-theist since birth so sa school behave pa ako nun kasi takot ako sa diyos ko noon e hehe

Hahaha nice one

So, naniniwala ka na dahil they claimed/called themselves as theists eh matik na dapat alam na nila yung tama at mali (or, they had this morality and practiced it) at na hindi sila dapat makagawa ng kasalanan, na ayon sa batas ng tao, nararapat sa pagkakulong?

Bakit, sa tingin mo ba, perpekto ang sistema ng paghatol ng mga tao/gobyerno para sabihin/husgahan mo silang imoral kahit naniniwala sila sa Diyos?

At gaano ka kasigurado na itong mga theist na to eh talaga ngang naniniwala sa Diyos at namumuhay ayon sa morality na itinuro sa kanila? Gaano sila kadami ayon sa data mo? Dapat alam mo din kung sino kasi dun yung totoong namumuhay ayon sa morality na itinakda sa religion nila.. Hindi lang batay sa religion nila kasi it's just a "name of a religion" na kinabibilangan nila..

Isa pa, yan ay data lang at we can't be sure, and we didn't really know kung yung mga nakulong na yan eh yan talaga ang religion nila or paniniwala, at kung talagang sumusunod sila sa mga itinuro sa kanila..

At lahat ba (or this theists people) na ikinukulong at hinuhuli nila ay talagang gumawa ng krimen? Gaano ka kasigurado na 'tama' nga ang hatol sa kanila kung hindi naman magkapareho ng morality yung sayo at sa korte na humatol sa kanila?
not neglecting error of courts, ang gusto ko lang makita is at least meron tayo makita sa reality na mas mabubuting tao talaga ang tulad niyong mga theist, iba kasi ang meron at least background sa morality kompara sa amin na walang alam, baka meron ka diyan ibang statistics na mapakita kasi bagsak ang prison stats niyo e hehe
 
ang gusto ko lang makita is at least meron tayo makita sa reality na mas mabubuting tao talaga ang tulad niyong mga theist, iba kasi ang meron at least background sa morality kompara sa amin na walang alam, baka meron ka diyan ibang statistics na mapakita kasi bagsak ang prison stats niyo e hehe
Ako nga nanghihingi ng data na lahat ng nagsabing theist na yan eh talagang sumusunod sa morality na tinuro sa kanila eh hehe.. Kaso wala ka namang mapakita.. Yan lang naman din gusto kong makita sa data mo..

Pero kung wala kang mapakita, your data is just a data.. Not a valid point para sabihing theists people are those always commiting a crime.. 😉😎

Di mo naman sinagot mga tanong ko, ginawa mo na lang general answers 🙄
 
oo nga noh invalid pala iyon, how bout you show us your version of data hehe
 
Similar threads

Back
Top