Paano maalis ang galit??
Matuto tayong magpatawad sa mga nagkakasala sa atin,,,tapos idalangin natin sa Dios na linisin nya ang ating puso,,,hilingin natin sa Dios na magbangon sya ng isang espiritu sa ating kalooban na huwag tumahan sa ating mga puso ang kasalanan,,,
Mag isip tayo kapated,,diba ang Dios nagpapatawad sa ating mga kasalanan e tanong? Nagkakasala ba ang Dios sa atin? Diba hindi naman,,kung hindi nagkakasala ang Dios sa atin at tayoy pinapatawad nya sa ating mga kasalanan e tayo paba ang hindi magpapatawad sa mga nagkakasala sa atin dapat magpatawad tayo gaya ni Kristo sa Iglesia
Efeso 4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
31 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.