4 years na kami ng partner ko, since first college yung relationship namin 'till now. Everything's fine naman, yung tipong both kami excited kapag nagkakausap, 'till last week para bang may biglaang pagka-cold siya. Btw, ldr po kami, ever since di ko narasan yung coldness niya ngayon. Yung tipong ang taas ng message mo, ta's maghihintay ka ng 5-10 mins for her reply. Ang masaklap pa, yung reply niya ay naglalaro lamang sa "okay", "ahhh", "cge", like damn!. Sinubukan ko na siyang komprontahin mga paps kaso pilit niyang sinasabi okay lang daw, wala naman problema. Minsan napapa-overthink nalang ako eh. Panay sorry ako, kaso wala pa rin. Normal lang ba 'to mga paps? Araw-araw kasi, lalong bumibigat eh.