What's new

Pa-help mga paps

Mahalina

Honorary Poster
Established
Joined
Jul 24, 2016
Posts
430
Reaction
91
Points
193
4 years na kami ng partner ko, since first college yung relationship namin 'till now. Everything's fine naman, yung tipong both kami excited kapag nagkakausap, 'till last week para bang may biglaang pagka-cold siya. Btw, ldr po kami, ever since di ko narasan yung coldness niya ngayon. Yung tipong ang taas ng message mo, ta's maghihintay ka ng 5-10 mins for her reply. Ang masaklap pa, yung reply niya ay naglalaro lamang sa "okay", "ahhh", "cge", like damn!. Sinubukan ko na siyang komprontahin mga paps kaso pilit niyang sinasabi okay lang daw, wala naman problema. Minsan napapa-overthink nalang ako eh. Panay sorry ako, kaso wala pa rin. Normal lang ba 'to mga paps? Araw-araw kasi, lalong bumibigat eh.
 
Pag ganyan may prob nga yan kaya kausapin mo lang ng kausapin hanggang sa magkwento nalang sya. Pero wag mong pilitin
 
Kapag ganyan po madalas may problema. Mahirap nga lang iaddress. Antay ka lang po kapag ready na syang magsalita. Pero wag naman ung sobrang luwag. Iparamdam mo pa din na lagi kang nandyan para sa kanya.
 
ganyan talaga pag LDR, try mo makipagusap sa kanya ng mahinahon at wag mo syang papakitaan ng pagkainis or pagtaas ng boses. i-set aside mo yung mga negatibong bagay na nasa isip mo at saka mo sya kausapin. normal yan sa LDR yung iniisip mo na baka may something sa partner mo kaya sya nagkakaganyan. pero bago ka magisip ng ganyan sa kanya isipin mo rin muna kung ano ba tumatakbo sa isip nya. baka naman ikaw yung unang naging cold sa kanya at di mo lang napansin dahil may sarili ka ring rason like pagod ka, stressed or may ibang bagay na iniisip. minsan yung biglaang coldness ng partner natin di natin alam tayo rin pala may dahilan. kaya maganda jan kausapin mo ng mahinahon, at wag na wag mo papakitaan ng di magandang paguugali at wag na wag mo rin basta bastang paparatangan. kahit kanino mapa babae o mapa lalake masakit na mapagbintangan ng taong mahal nila kahit wala namang ginagawang masama. sa totoo lang yung mga ganyang scenario ng pagbibintang pa yung naguudyok sa kanila na gumawa ng di maganda. kaya kalma always TS. daanin mo sa maayos na pakikipagusap.
 
Pag ang babae ganyan ang reply parang something is fishy lalo na at LDR pa kayo. Yung tipong nawawalan na sya ng gana makipag chat kasi hindi normal yung ganyang reply lalo na mag jowa kayo
 
Maging honest ka sa kanya ganto sabihin mo sa kanya "Pwede ba tayong mag-usap, kasi sa tingin ko parang may problema and wala akong idea kung ano yun. Kung may problema ka nandito lang ako. Gusto ko lang maging open tayo sa isa't isa para maayos natin to agad." Sabihin mo to with sincerity. Kung di parin yan effective try mo wag syang pansinin sa loob ng tatlong araw, risky to pero isa to sa paraan para sya na mismo mag reach out sayo.
 
Maging honest ka nalang papi sa nararamdaman mo, LDR kasi kayo kaya dapat kung may hinaing ka sabihin mo nalang agad at dont expect na malalaman nya yan sa mga pahapyaw. Be straight forward nalang sa emotions mo at depende na sa kanya yun kung paano nya yon ittake. At least you're doing your part, let her do hers
 
Gaano ba kayo kalayo sa isa't-isa? Kung makakagawa ka ng way para magkita kayo, do it! Minsan, hindi sapat yung support thru messages lang to show how much ka nagkicare sa kanya. Kung bigla-bigla syang nagkaganyan, for sure merong mali.

Wag ka rin panay sorry sa chat. Nasabi mo na once and that is enough. May mga babaeng naiirita lalo sa ganyan na paulit-ulit. Do something na lang to make it right.
 
siguro may iba na siyang nakakausap na nagbbigay sa kanya ng panibagong excitement , pero ito lang masasabi ko pre dumadaan talaga sa ganyang stage ang relasyon kami ng partner ko 7yrs na at masasabi ko na meron din kaming part na ganyan nagkakawalaan ng interes pero never kami sumuko sa isat isa. kaya pre kung kaya pa ilaban, go mo lang kasi hindi naman kayo aabot ng 4yrs para sa wala lang eh
 
Pinaka maganda course ng action, sabihin mo sakanya yang nararamdaman mo. Makipagusap ng maayos and minimize mo yung emotions mo kung kaya. Mag set ka na ng threshold kung kailan mo kailangan bumitaw. Pag walang response or dismissive mag respond, start stepping back.

Alam ko maraming payo dito ang hyper-optimistic. Pag optimistic ka msyado, you are setting yourself up for disappointment. Expect na possible kang masaktan, expect na possible mawala sya sayo. Sa relationship kasi, mahalaga ang peace of mind. Kung hindi nya kaya ibigay sayo iyon (baka akala nya, it is normal to torment your partner), pwede na yan grounds maghanap ng iba.
 

Similar threads

Back
Top