What's new

Help Pa advice po isa po akong part time student na may ipon na 70k ( Luho O Negosyo )

Cramzuu

Addict

Patulong po ano ba dapat gawin ko sa ipon ko na 70k Di ko na kasi alam gagawin ko gusto ko umangat kami sa buhay sa subrang hirap ng buhay ako nalang inaasahan ng pamilya ko ano ba dapat unahin ko ko Luho o Negosyo wala kasi ako alam anu magandang negosyo sa 70k na hindi malulugi kasi ipon ko yun para sa para sa future ko . sana may maka advice sakin dito at pag palain sana tayo ng panginoon amen.

 
Mag dividend investing ka paps Pwede or
Pwede naman mag start ka ng small business like sari sari store or reloading business and cash in cash out gcash/coinsph

Pwede mo.naman pag sabay sabayin yan ang dividend investing po paps mag iinvest ka sa stocks tapos magkakaroon ka ng monthly income/interest dun sa ininvest mo mag research ka paps kung safer low risk ang gusto mo wag na wag ka papasok sa crypto world dahil sa crypto world high risk high return

Goodluck😉
 
negosyo pinaka maganda,,search ka sa YT ng akmang business,,sana pagpalain ka ng Dios sa mga desisyon mo,at palagi isipin ang pamilya mo..God Bless!
 
bale ganito, isipin mong wala kang perang inipon, tas hindi ka pwede magwork or any part time job, then pano mag magkakapera? dyan na lalabas ung creativeness mo, bandang huli mapapatanong ka "need ko mag invest dito, pero wala akong pera" then dun na papasok ung ipon mo. Yan yung tinatawag na opportunity funds, find ka ng opportunity, lumalabas yan kapag low HP ka na.
 
wow. working student ka pa nyan? with 70k savings? nice! be financial literate muna bago ka mag business. madami kaseng may mga pera at invest agad sa negosyo. hindi pa naka ROI lugi na agad. nag sasara ng maaga. dahil hindi alam kung pano paikutin ang pera. daming mga guides and references sa internet about financial/business literacy.
 
Start small lods, tingnan mo na muna kung ano ma ooffer mo. If feel mo malaki ang market sa pasa load pwede ka mag gcash, pwede ka din mag offer na bills payment na may patong. Low risk, low reward lang
 
Invest in yourself po muna. Learn po about financial education. Paano i-manage ng tama at mag build ng solid financial foundation. We have free classes via zoom po. PM if you want to attend po.
 

Similar threads

Back
Top