Ano ang inyong opinyon tungkol sa death penalty sa Pilipinas? Sang-ayon ba kayo rito o hindi? Bakit? Ito ang isa sa pinakamaiinit na usapin ngayon sa ating bansa.
Ayon kay Pope Francis hindi katanggap-tanggap ang parusang bitay. Ngunit giit ni Senator Manny Pacquiao, nasusulat sa bibliya ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Sabi ni Pacquiao matatagpuan ito sa Romans 13, verses 1-7, mula sa kanyang sariling interpretasyon. Misleading ito para sa isang CBCP, executive secretary na si Rodolfo Diamante. Inaasahan ni Manny na maaaprubahan sa senado ang death penalty bill bago magtapos ang taon.
Wala akong problema sa sariling interpretasyon ni Manny sa Bibliya. Kanya-kanya naman tayo. Pero di pa rin ako sang-ayon sa death penalty. Para sa akin kasi ang habang-buhay na pagkakabilanggo ay maituturing na ring kamatayan. Lahat ng tao ay may karapatan pang mag-repent sa mga kasalanang nagawa o habang-buhay itong pagsisihan. Inaalala ko kasi kung pano na lang yung mga taong naakusahan sa krimen na di naman nila ginawa at nakalaban nila yung mga taong may kapangyarihan o mapera. Mahahatulan sila ng kamatayan para sa kasalanang di naman nila ginawa? Ganon-ganon na lang ‘yon?
Let me know your opinion!