What's new

Closed Opinyon tungkol sa death penalty.

Status
Not open for further replies.

Owow

Honorary Poster
Joined
Jul 8, 2018
Posts
331
Reaction
113
Points
168
Ano ang inyong opinyon tungkol sa death penalty sa Pilipinas? Sang-ayon ba kayo rito o hindi? Bakit? Ito ang isa sa pinakamaiinit na usapin ngayon sa ating bansa.

Ayon kay Pope Francis hindi katanggap-tanggap ang parusang bitay. Ngunit giit ni Senator Manny Pacquiao, nasusulat sa bibliya ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Sabi ni Pacquiao matatagpuan ito sa Romans 13, verses 1-7, mula sa kanyang sariling interpretasyon. Misleading ito para sa isang CBCP, executive secretary na si Rodolfo Diamante. Inaasahan ni Manny na maaaprubahan sa senado ang death penalty bill bago magtapos ang taon.

Wala akong problema sa sariling interpretasyon ni Manny sa Bibliya. Kanya-kanya naman tayo. Pero di pa rin ako sang-ayon sa death penalty. Para sa akin kasi ang habang-buhay na pagkakabilanggo ay maituturing na ring kamatayan. Lahat ng tao ay may karapatan pang mag-repent sa mga kasalanang nagawa o habang-buhay itong pagsisihan. Inaalala ko kasi kung pano na lang yung mga taong naakusahan sa krimen na di naman nila ginawa at nakalaban nila yung mga taong may kapangyarihan o mapera. Mahahatulan sila ng kamatayan para sa kasalanang di naman nila ginawa? Ganon-ganon na lang ‘yon?

Let me know your opinion!
 
Oo payag ako Pero para sa mga taong sobra ung ginawa na krimen *karumal dumal .para matakot din ang tao gumawa ng ganun krimen sa kapwa. *Agree ako
 
ipatupad na dpat yan ng matakot nmn ang mga kriminal maraming kawawang biktima wlang kalaban laban, pnapatay, nirerape, ndi uunlad ang pilipinas kung puro pa bait baitan sa madla, kailangan natin ng kamay na bakal para ndi na pamarisan pa ng iba
 
Maganda ang punto ninyo. Kagaya ng aking inaasahan. Sa totoo niyan ganiyan din yung iniisip ko noong una. Posibleng bumaba ang crime rate sa bansa kapag napatupad ito. Dahil matatakot ng gumawa ng krimen ang mga tao. Pero hindi pa rin maipagkakailang may disadvantage ito.
 
Oo pabor ako sa DP ang nakakatakot eh mali ang mapagbintangan sa kasalanang d naman sya ang gumawa
Pero base na din sa nangyayari ngaun sa ating lipunan halos totoo na ang DP kaliwat kanan ang patay nanlaban daw.
 
Ayun nga di naman siguro lahat ng mga nakagawa ng krimen eh ibibitay na.
"parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen" bitay para sa mga gumagawa nito
 
agree naman ako sayo ts .
pero papabor ako sa DP kung napatunayan na yung krimen na ginawa ay d makatao at yung paglilitis ay pantay kahit sino o kahit ano ka pa ng bansa... tapos kung ano yung ginawa ? ganun din gagawin sakanya hanggang sa mamatay
 
Agree din ako sa death penalty na gustong ipatupad ng pamahalaan kung bible ang pag-uusapan, (1 Pedro 2:13-14)

13 Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alang-alang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; 14 O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.
 
Ayun nga di naman siguro lahat ng mga nakagawa ng krimen eh ibibitay na.
"parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen" bitay para sa mga gumagawa nito
Nagets ko naman na para ito sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen. Pero pano nga kung naakusahan ka lang na gumawa ka ng nasabing “karumal-dumal na krimen”? at masyadong mapera ang nakalaban mo sa kasong ito. Ipalagay nating mahirap ka lang. Anong laban mo?
 
agree naman ako sayo ts .
pero papabor ako sa DP kung napatunayan na yung krimen na ginawa ay d makatao at yung paglilitis ay pantay kahit sino o kahit ano ka pa ng bansa... tapos kung ano yung ginawa ? ganun din gagawin sakanya hanggang sa mamatay
Ikinalulungkot kong sabihin na bulok ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Masyado itong mabagal. Malabo ang pantay na paglilitis na sinasabi mo. Hindi pantay ang hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. At isa pa, mga bayaran ang mga judge dito sa atin.
 
Wag na death penalty: putol putol na lang labanan. Halimbawa- nakaw holdaper drugs kidnapper putulan n lng ng kamay o mga daliri tapos pag rapist putol ari. Pag mga karumal dumal putol paa at kamay.. Tingnan natin kung walang matakot na kriminal dito pinas.
 
Agree din ako sa death penalty na gustong ipatupad ng pamahalaan kung bible ang pag-uusapan, (1 Pedro 2:13-14)

13 Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alang-alang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; 14 O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.
Ayos. Haha but I hope we don't base everything on the Bible. Sa aking sariling interpretasyon ang verse na binigay mo ay (1 Pedro 2:13-17) applicable sa mga Christian. Wala itong kinalaman sa ating topiko na pagpatay o paghatol ng kamatayan.

Nangangahulugan itong dapat na sumunod ang mga Kristiyano sa batas na meron ang bansa o gobyerno na kinasasakupan niya. Ayaw na Pedro na magkaron ng masamang pangalan ang pagiging Kristiyano. Dahil ang mga christian ay puno ng spiritual pride, inaakala nilang ang relasyon nila sa Panginoon ay lisensya para iignore ang batas ng tao o gobyerno, which is hindi tama.
 
Ang point ko dyan is kung ano yung maging desisyon ng gobyerno yun ang karapat-dapat na ipatupad at kahit pa tayo tumutol ay batas at nakataas pa rin ang iiral.
 
Wag na death penalty: putol putol na lang labanan. Halimbawa- nakaw holdaper drugs kidnapper putulan n lng ng kamay o mga daliri tapos pag rapist putol ari. Pag mga karumal dumal putol paa at kamay.. Tingnan natin kung walang matakot na kriminal dito pinas.
Hahaha ang kulit, magkapareho tayo ng iniisiip.
 
gulo ng konstitusyon natin e...
alam ko legal pa rin yung death penalty kung ibabase sa constitution...
para sa mga heinous crimes...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top