What's new

Help Online Class Tools

Status
Not open for further replies.

NOLIFE_

Forum Expert
Joined
Aug 14, 2016
Posts
8,437
Solutions
16
Reaction
7,082
Points
2,650
Tanong ko lang dito, ano po kayang mga magandang apps gamitin na makakatulong sa mga online class na estudyante ? windows at android po Salamat para naman mapadali na buhay ko:cry:

cover1.jpg


\\Grabe hirap pala ng online class na to, mag sisimula na yung klase andami mo parin kaylangan asikasuhin, pag hindi rin nakapag online ng ilang araw mababaliw ka hehehehe wala rin makausap na matino sa mga magiging kaklase hayys
 

Attachments

Last edited:
Ito yung apps na ginagamit ko.


1. Microsoft Office 365

Para sa docus kesa gumamit pa ako ng WPS Office, e, ito na lang. Kasi sa WPS, medyo hassle kasi nag-iiba yung format minsan.


2. Thesaurus/Dictionary App

For writing and checking purposes. Para kapag nagsusulat ka, magmukhang decent or professional yung kalabasan ng papel mo. Yung thesaurus para sa pagpapaganda ng simple terms.


3. Word Counter (Spians Labs)

Para kapag pinagpasa na may min/max word limit, madali mong ma-track kung ilan na character count, word count, sentence count at paragraph count mo habang nagsusulat ka kasi nakikita mo. Modded lang gamit ko dito.


4. NOTEBOOK (Zoho)

Para sa digital notes. Tamad kasi akong magsulat kahit no'ng bago pa maging online ang mode ng klase. Haha. Ang maganda kasi dito pwede mo rin ma-access yung notes mo sa laptop or sa tablet/phone mo since pwedeng i-save kumbaga sa cloud (yata yung term) kung gagawa ka ng account dito. Free lang naman gumawa ng account. Pero pwede rin namang hindi gumawa ng account kung ayaw mo at di mo naman i-aaccess yung notes sa iba't-ibang device. Gusto ko yung app kasi hindi magulo dahil pwede kang gumawa ng notes sa separate notebooks.

5. Adobe Acrobat Reader

Para sa PDFs. Pwede rin namang ma-view yung PDFs sa Office 365 or sa WPS Office pero kasi napansin ko lang na hindi smooth kapag naglilipat ng page. Parang mabigat. Ewan ko lang kung sa akin lang ba na issue yun. Pero ayun nga ganun sa 'kin kaya nag-dl ako nito. Smooth naman. Ikaw na bahala kung yung modded gusto mo o yung mismong nasa Play Store. Ako kasi ang kailangan ko lang naman ay i-view yung PDF files. Hindi ko naman kailangan yung ibang features sa ngayon kaya yung nasa Play Store lang ang ginagamit ko.

6. PHOTOMATH/MATHWAY

Yung Mathway na-try ko lang once. Oks naman 'to tingin ko. Para sa Math problems/equations. Pinapakita rin kasi yung solutions. Explore and try mo na lang din. Baka may modded apps din naman 'to.

7. Fraction Calculator + Math (MathLabs)

Gamit na gamit ko 'to lalo na way back HS. Hahaha. Hindi lang 'to pang-fraction. Bastam Mas oks kasi pinapakita yung solution habang tina-type mo yung equation. Free naman 'to sa Play Store.

8. Telegram

Panghanap ng the one. Hahaha. De, biro lang. Oks ang Telegram pagdating sa file-sharing unlike Messenger. Kahit apks madaling ipasa dito. Kaya kung ma-coconvince mo mga kaklase o kakilala mo na mag-dl nito, maganda.
 
Magtry ka rin gumamit ng extensions for chrome (or kung anong browser mo), useful na extensions for me ay:

1. Dualless
2. Mercury Reader
3. Adguard
4. MyBib
5. Powerthesaurus
6. Dictionary Lookup
7. Google Dictionary
8. Quillbot

Mostly naman ay obvious na by name like yung dictionaries, explore mo na lang how and what works best for you. Time saver kasi mga extensions na yan hehe :)
 
Yes papsy hehe, search/nood ka lang din sa google or yt sa iba pang useful extensions, may iba kasi na mukhang useful talaga pero hindi ko need (preference lang naman). Good luck sa ol classes! Kaya mo yan, kakayanin!! 🤞
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top