What's new

Old soul ka din ba ?

PHC-Sky

Eternal Poster
Joined
Dec 26, 2018
Posts
1,669
Reaction
594
Points
500
11 SIGNS, IKAW BA AY "ISANG OLD SOUL"
Sinasabi daw na ang mga malulungkot na tao ay madalas naman na hindi naman talaga sila masama sa lipunan, nararamdaman nila na mas magulang pa sila kaya hindi sila nabubuhay na kung ano lang ang digta ng lipunan. Sila yung mga tao kung ituring ay hindi dikahon kung mag-isip, sila rin yung tao na ituring ay "Old Soul" na pinipili mabuhay mag-isa at piling-pili ang mga kaibigan na kahalubilo. Ang mga tinatawag naman na mga Younger Soul ay kilala na maging malapit sa kanila dahil ang nararamdaman ng mga Younger Soul ang lalim na karanasan ng Old Soul, na kailangan ni lang matutuhan. Kaya ano ba ang mga palatandaan na ikaw ay isang Old Soul, isa-isahin natin ito...
11 SIGNS AN OLD SOUL...
Ang una...
1.MAS GUSTO MONG MAPAG-ISA PALAGI - Dahil ang Old Soul ay higit na may kaalaman at malalim ang pananaw, hindi ka basta nakikihalubilo sa mga ka-edad nila dahil ang pakiramdam ay hindi ka bagay sa kanila. Mas naghahanap ka ng matatandang tao na nakakasalamuha. Kapag wala kang napupulot na kaalaman sa mga kausap, pinipili na lang na mag-isa para matuto habang nag-iisip ng makabuluhang bagay.
Pangalawa...
2.IBIG MO ANG KARUNUNGAN KAALAMAN AT KATOTOHANAN - Ang karanasan ay nagagamit upang higit na lumago ka sa pag-aaral. Nasisiyahan ka ng lubos kapag nauunawaan mo ang katotohanan. Hindi ka kuntento na maging ignorante kaya patuloy ang paghahanap ng bagong pilosipiya, ng bagong ideya at pakikipagsapalaran. Ang Old Soul ay hindi mahilig mag-abang ng eskandalo sa balita o ng mga serye ng drama.
Pangatlo...
3.KUMIKILING KA SA ISPIRITWAL NA BAGAY - Ang mga Old Soul ay merong malalim at natural na ugnayan sa mga bagay sa kanilang kapaligiran. Hindi ka man relihiyoso, mapagmahal ka naman sa kalikasan at magalang sa kapaligiran. Ang kaalaman ay nagtuturo sa sarili na dapat pangalagaan ang planetang tahanan, ang sariling katawan, ang pag-iisip at ang kaluluwa. Minamarapat din na umunlad hindi lang ang sarili kundi rin ang mga tao sa paligid.
Pangapat...
4.NAKAKAUNAWA KA SA UGNAYAN NG BUHAY - Ang mga Old Soul ay sumusuko paminsan-minsan dahil dinadala mo kahit na ang problema ng mundo at ng mga taong nasa paligid mo. Hindi kataka-taka kung ang isip mo ay patuloy na naglalaro at naghahanap ng solusyon sa mga problema ng normal na mundo iyong ginagalawan. Pinipilit nitong hanapin ang koneksyon sa bawat isa at patuloy na nagnanais tumulong sa kapwa.
Panglima...
5.PINASASALAMATAN AT DINADAKILA - Dahil nauunawaan mo ang mga bagay sa kapaligiran, palagi mong pinasasalamatan at kinaluluguran ang mga taong nagbibigay ng labis na pansin at pagtanggap sa iyo. Dinadakila mo ang mundo sa pagbibigay ng magandang kapaligiran at makulay na buhay. Maging ang paglubog ng araw ay pinasasalamatan dahil ito ang nagsisilbing pag-asa na may bukas pang darating sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mabait ka sa kapwa dahil nauunawaang hindi lahat ay nagiging mabuti, kaya ikaw ang nagpapakabuti.
Pang-anim...
6.NAKIKITA MO ANG MAS MAALIWALAS NA BAGAY-BAGAY - Malawak ang pananaw mo at nakikita ang malayong hinaharap dahil sa pinaghahandaan at pinagsisikapan mo ang magandang kinabukasan. Madalas kang makakita ng opurtunidad na hindi nakikita ng karaniwang tao kaya may tagumpay na naghihintay sa iyo. Hindi ka mailulugmok ng kabiguan ng basta-basta lang dahil nalalaman mo ang kabiguan ay magtuturo ng bagong direksyon.
Pangpito...
7.HINDI KA MATERYOSO - Ang karangyaan, kasikatan, posisyon, at estado sa buhay ay hindi pangunahin sa iyong ninanais. Wala kang pakialam kung luma man ang cellphone at wala sa moda ang suot mong damit. Mas pinipili mo ang matibay kahit na paulit-ulit kaysa sa marami na madali namang masira, kung ang pinag-uusapan ay mga gamit. Hindi ka rin mahilig makipagkumpitensyon sa kapwa. Mas gusto mo ang maayos na samahan sa trabaho kaysa magpasikat na ikaw lang ang mahusay sa trabaho.
Pangwalo...
8.ISTRANGHERO ANG TINGIN SA IYO - Isa kang istranghero sa tingin ng mga tao sa lipunan lalo na ang mga bata, nahihirapan kang makihalubilo sa kapwa bata kaya nagiging mapag-isa na lang. Black sheep ang tingin sa iyo ng pamilya, may pagkakataong nagiging rebelde ka, ang Old Soul ay nakararanas na mas matanda pa sila mag-isip kaysa sa kanilang mga magulang, kaya nagiging mapagpasensya habang pinag-aaralan kung paano maitutuwid ang kanilang saloobin, hindi rin madalas sumunod sa patakaran ng paaralan ang Old Soul.
Pangsiyam...
9.ANG PAKIRAMDAM MO AY MATANDA KA NA - Sa ikabuturan ng iyong puso dama mo ang katandaan may pagkakataong parang napanood mo na nga ang mangyayari kaya hindi ka na rin natatakot subukan pa ang gustong gawin, madali kang magsawa at mabugnot sa mga kahalubilong isip bata, pinipilit mo lang na maging matiyaga o mapagpasensya upang pakisamahan ang Young Soul. Ginagawa mo ang sarili bilang mga upang turuan ang kilos ng mga na sa paligid upang huwarang din.
At ikasampu...
10.MAY TIWALA SA KUTOB - May tiwala ka sa kutob, kapag magulo na ang mundo sa iyong paligid, palaging pinapanigan ang sariling kutob kapag nagtitiwala ka naman sa sariling pakiramdam mo madalas may mabuting binubunga. Kapag may roong pagpapasya para sa sarili o para sa iba ay makakatulong man upang makagaan sa sitwasyon.
At ang panghuli ay...
11.MAHUSAY KANG MAKINIG SA SINASABI NG IBA - Kapag may mga Young Soul na nakapaligid na sa iyo at wala kang magawa para umiwas, itinatanggap mo ang sarili na tanggapin ang sasabihin at gagawin ng mga ito, alam ng Old Soul na ang pakikinig at pagmamasid ay isa pa rin na mabisang pag-aaral at ito ay nakasisiya rin para sa kanya. Hinahangaan ng Old Soul ang ibang tao dahil sa kanyang kakayahang makinig lamang at kalmadong tumanggap mula sa ideya ng kanyang kapwa. Nalulugod naman ang kapwa nya na makausap siya kapag may problema siya.
 
Back
Top