What's new

Help Nmax latest model 2024

D R O P

Eternal Poster
Established
Joined
Feb 4, 2017
Posts
1,720
Reaction
326
Points
504
Good evening mga ster, maganda ba talaga yung nmax mga sir? balak ko kasi mag hulogan. Nag dalawang isip kasi ako baka sirain yung ABS nya, malaki pa magastos kung nag kataon. Sa tingin nyo po ba di basta masisira ABS nya? daily use lang po sana sa work, tas hatid sundo kay misis na rin. Tsaka pauwi may konting ahon tas nasa 200 meters ata rough road pa punta samin. Kaya kaya ni NMAX mga ster? pa suggest naman po. Salamat.
 
hindi naman sirain basta basta yung ABS, ang main issue dyan sa nmax(pati na rin aerox) ay yung error 12(check mo na lang sa YøùTùbé yang error 12 na yan, madami naman may vlog dyan).

tsaka kung yan ang bibilhin mo, mag invest ka rin sa mga proper tools lalo na yung torque wrench, at kung sakaling magpapalinis ka ng CVT in the future, wag kang papayag na babarilin nila ng impatc wrench yung segunyal. issue kasi ng yamaha na malambot yung segunyal kaya kadalasan marami sa kanila nalo-loose thread.
 
not sure kung meron pa silang non-ABS variant sa latest model. im a v1 owner 4yrs bago masira yung ABS ko. kung matagal ka na nagmomotor, i mean kung sanay ka na sa old-style braking techniques, OK din ang non-ABS. ang mahal kasi magpagawa ng ABS pag nasira. currently disabled ang ABS ko dahil sira nga, wala naman ako nagiging problem. mas mahirap din kasi pag nasanay ka na sa ABS sa motor.
 
for me lods.. maganda talaga benefits ng ABS sa totoo lang lalo na kapag mabuhangin yung dadaanan mo.. yung expenses regarding po sa repair ng ABS is nasa sayo din kung paano mo aalagaan yung motor mo lods.. hindi naman ibig sabihin na kapag may ABS madaling masira.. tsagaan mo lang alagaan motmot mo lods.. promise maganda yung performance kapag merong ABS
 
Back
Top