What's new

Nilalang Ba ng Diyos si Satanas?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Ang sagot ay hindi. Nang lalangin ng Diyos ang mga anghel, sila ay perpekto; nilalang Niya sila na may kalayaang magpasiya. Malamang na mahabang panahon pa ang lumipas bago nilalang ng Diyos ang uniberso at ang mga tao kung kaya nang likhain ng Diyos ang mga ito, sinasabi ng Bibliya na 'sama-samang sumigaw ng papuri ang mga anghel sa langit.' (Job 38:7) Ipinapakita lang nito na napakatagal ng panahon na nabubuhay ang mga anghel.

Pero, baka maitanong mo, "Eh, di, sa'n pala galing si Satanas kung hindi siya nilalang ng Diyos?"

Sa maiksing pananalita, ginawa ng isang dating mabuting anghel ang kaniyang sarili bilang Satanas. Paano nangyari iyon? Nang likhain ng Diyos ang mga anghel, binigyan sila ng Diyos ng kalayaang magpasiya. May kalayaan silang pumili kung sasambahin nila ang Diyos o hindi.

Nang likhain ng Diyos ang mga tao at sabihin ang layunin niya para sa kanila, malamang na narinig ng anghel na iyon ang mga sinabi ng Diyos. (Genesis 1:27-30) Malamang na sumagi sa isip ng anghel na iyon na puwedeng siya ang sambahin ng mga tao, sa halip na ang Diyos.

Paano natin nalaman na ang pagsamba sa kaniya talaga ang gusto ng anghel na iyon? Makalipas ang napakahabang panahon, nang tuksuhin niya ang Anak ng Diyos, si Jesus, ganito ang sinabi niya:

"Pagkatapos, sinabi ng Diyablo: 'Ibibigay ko sa iyo ang awtoridad sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian ng mga ito, dahil akin ang lahat ng kahariang ito at ibibigay ko ito kanino ko man gustuhin. Kaya kung sasambahin mo ako nang kahit isang beses, magiging sa iyo ang lahat ng ito." (Lucas 4:6, 7) Oo, makalipas ang ilang siglo, isiniwalat ni Satanas kung ano talaga ang pinakagusto niya, ang siya ang sambahin sa halip na ang Diyos.

Kaya kung babalikan natin ang tuksong napaharap noon sa anghel na iyon, sa halip na daigin ang makasarili at maling pagnanasa na iyon na sambahin siya, siya mismo ang nagpadala sa tukso.

Ganito inilalarawan ng Bibliya kung paano tumutubo ang maling pagnananasa:

"Ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan." (Santiago 1:14, 15)

Kaya ang pagnanasa ng anghel na iyon na siya ang sambahin ay nagsilbing pagsubok sa kaniyang katapatan sa Diyos na lumikha sa kaniya. Pero gaya ng ipinakikita ng teksto, kapag naglihi na ito, o sa ibang salita, ay patuloy na inisip ng isa anupat hindi na maalis sa kaniyang isipan, doon nagsisimulang kumilos ang isa para gumawa ng kasalanan.

Paano napakilos ng maling pagnanasa ang anghel na iyon na gumawa ng kasalanan sa Diyos?

Sa Genesis 3:1-5, nang makipag-usap ang anghel na iyon gamit ang isang ahas, mapapansin natin kung paano sinalungat ng anghel na iyon ang mga pananalita ng Diyos sa Genesis 2:17 kung saan sinabi ng Diyos, "huwag kang kakain ng bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, dahil sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka."

Paano sinalungat ng anghel na iyon ang sinabi ng Diyos? Ganito ang iniulat ng Genesis 3:4, "at sinabi ng ahas sa babae: 'Tiyak na hindi kayo mamamatay.'

Oo, sinalungat mismo ng anghel na iyon ang mga pananalita ng Diyos. Kaya sa pagkakataong iyan, siya ay naging isang Satanas, na nangangahulugang 'Kalaban' o 'Mananalansang', isa na sumasalansang sa pamamahala ng Diyos. At kung minsan ay tinatawag din na 'Diyablo', na nangangahulugang, 'Maninirang-puri', dahil sa kaniyang paninirang-puri sa pangalan ng Diyos.

Oo, ginawa ng dating mabuting anghel na iyon ang kaniyang sarili bilang Satanas na Diyablo. Sinasabi pa nga ng Bibliya na siya mismo ang 'orihinal na ahas.' (Apocalipsis 12:9) Hindi ang Diyos ang gumawa sa kaniya, kundi ang anghel mismo na iyon ang nagpasiya na maging ganoon siya. Hindi kasalanan ng Diyos kung naging ganoon ang kaniyang nilalang. Nagtitiwala ang Diyos sa kaniyang mga nilalang kung kaya binigyan niya sila ng kalayaang magpasiya. Tulad sa isang mapagmahal at mabait na magulang na nagtitiwalang magpapasiya nang tama ang kaniyang mga anak kahit ito'y nasa tamang edad na, ganoon din ang pagtitiwala ng Diyos sa kaniyang mga nilalang.

Pero baka maitanong mo pa rin:
• Kung may kakayahan ang Diyos na alamin ang mangyayari sa hinaharap, bakit hindi niya pinigilan si Satanas o si Eva sa paggawa ng kasalanan?
Bakit pa inilagay ng Diyos ang puno ng pagkaalam ng mabuti at masama sa Eden? Para saan ba 'yon?
• Ang Diyos ba ang gumawa sa kasamaan?
• Patiuna na bang pinlano ng Diyos na magkasala ang mga tao?
• Hindi naman namatay si Adan at si Eva nang kainin nila ang bunga na ipinagbawal ng Diyos, nagkamali ba ang Diyos sa pagsasabi niyang mamamatay sila sa 'araw na kainin nila iyon'?

Sasagutin ang mga iyan sa susunod na mga thread.
 
Last edited:
Assertion lang ba ung pagcreate ni god sa mga anghel or is it actually written sa bible gaya ng creation ng tao??

And also...what do u mean na nilalang sila na perpekto?? Perpekto yet temptation within them?? San nanggaling yung concept nila ng pagkatukso??

Lagi kasi sinasabi na nilalang ng diyos ang lahat na "perpekto" and yet it always didnt work out..

Technically speaking...si god pa din ang gumawa sa anghel na later on kamo eh naging diablo or satanas....

He is the creator who lost control of his "perfect" creations....
 
Saan nanggaling yung concept nila ng pagkatukso.

Well, may kaugnayan yan sa "freewill", may kalayaan silang piliin kung gugustuhin nilang magpadala sa maling pagnanasa or alisin iyon sa kanila ..

Ang pagiging perfect naman kapuwa ng tao at anghel ay hindi nangangahulugan na 'hindi na posibleng tumubo ang maling kaisipan o pagnanasa sa kanila', puwede pa ring tumubo yon, kasi, yung isip nila at kagustuhan ay hindi naman under control ng Diyos,

He is the creator who lost control of his "perfect" creations

Gaya nga ng sabi sa post ko, hindi pipigilan ng Diyos ang kaniyang mga nilalang sa kung ano ang gusto nilang piliin.

Kaya niyang kontrolin iyon, o maniobrahin pa nga, pero dahil nga binibigyang dangal ng Diyos kapuwa ang tao at mga anghel, hindi niya pinakialaman ang kalayaan nilang pumili, o ang pigilan ang kaisipan at kagustuhan nila na patuloy na tumubo ang tukso at magpadala dito ...
 
Iba ung freewill sa concept ng tukso... Freewill is ung pagpili kung magpadala ka sa tukso or not ... Andun na ung tukso eh....san nanggaling un?? Ang anghel ay natukso...at mga tao natukso...eventually ung freewill nilang taglay ang naging daan para magpadala sila sa tukso... Gets??

And kung freewill naman eh kay god pa din galing ang freewill db??

"Bibigyang dangal" lang ni god ang freewill pag its "according to his will"...punishment pag "against his will"...

Oo somehow tama ka...di pipigilan ni god ang pagpili ng tao ...pero paparusahan lang kung maling pagpipili ang gagawin mo
 
Nabasa mo tong part n to?

"Ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan." (Santiago 1:14, 15)

Dto ipinakikita yung proseso kung paano nagkakaroon ng tukso .. nang pasimula, wala namang tukso sa bawat isang nilikha ng Diyos ..

Nagkaroo lang nito, nang maisip ni Satanas na puwedeng siya ang sambahin ng mga tao, so, nag-exist ang tukso noong isipin ito ng anghel na iyon at magpadala dito ...
 
Tanong ko lang ts. Nasaan ba yung dating anghel na naging si satanas nung natukso siya na puwedeng siya ang sambahin ng mga tao, sa halip na ang Diyos? Nasa loob ba siya ng kaharian ng Diyos nun o nasa labas? Salamat.
 
Correction lamang po, ang Kaharian ng Diyos ay itinatag lamang nang iluklok si Jesus bilang Hari sa langit. Hindi pa naitatatag ang Kaharian ng Diyos noong nagsimula ang pagrerebelde ni Satanas laban sa Diyos. Ipaliliwanag ko ang iba pang detalye tungkol sa Kaharian ng Diyos sa susunod ko pang mga post.

May kinalaman sa tanong mo kung nasaan ang dating mabuting anghel na iyon nung natukso siya, hindi iniuulat ng Bibliya kung nasaan siya eksakto noong matukso siya, pero ipinakikita ng Bibliya na nang mapakilos siya ng tukso na gawin ang gusto nito, nasa lupa siya at kinakausap si Eva sa pamamagitan ng ahas.

Sa kabaligtaran, yamang ang langit ang likas na tahanan ng mga anghel, malamang na nasa langit ang dating mabuting anghel na iyon nang tumubo ang maling pagnanasa sa puso niya o puwede ring hindi; walang sinasabi ang Bibliya kung nasaan siya eksakto noong tumubo sa puso niya ang maling pagnanasa.

Ang tanging ulat lang ng Bibliya hinggil sa ginawa niya ay noong kinausap niya si Eva dito sa lupa. 🙂
 
Seryoso ka po ba ts sa sinasabi mo na ang Kaharian ng Diyos ay itinatag lamang nang iluklok si Jesus bilang Hari sa langit? Ano po pala yung tinutukoy ni Jesus sa Mateo 6:20?

Mateo 6:20 "Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, sapagkat doo'y walang naninirang tang* at kalawang, at doo'y hindi nakapapasok at hindi nakapagnanakaw ang mga magnanakaw".

Ano pong langit ang tinutukoy ni Jesus sa verse na yan? Ang Kaharian ng Diyos ang tinutukoy Nya dyan ts. Meaning nang ipadala si Jesus dito sa lupa matagal ng nagawa o naitatag ang kaharian ng Diyos. Ipinaliwanag din ni Jesus dito na ang Kaharian ng Diyos ay talagang isang perpekto at banal na lugar. Isang lugar na hindi na pwede pang magkasala ang mga anak ng Diyos. Sino ba ang tinutukoy ni Jesus na "mga naninirang tang* at kalawang at mga magnanakaw?" Hindi ba't ang masasama na nagdudulot ng kasamaan. Kaya't sa kaharian ng Diyos hindi pwedeng magkaroon o may makapasok na masasama. Ang hari ng mga naninirang tang* at kalawang at mga magnanakaw ay walang iba kundi si satanas. Kaya hindi maaaring makapasok sa langit si satanas sa anumang paraan at anumang panahon. Pero naniniwala pa rin kayo na si satanas ay nakakapasok sa langit dati. Ang Kaharian ng Diyos ay tunay na perpekto at banal kung saan naroon ang mga perpekto at banal na anak ng Diyos. Yan ay batay sa turo ng Panginoong Jesus.

Yes, tama ka ts. Hindi nilalang ng Diyos si satanas. Dahil si satanas ay hindi naman talaga dating anghel ng Diyos kundi ibang entidad. Ang mga anghel ay nilikha rin ng Diyos na banal gaya ni Jesus. Nabanggit din ni Jesus na ang mga anghel ay banal (Mateo 25:31)(Marcos 8:38). Tinawag ni Jesus na banal ang mga anghel pero maaari pa ring matukso at magkasala? Para saan pa at tinawag silang banal. Banal (Holy) meaning there's no way na magkasala sila. Pero kahit si Jesus na nilikhang banal ay sinubukan pa ring tuksuhin ni satanas ngunit siya ay nabigo. Gayundin ang mga anghel na kahit tuksuhin ni satanas ay di rin siya magtatagumpay dahil sila man ay nilikha ring banal ng Diyos. Masasabi kong bihasa ka na ts sa Biblia pero hanggang ngayon naniniwala ka pa ring maaari pang matukso at magkasala ang mga nilikhang banal ng Diyos. Na maaari ding matukso at magkasala ang mga nasa loob ng kaharian ng langit. Ang mga nilikhang banal ng Diyos at nasa loob ng kaharian ng langit ay mananatiling banal magpakailanman.
 
Last edited:
Nabasa mo tong part n to?

"Ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan." (Santiago 1:14, 15)

Dto ipinakikita yung proseso kung paano nagkakaroon ng tukso .. nang pasimula, wala namang tukso sa bawat isang nilikha ng Diyos ..

Nagkaroo lang nito, nang maisip ni Satanas na puwedeng siya ang sambahin ng mga tao, so, nag-exist ang tukso noong isipin ito ng anghel na iyon at magpadala dito ...
Oo binasa ko... At yan nga sinabi mo na oh....

"Ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa.....

SARILI NIYANG PAGNANASA
- meaning its "in" them na

"Nagkaroo lang nito, nang maisip ni Satanas na puwedeng siya ang sambahin ng mga tao, so, nag-exist ang tukso noong isipin ito ng anghel na iyon at magpadala dito ..."

MAISIP OR ISIPIN
- point is andun pa din ung concept or idea....naisip nea nga diba??

Papasok lang ung freewill dun sa part na papadala or not sa tukso....

Tukso itself is iba....
 
He is the creator who lost control of his "perfect" creations
ano daw ???? Nahihibang knba sa pinag sasasabi mo ? Yan kase nangyayari sa tao ,pag puro sariling pilosopiya pinapagana ..

walang ganun sa bible na pdeng malost ang Dios, yung bigyan ka ng freewill para di ka robot na walang sariling isip ,yun ang merun, at yun din nangyari kay satanas ,,dahil sa sobrang buti ng Dios,hindi sya naglalang ng bagay na parang walang sariling pag iral.
 
Maganda yung point mo dito jayendecastro .. Sagutin ko uli next time .. Bsta nagandahan ako sa point mo dito hahahaha 😆

Interesting sagutin kumbaga hahaha
 
Tanong lang kung hindi dating anghel si Satanas anong tawag sa entidad nya? At saan talata mababasa yan sa Bibliya?
 
Tanong lang kung hindi dating anghel si Satanas anong tawag sa entidad nya? At saan talata mababasa yan sa Bibliya?
Alam ko maraming kristiyano ang mahihirapang tanggapin ang sinasabi ko. Dahil una nilang itatanong "saang talata sa Biblia mababasa na si satanas ay ibang entidad"? Pero pinaninindigan ko ang sinasabi ko na si satanas ay di talaga dating anghel ng Diyos kundi ibang entidad. Maaari nating sabihing siya ay nageexist na kasabay ng Diyos at bago pa lalangin ng Diyos ang lahat ng bagay. Isang makapangyarihang entidad. Pero alam nating lahat na mas makapangyarihan ang Diyos kaysa kay satanas. Sinasabing si satanas ay isang fallen angel na mababasa sa libro ni Propeta Isaias. Maaring hindi pa lubos na nauunawaan ni propeta Isaias nung kanyang panahon ang tungkol sa pagiging isang banal kaya inihalintulad niya ang mga anghel na parang mga tao na maaari ding matukso at magkasala.

Tayong mga tao ay hindi naman banal nang likhain ng Diyos. Kaya nga may utos sa Biblia na tayo'y magpakabanal gaya ng ating Ama na nasa langit (Mateo 5:48)(1 Pedro 1:16). Ano ba ibig sabihin ng "magpakabanal (be holy)"? It means to be sinless, perfect in all aspects of life. Yan ang pagiging isang banal (holy). Pero si Jesus at ang mga anghel ay nilikhang banal na ng Diyos. Holy na sila pagkalikha pa lang kaya there's no way na magkasala sila sa Diyos. Kaya yung binanggit ni Jesus na "kasama ng mga banal na anghel" (Marcos 8:38), ipinapakita lamang nito na ang mga anghel ay nilikha ring banal katulad Niya. Do you think sasabihin ba ni Jesus na banal ang mga anghel kung ang mga ito'y maaari pa rin pa lang matukso at magkasala? Kung ganun din pala ang sitwasyon, angels are not worthy to be called holy by Jesus. Jesus will never lie to us. Mismong Siya ang nagsabi na ang mga anghel ay banal. Kaya kung tinawag Nyang banal ang mga anghel, mananatili itong mga banal katulad Nya magpakailanman.

Mahirap tanggapin ang sinasabi ko pero sana maunawaan mo rin kung ano ba talaga ang kahulugan at katangian ng pagiging isang "banal(holy)".
 
Kung hindi nagkakasala ang mga 'anghel', bakit maging sila ay inihagis na kasama ng Diyablo?

Pakibasa mo yung Revelation 12:9 sa mga English version ng Bible ..

Screenshot_2021-06-20-15-29-58-64.jpg
 
Attachments

Last edited by a moderator:
Mahirap maintindihan ang pinaniniwalaan mo wala kang basehan na naka ulat nga yun sa Bibliya at dahil wala naman talaga sumalungat tuloy ang pinaniniwalaan mo kung ibabase yan sa Bibliya. Pakisagot narin si TS dyan din papunta ang tanong ko sayo.
 
He is the creator who lost control of his "perfect" creations
ano daw ???? Nahihibang knba sa pinag sasasabi mo ? Yan kase nangyayari sa tao ,pag puro sariling pilosopiya pinapagana ..

walang ganun sa bible na pdeng malost ang Dios, yung bigyan ka ng freewill para di ka robot na walang sariling isip ,yun ang merun, at yun din nangyari kay satanas ,,dahil sa sobrang buti ng Dios,hindi sya naglalang ng bagay na parang walang sariling pag iral.
Prove me wrong before ka magsabi na nahihibang ako.... Just because ung interpretasyon ko eh di sang ayon sa interpretasyon mo eh nahihibang ako... Kung ganang mindset eh technically eh ikaw eh "nahihibang" na din ang dapat tingin sayo ng ibang di mo kapanalig....

And if u wanna have a discussion eh dont start it with making any assumptions na "puro pilosopiya ang pinapagana"... U dont know me and i dont know u... Ung pinaguusapan ang iaddress mo..
 
Correction lamang po, ang Kaharian ng Diyos ay itinatag lamang nang iluklok si Jesus bilang Hari sa langit. Hindi pa naitatatag ang Kaharian ng Diyos noong nagsimula ang pagrerebelde ni Satanas laban sa Diyos. Ipaliliwanag ko ang iba pang detalye tungkol sa Kaharian ng Diyos sa susunod ko pang mga post.

May kinalaman sa tanong mo kung nasaan ang dating mabuting anghel na iyon nung natukso siya, hindi iniuulat ng Bibliya kung nasaan siya eksakto noong matukso siya, pero ipinakikita ng Bibliya na nang mapakilos siya ng tukso na gawin ang gusto nito, nasa lupa siya at kinakausap si Eva sa pamamagitan ng ahas.

Sa kabaligtaran, yamang ang langit ang likas na tahanan ng mga anghel, malamang na nasa langit ang dating mabuting anghel na iyon nang tumubo ang maling pagnanasa sa puso niya o puwede ring hindi; walang sinasabi ang Bibliya kung nasaan siya eksakto noong tumubo sa puso niya ang maling pagnanasa.

Ang tanging ulat lang ng Bibliya hinggil sa ginawa niya ay noong kinausap niya si Eva dito sa lupa. 🙂
Mali yan ts habang ginagawa ang mundo nag rebelde yan si satanas sya ang kanang kamay ng dios winalis sya dito napunta kasama ang iba pang anghel na nagaklas laban sa diyos marami sila kaya meron sa tubig dagat bato luba mga kahot ibat ibang uri ng mga demonyo si lucifer naman ang pinakahari nila si satanas ang dios ay si jesus parin nagpakatao sya bilang si jesus kaya may pangalan na ang dios na tinawag na si jesus nagiisa lang ang diyos di pwedi na dalawa kasi kong ganun mauulit uli ang pag aklas ang dios spirito na ang ama si jesus ang katawang tao ng dios sya yong kumakatawan at may hitsura tao din ang diyos na may kapangyarihan kaya nga nilalang nya ang tao na kasing hugis sa kanya.
 
Back
Top