What's new

Trivia Negosyo Lang Ba ang Relihiyon?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,576
Reaction
7,227
Points
2,574
501100016_univ_lsr_lg.jpg

Negosyo Lang Ba ang Relihiyon?​

Napapansin mo ba na maraming relihiyon ang parang mas interesadong kumita ng pera kaysa tumulong sa mga tao na mapalapít sa Diyos? Nag-aalok sila at nagbebenta ng mga serbisyo at produkto. Malaki ang suweldo at maluho ang buhay ng maraming lider ng relihiyon. Tingnan ang ilang halimbawa:
  • Ayon sa isang imbestigasyon, isang Katolikong obispo ang gumamit ng pondo ng simbahan sa loob ng 13 taon para sa halos 150 niyang biyahe sa private jet at mga 200 pagrenta ng limousine. Gumastos din siya ng mahigit apat na milyong dolyar para ipa-renovate ang tirahan niya na pag-aari ng simbahan.
  • Isang pastor sa isang bansa sa Africa ang regular na nagdaraos ng relihiyosong pagtitipon at libo-libo ang nagpupunta rito. Makikita sa malaking simbahan niya ang maraming klase ng paninda—“miracle oil,” tuwalya at T-shirt na may litrato niya, at iba pa. Mahirap lang ang karamihan ng pumupunta doon, samantalang siya, napakayaman.
  • Dalawa sa apat na sagradong bundok ng mga Budista sa China ay mga kompanya. Ang sikát na Shaolin Temple ay ginagamit sa maraming negosyo, kaya ang pinakamataas na monghe nito ay tinatawag na “CEO monk.”
  • May mga kompanya sa America na umuupa ng tao para gumawa ng mga relihiyosong ritwal at magpayo sa mga empleado nito.
Ano ang tingin mo sa mga relihiyon na nagnenegosyo? Naiisip mo ba kung ano ang nararamdaman ng Diyos sa mga taong pinagkakakitaan ang kanilang relihiyon?

Ano ang tingin ng Diyos sa mga relihiyong nagnenegosyo?​

Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang mga relihiyong nagnenegosyo. Ipinapakita sa Bibliya na nagalit siya noon sa mga saserdote na nagsasabing kinakatawan nila ang Diyos pero nagtuturo nang “may bayad.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagalit din ang Diyos sa mga sakim na negosyante dahil ginawa nilang “pugad ng mga magnanakaw” ang lugar ng pagsamba.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Gaya ng Diyos, galít din si Jesus sa mga taong ginagawang negosyo ang relihiyon. Noong panahon niya, nakikinabang ang mga lider ng relihiyon sa mga sakim na negosyante na pinayagan nilang magtinda sa loob ng templo sa Jerusalem. Sinamantala nila ang mga taong pumupunta doon para sumamba. Buong tapang na pinalayas ni Jesus sa templo ang mga mandarayang negosyanteng ito. Sinabi niya: “Huwag na ninyong gawing lugar ng negosyo ang bahay ng aking Ama!”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tinularan din ni Jesus ang pananaw ng Diyos noong nagtuturo siya sa mga tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi siya nagpabayad nang turuan niya sila tungkol sa Diyos. Hindi rin siya naningil nang gumawa siya ng mga himala, gaya nang pakainin niya ang nagugutom, pagalingin ang maysakit, at buhayin ang mga patay. Kahit kailan, hindi ginamit ni Jesus ang ministeryo niya para magpayaman—ni wala nga siyang sariling bahay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paano nagawa ng mga Kristiyano noon na hindi mahaluan ng negosyo ang pagsamba nila?​

Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na huwag silang magpabayad sa pagtuturo nila. Sinabi niya: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinunod nila ang payo ni Jesus, at nakilala sila bilang mga Kristiyano. Tingnan natin ang ilang halimbawa:
  • Si apostol Pedro, na nakasama ni Jesus sa ministeryo niya, ay inalok ng pera ni Simon, isang lalaki na gustong magkaroon ng kapangyarihan at awtoridad. Agad na tinanggihan ni Pedro ang alok ni Simon at sinabi sa kaniya: “Malipol ka nawang kasama ng pilak mo, dahil iniisip mong mabibili mo ng pera ang walang-bayad na regalo ng Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Si apostol Pablo ay nakilala bilang isang naglalakbay na ministro. Maraming taon siyang naglingkod sa mga kongregasyong Kristiyano, pero ni minsan, hindi siya humingi ng bayad. Siya, pati na ang iba pang Kristiyano noon, ay hindi “tagapaglako ng salita ng Diyos gaya ng marami.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip, isinulat ni Pablo: “Gabi’t araw kaming nagtrabaho para hindi mapabigatan ang sinuman sa inyo nang ipangaral namin sa inyo ang mabuting balita ng Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Siyempre, kailangan din naman ng mga Kristiyanong iyon ng panggastos para sa malawakang pangangaral nila at pagtulong sa iba. Pero hindi sila nagpabayad para sa mga serbisyong iyon. Puwede namang magbigay ang mga tao kung gusto nila, ayon sa mga prinsipyong ito:
  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Dahil kung may pananabik ang isang tao, nagiging kalugod-lugod ang ibinibigay niya; hindi inaasahan na ibibigay ng isa ang hindi niya kayang ibigay kundi kung ano lang ang kaya niya.”
    Ibig sabihin: Sa pagbibigay, mas mahalaga ang motibo kaysa sa halaga.
  • You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Magbigay ang bawat isa nang mula sa puso, hindi mabigat sa loob o napipilitan, dahil mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.”
    Ibig sabihin: Ayaw ng Diyos na napipilitan tayo sa pagbibigay. Natutuwa siya kapag nagbibigay tayo dahil gusto natin.

Ano ang malapit nang mangyari sa mga sakim na relihiyon?​

Malinaw na sinasabi ng Bibliya na hindi tinatanggap ng Diyos ang lahat ng relihiyon o paraan ng pagsamba. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa isang hula ng Bibliya, itinulad ang lahat ng huwad na relihiyon sa isang babaeng bayaran dahil nakikipag-alyansa sila sa mga gobyerno para sa pera o iba pang pakinabang at sinasamantala nila ang mga tao ng lahat ng bansa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinakita rin sa hulang iyon na malapit nang parusahan ng Diyos ang huwad na relihiyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Habang hindi pa iyan nangyayari, ayaw ng Diyos na madaya ang mga tao o mailayo sila sa kaniya dahil sa maling gawain ng huwad na relihiyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hinihimok niya ang tapat-pusong mga tao na alamin kung paano siya dapat sambahin at humiwalay sa huwad na relihiyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paano nagagawa ng mga Saksi ni Jehova na hindi mahaluan ng negosyo ang pagsamba nila?​

Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi humihingi ng bayad para sa kanilang mga publikasyon o pagtuturo ng Bibliya. Wala rin silang ikapu o koleksiyon sa mga pulong nila. Sa halip, ang mga pondo nila ay galing sa kusang-loob na mga donasyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mababasa sa sumusunod na mga artikulo ang iba pang impormasyon:
501100016_univ_cnt_2_xs.jpg
May mga tao na gustong makilala ang Diyos pero walang tiwala sa relihiyon. Nakita ng marami sa kanila na naiiba ang mga Saksi ni Jehova. Isa na diyan si Tom. Gusto niyang maniwala na may Diyos, at nag-aral pa nga siya para maging pari. Pero umalis din siya sa relihiyon niya dahil nadismaya siya sa mga katiwaliang nakita niya. Bakit nagbago ang isip niya nang mag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova? You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

I do believe it needs to be a business somehow because can sustain the group, upgrade church and expand the religion. For me why not? as long you helping people and you gain some profit for your devotion to your religious group. As long as it will not mix greediness and evil doings.
 
It depends on your needs. If you need genuine spiritual guidance, then it is not. People adapt based on their needs, others tend to monetize their dedication for practical reasons. Stop fundamentalizing religion and stick to your common sense when answering practical questions. That is not how you encourage people to join your cultish shallow based religion. Only stupid people will believe that. Don't justify your self-interest to virtue-signal or to gain attention (and power). You are no different to those far-left SJWs who justify destructive acts in the name of social justice. You are part of the reason why atheists are winning and treat religious people as delusional stupid freak.
 
try nyo mag simba, if wala kayong maririnig na tithes and offering 10% ng pinagkikitaan nyo, baka hindi yan negosyo,
watch nyo din mga leader ng mga malalaking religion, tingnan nyo estado nila da buhay compare sa mga members, kadalasan pag mga preachers nangangailangan ng tulong, walang ibang maitutulong ang members kundi cash, pag member nangangailangan, ang maitutulong nga mga church leader, dasal lng. based lng to sa observation ko, lumaki ako na palaging nag sisimba (noon) at preacher din ermat ko. sa iba source of income din talaga. kung mag basa ka ng bible na hindi selected at analyze mong mabuti, hanggang mabuksan isipan mo,
 
Kahit walang negosyo kaya maka sustain parin, katulad samin (di ko kinocompare ang ibang relihiyon base sa experience lang) walang bayad lahat nang bible namin 1000+ languages at million of publications namin tulong sa calamity pinamimigay namin, basta lahat nang gawain namin. San nang galing pera? Via voluntary donation, di ka pinipilit na mag bigay, or kahit ilan ang ibibigay mo, kung sa panahon nang bibliya isang matandang babae ang nag donate nang maliit na halaga pero sabi ni jesus mas mahalaga pa sya.
 

What Is a Business?​

A business is defined as an organization or enterprising entity engaged in commercial, industrial, or professional activities. Businesses can be for-profit entities or they can be You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. organizations that operate to fulfill a charitable mission or further a social cause.

ito po meaning ng business base kay google... kayo na humusga..

pero para sakin basta "limos" lang ang binibigay okay na yun para makatulong. pero pag ubligado ka mag bigay ibang usapana na yun... opinyon ko lang po
 
What Is a Business?
A business is defined as an organization or enterprising entity engaged in commercial, industrial, or professional activities. Businesses can be for-profit entities or they can be non-profit organizations that operate to fulfill a charitable mission or further a social cause.

The term "business" also refers to the organized efforts and activities of individuals to produce and sell goods and services for profit. Businesses range in scale from a sole proprietorship to an international corporation. Several lines of theory are engaged with understanding business administration including organizational behavior, organization theory, and strategic management.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Business
Business is the activity of making one's living or making money by producing or buying and selling products.

Wikipedia
 
maraming religion ay ginagawang business ang religion.. nakasulat naman yan sa bible pagkalakal sa salita ng Diyos, mga pastor na ravening wolves.. yung mga religion na ang daming offering na inimbento at kumukuha ng 10% sa mga myembro yan ay sigurado na ang layunin ay magpayaman lang na pastor o preacher..
kasi di talaga sila sumsunod sa aral ng biblia..

sa totoong iglesia maari lang mag abuloy pag myembro at ang pag aabuloy ay dapat yung nasa ng puso at hindi obligado gaya ng Turo ng Panginoon Jesus..

kaya kung interesado at mahalaga sa inyo ang religion dun kayo dapat sa religion na ang aral ay buo galing sa biblia
 
Negosyo na hindi halata.. wala nmn kasing katotohanan nababasa nyu sa libro puro gawa ng tao. Maging critical thinker kayu 👌
 
iisa lang kasi ang tunay na religion.. so, the rest ay mga business na..

dapat mahanap niyo yung nag iisang tunay na religion.. efeso 4:4 colosas 1:28
 

Similar threads

Back
Top